Kabanata 27

663 17 2
                                    

Kabanata 27

Lover

Mabilis ang paglalakad ko ganoon na din ang paghinga ko, hinawakan ko ang aking dibdib dahil kakaibang kirot ang nararamdaman ko ngayon sa loob noon. Ang mga luha ako ay nagsimula nang bumuhos at wala nang makaka-awat pa doon.

Mabilis at padarag kong binuksan ang pintuan nang suite namin, hindi ko pinansin ang mga taong nakasunod sa akin, all i want now is peace, i want to be alone, kailangan kong ikalma ang sarili ko, kailangan kong maging rational para kapag hinarap ko si Aissen ay hindi ako sasabog ng bigla bigla.

Binagsak ko ang sarili ko sa sofa, naramdaman ko ang marahang haplos ni Kim sa aking balikat, kitang kita ko siya sa gilid ng aking mga mata. Sa harapan ko naman ay maingat na umupo sina Erica at Ace. Pumalatak ako dahil sa sobrang inis, sobrang sakit, inis na inis ako sa mga sinabi ni Elliana halos hindi ako makapaniwala.

Marahas kong pinahid ang mga luha sa aking mata at pisngi, doon nalang naibaling ang inis at sama ng loob. Damn Elliana for thinking that she's above me! Umirap ako sa kawalan.

"Feelingera lang 'yon si Elliana wag mo na pansinin!" medyo matabang na saad ni Erica.

Nag angat ako ng tingin sa kanya, mabilis niyang iniwas ang mga mata niya sa akin tila ba natakot dahil sa tingin ko. Ace is as usual an observer as always.

"I hope she's just telling lies dahil lang sa gusto niya si Aissen..." marahang usal ni Kim. "Hindi ko talaga matagalan ang ugali nila lalong lalo na ni Nikkita!"

Sumandal ako sa sofa lahat ng sinabi ni Elliana ay isa isang nag f-flashback sa utak ko, para bang sirang plaka na paulit ulit na tumatakbo sa isip ko. Hindi ako mapakali, ang mga luha ay tumigil na. I can think clearer now.

"Let's just have fun, ayokong masira ang gabing ito dahil lang sa ganoong bagay..." mataman kong saad.

Gulantang ang mukha ni Kim ng bumaling siya sa akin habang si Ace naman ay ngumuso lang at si Erica ay mukhang naguguluhan, i want to fight right now, gustong gusto kong sabunutan si Elliana, i wanted to punch her in the face pero hindi pwede i want to calm down and be rational, dahil hindi maganda ang kinakalabasan kapag naiinis ako o nagagalit lahat ng mga desisyon ko ay nagiging mali.

"Sigurado ka ba dyan?" natatarantang tanong ni Kim

"We can just hang out here!" ani Erica

"We can make an alibi para naman hindi magtaka ang mga boys kapag hindi tayo sumama..." kalmadong saad ni Ace

Umiling ako, i don't want to make people uneasy, kaya nga kami nandito para mag enjoy e, hindi para magmukmok at kapag pinili kong magstay dito ay siguradong matataka iyong si Aissen, magbabantay lang siya at mangyayari na ang hindi ko gustong mangyari. I just want to have fun first before getting myself into war.

"Hindi na. I want to party...pampalakas loob lang!" i smiled awkwardly at them.

Natatangang tumango si Kim sa akin ganoon din ang ginawa ng dalawang nasa , aming harapan. Alak muna ang solusyon ngayon, i want to be free from this bullshit crap.

"Mabuti pang dito nalang tayo mag bihis, sigurado akong hindi kayo magiging comfortable kapag doon tayo sa suite namin..." ani Kim na kalaunan ay tinanguhan ko lang.

"Mabuti pa nga," ani Ace. "Kuhain natin ang mga damit nating pamalit."

"Sama na ako..." ani Erica, "Ikaw din Kim, i think you should talk to your boyfriend's cousin.." naiilang na sabi niya.

"That's a good idea, para hindi makahalata ang mg boys, that would be good. You should settle it Kim, dahil baka kung si Gwynn pa ang papupuntahin natin doon ay baka magkasalpukan pa." ani Ace at agad na tinahak ang palabas ng kwarto.

Diary of a Rapist (Mercadi Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon