NAIS NIYANG makatiyak kung totoo ang nakikita o isa lamang itong panaginip. Ngunit tuwing idinidilat niya ang mata ay hindi nawawala sa kanyang paningin si Travis.
Nakaharap sa kanya ang binata. Nakapikit at nakayakap sa katawan ng dalaga.
Maingat na kumilos si Veniz para alisin ang kamay ng binata na nakadantay sa kanyang beywang pero dumilat ito.
"Good morning, Veniz. Wait, magtitimpla lang ako ng gatas mo ay gagawa ako ng sandwich."
"Travis, ako na..."
Tuluyan nang bumangon ang binata. "Ako na, Veniz. Mag-breakfast ka muna bago magbantay kay Maam Consuelo. Naayos ko na rin ang damit na dinala ng kasambahay mo kagabi."
"Travis, hindi mo kailangang gawin ito. Kaya ko na ang sarili ko."
"Fine. Baka nga mas magaling mag-asikaso si Brendo kaysa sa akin!"
"Good morning, Veniz! And Sir Travis?" Sumulpot si Carol.
Nagtuloy-tuloy na lumabas ang binata. Ni hindi pinansin ang pagbati ni Carol sa kanya.
"Ano ang nangyari sa kanya? Ang suplado! Veniz, ano ang ginawa mo sa kanya? Baka nakakalimutan mong binantayan ka magdamag para makatulog nang maayos."
Walang imik ang dalagang inayos ang pinaghigaan. Kumuha siya ng baso. Naglagay ng tatlong kutsara ng milk powder saka binuhay ang electric kettle. Kumuha din ito ng dalawang loaf bread at peanut butter na magsisilbing palaman.
Ang kanyang pananahimik ay hindi naging dahilan para tumigil si Carol. Lalo itong nag-usisa ng mga bagay-bagay.
"Veniz, ano ba talaga ang nangyari? Nag-away na naman ba kayo?"
"Carol, please..."
"Veniz, hanggang ngayon ba ay in denial ka pa rin? I know naman na hindi nawala ang pagmamahal mo kay Travis."
Tumigil si Veniz sa kanyang ginagawa. "Carol, huwag ka namang magsalita ng ganyan. During my relationship with Brendo, kinalimutan ko ang anumang damdamin ko para kay Travis. Mahal ko si Brendo, Carol. At sa loob ng halos apat na taon ay hindi ko inisip kung anuman ang nakaraan namin ni Travis. Kaya kung ano man ang iniisip mo ngayon ay kalimutan mo na."
Natigilan ang magpinsan nang biglang sumara ang pinto.
"Sorry, I forgot to close. Isinara na ng hangin."
"Carol, hindi ka ba papasok sa trabaho?"
"Mamaya pa kaunti. Kahit mag-overtime na lang ako kung magalit si Sir Travis. Mag-usap naman tayo nang masinsinan, Veniz. Heart to heart. Ngayong wala na kayo ni Brendo, naiisip mo na ba ulit si Travis?"
"Pinaglalamayan natin si Mommy, Carol. Ayaw kong pag-usapan ang mga ganyang bagay sa ngayon."
"Bahala ka. Wait, kaninong phone iyang nasa kama?" Kinuha ito ni Carol. "Kay Sir Travis! Hala, nakalimutan niya. Paano kung may tawag ang mga kliyente niya, Veniz?"
"Ang mabuti pa ay pumasok ka na sa opisina. Ibigay mo nalang iyan sa kanya."
"Okay."
ITINAPON NG dalaga ang puting rosas sa ibabaw ng kabaong ng ina. Naroon ang malalapit niyang kamag-anak at kaibigan ng ina. Nasa tabi niya sina Brendo at Carol.
"Tama na, Veniz. Kakayanin mo," bulong ni Brendo.
Dalawa na lamang silang naiwan sa sementeryo. Kaaalis lang ni Carol para ihatid ang kanyang mga magulang.
"Salamat sa pagdamay mo, Brendo."
Hinawakan ng lalaki ang kamay ng dalaga. "Alam kong sinaktan kita. At naiintindihan ko kung hindi mo pa ako mapapatawad ngayon. This is the least I can do, Veniz."
BINABASA MO ANG
A 50-MILLION PESOS BRIDE (COMPLETED)
RomanceDati ay siya ang nasa itaas pero biglang bumulusok ang gulong ng kanyang buhay. Siya ngayon ang nasa ibaba. At lahat ng mga ginawa niya kay Travis ay nagsisimula nang makarma si Veniz. "Veniz, you have no choice! Marry me to regain your wealth!" "Ov...