A 50-MILLION PESOS BRIDE(PART 4)

2.7K 71 0
                                    





KANINA PA nakatirik sa gilid ng kalsada ang kotse ng  dalaga. Imposibleng naliligaw siya samantalang kabisado niya ang eksaktong lugar na kinatitirikan ng bahay ng mga Sebastian.

Kinuha niya ang phone at hinanap ang numero ni Aling Pepita na binigay niya noong huling dumalaw ito sa kanila.

"Hello?"

"Aling Pepita, si Veniz po ito. Gusto ko sana kayong puntahan pero naliligaw yata ako. Lumipat ba kayo?"

Nagpalinga-linga ang dalaga. Maigi niyang pinagmasdan ang katapat niyang buhay. Parang modelo ng subdivision ang estilo ng tahanan. Mas malaki ang kanilang bahay pero hindi maikakailang mas magarang tingnan ito dahil modern structure ang pagkakagawa.

"Hindi kami lumipat, anak.  Teka, nasa tapat ka na ba ng bahay? Lalabas ako."

"O-Opo."

Limang minuto pa siya naghintay. Bumukas ang pintuan sa malaking bahay na kanina pa niya pinagmamasdan. Iniluwa si Pepita na mabilis kumaway sa kanya nang makita ito. Kinuha ng dalaga ang mga regalo niya sa ginang bago ito bumaba.

"Happy birthday po."

"Naku, salamat at nakarating ka! Mabuti at natatandaan mo pa ang bahay namin."

"Akala ko nga po naliligaw ako." Nahihiyang ngumiti ang dalaga.

"Matagal din kasing hindi ka nagawi dito, Veniz. Bunga ng pagsisikap ito ng anak ko."

"Masaya po akong nagpursige siya sa buhay."

At may gusto pa siyang idagdag pero ayaw niyang masira ang araw ni Aling Pepita lalo na at kaarawan niya ito.

"Halika na sa loob?"

Inalalayan ni Veniz ang ginang.

Higit na nakakalula ang loob ng bahay ng mga ito. Limang taon nga ba siyang hindi na nakadalaw sa mag-asawa kaya hindi na niya alam kung gaano ka-progresibo na ang pamumuhay ng mga ito?

"Veniz!" Nakangiti rin si Mang Kanor na sumalubong sa kanya. "Mabuti at nakapasyal ang isa naming anak!"

She is happy of what she heard.  Hanggang ngayon ay parehong malapit pa rin ang mag-asawa sa kanya.

"Magandang hapon po, Mang Kanor."

"Ganoon din sa iyo, Veniz! Ang mabuti pa ay magpahinga ka muna. Manood o kaya makipagkuwentuha  sa akin!"

"Kanor, ako ang may birthday kaya akin si Veniz! Alam mo naman na paborito naming bonding noon ang magluto. Hindi ba, anak? Gusto mo ba akong samahan na magluto para sa dinner natin?"

"Oo nga pala! Walang kalaban-laban ang ukluban!"

Nagtawanan ang tatlo bago tumalikod si Kanor.

Puno ng excitement ang dalaga na kinuha ang apron at isinuot ito agad. "Aling Pepita, wala ba kayong katulong? Ang laki ng bahay ninyo para kayo lang ang maglinis."

"Wala, anak. Pero may mga apo ako sa kapatid ko na nakatira dito. Sila ang tumutulong sa akin sa paglilinis. Nagkataon lang na wala sila dahil umuwi muna sa kanilang bahay. Sa Linggo pa ang selebrasyon ng birthday ko para kumpleto kami. Gusto na kitang makasama ngayon dahil sa araw na iyun ay alam kong oras ninyo ng mommy mo."

Lalong nadagdagan ang saya sa kalooban ni Veniz sa sinabi ni Pepita sa kanya. Itinago niya ang hiyang naramdaman kapag naaalala niya ang nakaraan.

Kahit papaano ay nagpapasalamat siyang hindi naapektuhan ang relasyon niya sa mag-asawa.

A 50-MILLION PESOS BRIDE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon