KAPWA TAHIMIK ang dalawa. Nakaalis na ang mga kumuha ng pera. Walang ideya ang dalaga kung ano ang una niyang sasabihin kay Travis.
"Waiter!"
Tumaas ang kilay ni Veniz.
Hindi ito nakaligtas sa binata. "Magkakape tayo."
"No, thanks."
"Yes, Sir?"
"Espresso for me."
"Ano ang order ng misis ninyo, Sir?"
"Hmm, my wife? Dolce de leche. Cold, please. Right, sweetheart?" Kumindat ang binata.
"Okay, Sir."
Nang makatalikod na ang waiter ay inirapan agad ni Veniz ang binata. "Will you stop calling me that sweetheart thingy?"
"Ayaw mo? Bakit hindi mo kinokontra agad kung naririnig mo. Tsaka, pinapansin mo.ang sweetheart ko sa iyo pero ang mapagkamalan kang girlfriend at misis ko ay hindi. Tell me, sweetheart, may kilig ba?"
"Huwag ka ngang assuming, Travis. Mauuna na ako sa opisina. Marami pa akong---" Hindi naituloy ni Veniz ang kanyang gustong sabihin.
Hindi niya itinuloy ang pagtayo nito. Sinundan ni Travis kung saan nakatingin si Veniz.
Si Brendo ang kanilang nabungaran. May kasama itong babae at magkahawak pa ang kanilang mga kamay.
Pinag-aralan ni Travis ang dalaga.
"Hahayaan mong lokohin ka ng boyfriend mo ng harapan, Veniz?"
Nagbaba ng tingin ang dalaga. "Naghiwalay na kami, Travis."
"When? Nagkita lang kayo noong isang araw."
"Nakipaghiwalay siya sa akin noong una kang pumunta sa opisina at hinirang na CEO. Nag-usap lang kami noon para pormal na maghiwalay." Mahina ang tinig ng dalaga. Nakayuko pa rin ito na tila ayaw niyang makita siya ni Brendo.
Hindi niya kilala ang babaeng kasama ng dating kasintahan. Nanghihina ang kanyang loob. Sumusundot ang sakit sa kanyang puso pero kailangan niyang hindi ipahalata ito lalo na at kasama si Travis.
Lalo lang siyang magmumukhang talunan kung makita siya ng binata sa miserableng ayos.
Malayang nakatingin si Travis sa dalaga habang nakayuko ito. He must be happy seeing her in misery. Kaya lang iba ang nararamdaman niya sa pagkakataong iyun. Gusto niyang yakapin si Veniz at palakasin ang loob nito.
Lalong lumambot ang puso ng binata pagkatapos niyang mahuli na nagpunas ng luha si Veniz. Kauna-unahang pagkakataon na nakita niya ang dalaga sa ganoong ayos.
Nagtiim ang kanyang bagang habang sinusundan ng tingin si Brendo at ang babaeng kasama nito. Kung p'wede lang sugurin ang lalaki at undayan ng suntok ay ginawa na niya ito.
"Travis..." mahina ang tinig ng dalaga.
"Yes?"
"Kapag nandito na ang order natin, bumalik na tayo sa opisina. M-Marami pa kasi akong gagawin."
"Sige."
"TRAVIS! KANINA pa kita hinihintay!"
Hindi mabasa ni Veniz ang makahulugang tingin ni Jasmin sa kanila.
"Veniz?"
"Maiiwan ko muna kayo," saad ng dalaga. Hindi na niya kailangang hintayin na sabihin ng binata na mag-uusap sila ni Jasmin privately.

BINABASA MO ANG
A 50-MILLION PESOS BRIDE (COMPLETED)
RomanceDati ay siya ang nasa itaas pero biglang bumulusok ang gulong ng kanyang buhay. Siya ngayon ang nasa ibaba. At lahat ng mga ginawa niya kay Travis ay nagsisimula nang makarma si Veniz. "Veniz, you have no choice! Marry me to regain your wealth!" "Ov...