A 50-MILLION PESOS BRIDE (PART 10/FINALE)

5.7K 125 7
                                    





"MAAM VENIZ! Wala ka pa rin talagang kupas sa pagluluto ng crabs! Kaya siguro may ganyan kang talent dahil itong resto-resort ang trabaho na para sa iyo! Pati ang mga transient sa kabilang resort ay dinadayo ang luto natin!"

"Maraming salamat, Manang. Salamat na hindi ninyo ako iniwan."

"Maam, itinuring ninyo kami na pamilya kaya walang iwanan!"

"Tama!"

"Mabuhay si Maam Veniz!"

"Mabuhay!"

Sinabayan pa ng palakpak ang mga hiyawan ng kanyang mga tauhan. Parang kailan lang noong nangangapa ang dalaga.

Napakabilis ang isang taon at ngayon ay nagbunga na ang lahat ng paghihirap niya. Masaya siya sa bago niyang pamumuhay. Malayo sa lugar na maingay at polusyon.

Napangiti ang dalaga nang masilayan ang ngiti ng kanyang mga tauhan. Lumalaki ang kanyang pamilya sa resort at sa susunod na buwan ay tiyak na magdagdag na naman siya ng empleyado dahil sa lumalaking demands sa kanyang resto-resort.



"CAROL, IKAW lang ang inaasahan kong makapagsasabi kung nasaan si Veniz. Gusto ko siyang makita."

"Wala talaga kong alam, Sir Travis."

Walang nagawa si Travis kundi manahimik ulit. Ilang buwan na siyang nagtatanong kung nasaan ang dalaga pero patuloy na itinatago ni Carol.

Nakita niya kung  gaano kadikit ang magpinsan. Hindi puwedeng hindi alam ng isa sa kanila ang ganap sa kanilang mga buhay. Nasubukan na rin niyang manmanan si Carol pero sadya itong maingat.

Gusto niyang makita ang dalaga. Wala pang isyu tungkol sa kanilang engagement. Ang alam pa rin ng karamihan ay magpapakasal ang mga ito. Hindi lang nakikita si Veniz dahil may importanteng bagay itong inaasikaso.

Ang tikom na bibig ni Carol ay malaki ding tulong para hindi inuusisa ang pansamantalang pagkawala ni Veniz.

"Sige, Carol. In case na gusto mo nang sabihin sa akin ang kinaroroonan ni Veniz ay lapitan mo lang ako. Gusto ko lang talaga siyang makausap. May isyu kaming aayusin."

"Ang pagkakaalam ko kasi Sir Travis ay malinae na pinutol na ni Veniz ang ugnayan ninyong dalawa. Nasa iyo na rin ang bayad sa pagkakautang niya sa iyo kaya hindi na fair sa kanya na pipilitin mo pa rin siyang magpakasal sa iyo."

"Sa tingin mo ba ay pera lang talaga ang dahilan kaya ko siya hinahanap? Higit pa nito ang dahilan ko, Carol! Gusto ko siyang makausap dahil marami akong gustong sabihin! Hindi na kami bata na kailangang nagtataguan kaya hindi naaayos ang sitwasyon, eh!"

Pinili ni Carol ang manahimik. Kulang nalang ay gusto niyang magsisisigaw sa tuwa sa.mga sinasbi ni Travis. Napalitan din ito ng lungkot nang maalalang sarado na ang buhay ni Veniz para sa binata.

Labis na itong nasaktan at kung maaari ay hindi na rin niya babanggitin ang pangalan ng binata. Ayaw niyang umiyak ulit ang pinsan dahil sa pag-ibig.


INAYOS NI TRAVIS ang zipper ng kanyang maleta. All is set.

Lumapit si Pepita sa kanyang anak. "Travis, lalayo ka na naman ba?"

"Gusto kong mapag-isa, Nanay."

"Bahala ka. Pero may kuwento akong gusto ko munang marinig mo, anak. Noong nangyari ang pagkakaila ni Veniz sa relasyon ninyo ay umiyak siya nang umiyak. Gusto ka niyang makausap pero hindi ka namin mahanap. Ginawa niya iyun dahil sa pananakot ng kanyang ama na tuluyan nang hindi ibalik ang nakasanla nating lupain sa kanila. Ikaw at ang kapakanan natin sa hinaharap ang inisip ni Veniz. Pero mahal na mahal ka niya. Saksi ako sa pangungulila niya sa iyo. Ayaw niyang ipaalam sa iyo ang totoong dahilan, Travis. Hindi ka niloko at pinahiya ni Veniz, iniligtas niya ang ating kabuhayan."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 20, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A 50-MILLION PESOS BRIDE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon