A 50-MILLION PESOS BRIDE (PART 5)

2.8K 67 0
                                    




HILAM NG luha ang mga mata ng dalaga. She does not even care anymore.

"Huwag kang mag-alala, Brendo. Hindi ako maghahabol sa iyo."

"Great, Veniz. Kaya kita gustong makausap para maging clear ang lahat. Wala ng tayo. Tapos na ang relasyon natin."

Hindi na hinintay pa ng dalaga ang mga sasabihin pa ni Brendo. Malinaw ang lahat sa kanya. Ayaw lang niyang tanggapin na ganoon kabikis na nakahanap si Brendo ng kapalit niya.

He even made an agreement not to say a word to the press. Basta wala na silang relasyon at hindi na kailangang sabihin kung ano ang dahilan. Ayaw masira ni Brendo ang kanyang reputasyon na dahil lang sa money issues ay bigla na lamang nagbago ang lahat.

Ngayon niya tila nauunawaan na sa kanilang dalawa. Si Brendo ang kumakapit sa pera kaya ganoon na lamang ang galit niya sa nalamang nalulugi na  ang Villaluz Empire.

It is just so unfair with her.

"Veniz! Nagagalit na si Sir Travis! Halika na?"

Katulad ng palaging ginagawa ni Carol ay narito na naman siya para alalayan ang pinsan.

"May sinabi ba siya kung ano ang pag-uusapan?"

"Wala, eh. Deretso ka na sa kanyang opisina. Ayusin mo ang sarili mo."

"Salamat, Carol."

Iyun ng ang ginawa ni Veniz. Lutang na ang kanyang isip sa mga sandaling iyun. Gusto na niyang makausap si Travis para matapos na. In that case, makakaalis na siya sa main branch at hindi na palaging makikita ang pagmumukha ng binata.

Bukas ang pinto kaya hindi na niya nagawang kumatok. 

"S-Sir Travis..."

Ilang sandali lang siyang tiningnan ni Travis at yumuko na ito upang matuon ang atensiyon sa kanyang ginagawa habang kausap ang dalaga. "Saan ka nanggaling sa oras ng trabaho?"

"Just talking to an old friend," sagot ng dalaga.

Umangat ang mukha ni Travis. Nakapinta sa mukha nito ang hindi pagtitiwala sa sagot ng dalaga.

"Oras ng trabaho at ganoon ang ginagawa mo?"

"Sandali lang naman iyun, Sir Travis. Ano ang pag-uusapan natin?"

"Ibalik mo sa mesa ang mga gamit mo. Hindi ka lilipat sa ibang branch. You are appointed as VP of operations. "

"Para ano? Araw-araw mong ipamukha kung gaano ako ka-deserving sa mga nangyari? Ito ba talaga ang gusto mo?"

"Well, I will not necessary do that. Just put back your things. You can leave now."

"Fine!"

"Or you know...stay with me. Kahit papaano ay matagal ka ring namahala. I will make you my assistant. Kahit papaano ay executive ka pa rin."

"Executive alalay." Sumimangot ang dalaga.

"Lastly, Veniz...gusto kong itapon mo na lahat ng gamit mo sa luma mong table. As in lahat. Bibili tayo ng bago mong kailangan."

"No! May sentimental value ang mga iyun! Lalo na ang--"

Pinutol ni Travis ang anumang sasabihin ng dalaga. Ayaw niyang may mga distractions si Veniz sa trabaho. Ayaw rin niyang nakikita ang picture nilang dalawa.

'What is wrong with me?'

'No!'

Kung anuman ang nagbabalik niyang pakiramdam ay hindi niya kailangang palakihin. Wala ito. Kasama lang sa inis niya sa dalaga ang lahat ng nararamdaman niya.


A 50-MILLION PESOS BRIDE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon