Kabanata 12

953 24 1
                                    

Kabanata 12

Dislike

Binuksan ni Yana ang pintuan ng kotse at mabilis na lumabas, badtrip pa siya dahil sa nalaman sa nangyari noong nakaraang araw bukas na ang alis ni Mommy at Daddy at hindi pa maganda ang mood ng kapatid ko ngayon.

May activities kami ngayong mga seniors habang sila naman na nasa Junior High ay may mga dapat gawin. Nabalitaan ko kay Kim na mag aayos kami ng ilang mg banners, ang ilan naman ay busy sa mga tshirts ng dumating ako, Black and Gold ang kulay ng Jersey ng department namin. Ang STEM naman ay Blue at Puti, habang ang GAS ay Pula at Itim ang HUMMS naman ay green at dilaw. Nakisama na ang Stem health sa buong department at habang kaming mga ABM strand naman ay busy na, malakas kami ngayon, at alam kong dahil din iyon sa magpipinsan na Lamperouge.

Magulo ang room namin, ang daming paroot parito, mabilis kong nakita si Kim na may mga hawak na Jersey. Agad akong lumapit sa kanya ang ilang nakapansin sa akin ay bumati nginitian ko nalamang sila. Apat na Jersey ang hawak niya.

Kamusta kaya ang sa Junior High? Alam kong lugi sila sa amin dahil apat kaagad ang katunggali pero narinig kong hinati sa dalawa ang lalaban sa amin para anim na match. Nang makita ako ni Kim ay agad siyang ngumiti.

“Para ba ‘yan sa mga pinsan mo?” tanong ko sa kanya kahit alam kong para sa kanila nga ang mga ‘yon.

“Yup! Gumawa ako ng banners para sa kanila, meron ka din ba?” tanong niya na agad kong inilingan.

Umiling ako, wala naman talaga akong balak na manood sa Intrams pero nakita ko ang pagkadismaya sa kanyang mukha at handa na akong mapagalitan ni Kim pero agad na sumulpot sa harapan ko si Raze, pawisan at mukhang bagong palit lang ng kanyang damit. Tumikhim si Kim at mabilis na nag iwas ng tingin sa akin at itinuon ang tingin niya sa kanyang pinsan na ngayon ay busy sa pag inom ng tubig sa kanyang tumbler.

“Hi!” Raze greeted me.

“Hi!” I greeted back

“You’re not answering my calls, what the problem, huh?” he said languidly.

Nagkunot ako ng noo, tumawag siya sa akin? Kanina ba? Kukuhain ko na sana ang phone ko para icheck ang sinabi niya pero natigilan ng magsalita si Kim.

“W-What for? Nasa… school naman tayo parehas!” she hissed.

Ramdam ko ang tensyon sa pagitan nilang dalawa pero agad na nagkunot ako ng noo, dahil kitang kita ko ang kaba sa mukha ng aking kaibagan, naninibago ako. Simula kasi ng nangyari sa kung anong meron kami ni Clovis ay halos hindi na kami magkita nitong si Kim kung hindi lang dito sa school ay siguro baka ni hindi na kami nakapag usap pang muli.

We grew aloof with each other, busy ako sa mga businesses ni Dad, lalong lalo na dahil hands on ako sa Ranch ngayon dahil aalis na sila kinabukasan ayokong madismaya si Daddy sa akin. Nang magtagpo ang tingin naming dalawa ay agad siyang nag iwas ng tingin sa akin, para bang may itinatagong lihim. Ngumuso nalang ako at tinulungan siya pag aayos ng mga t-shirts na ngayon ay nakakalakat na.

We are informed to wear the Black and Gold theme shirts, to support the department and also to contribute to the Intrams, pero mukhang hindi ko na magagawa pa ang pag suporta sa kanila dahilan nab aka hindi ako makadalo dahil nga ihahatid namin si Mommy at Daddy sa airport para sa kanilang trip.

“It’s good to see you again, Gwynn.” Matamang saad ni Raze na ngayon ay nakaupo sa silya malapit sa pwesto namin. Mabilis na nabitawan ni Kim ang hawak na mga jersey at napahawak sa kanyang dibdib.

“Yeah. Naging busy lang sa amin” I said languidly, I can sense something is wrong with the both of them.

“Raze! Kanin aka pa namin hinahanap!” napalunok ako ng marinig ang boses ni Kite sa aming likuran.

Diary of a Rapist (Mercadi Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon