Kabanata 7

1.2K 21 4
                                    

Kabanata 7

Boytoy

Nagmamadaling dinampot ni Kim ang mga gamit niya at agad na sinalampak sa kanyang bag, bakit naman nagmamadali ang isang ito? Lumingon siya sa akin at nagkunot ang kanyang noo, ang ilan sa mga kaklase ko ay nagsisi alisan na din.

"We need to hurry, my cousins are outside waiting for us." Aniya sa medyo inis na tono. Tumango ako at mabilis na kumilos para makasabay sa kanila.

Excited ako na hindi ko maintindihan, halos ang ngisi ko ay hindi ko matanggal sa aking labi, muling binalikan ako ng tingin ni Kim at ang mga mata niya ngayon ay mapanuri.

Ngumuso ako dahil medyo naiilang ako sa kanyang tingin sa akin, alam niya na crush ko ang pinsan niya at ang nangyaring indirect na pag amin ni Clovis sa akin kahapon ay mas lalong nagpakaba at nagpa ilang sa akin. Dumagdag pa iyon sa aking isipin, umiling ako dahil kahit ganooon ay laking tuwa ko ng malaman ang bagay na iyon. Nababaliw na ba ako?

"My cousin is going crazy over you, kanta ng kanta sa bahay kahapon, nakakabanas!" angal niya pa ng makalabas na kami. "Akala mo kanya ang bahay!"

Sinalubong kami ng nakangiting si Clovis, lumapit siya kaagad sa akin at mabilis na kinuha ang bag ko. Umiling ako dahil sa ginawa niya pero huli na ng nakuha niya. Ngumiti nalang ako.

"Ohhh! Ayan na lover boy!" kantyaw ni Kite sa pinsan, nakitawa naman si Deus at si Raze naman ay ngumiti lamang dahil sa gulo ng kanilang pinsan.

"Good mood na!" ani Deus at nagsimula ng maglakad

"Oh shut up!" ani Clovis at umiling sa aking tabi, kasabay naming naglakad si Raze at si Kim

Si Deus ay kasama na naman si Ace at mukhang nagkakatuwaan ang dalawa, habang si Kite ay nakikisabay sa kanya, nasaan kaya si Erica? Nagkunot ako ng noo ng bumaling si Deus sa amin at muling inasar si Clovis na nasa aking tabi tahimik na pinagmamatyagan ako.

"Oh dude, you cool now huh?" kantyaw pa ni Deus.

"Bakit may nangyari bang hindi maganda?" ani ko

"Ask your crazy suitor Gwynn! Ask my fucking smitten cousin!" Tumatawang umiling si Kite at dumila pa sa aking katabi, mabilis akong bumaling sa kanya.

"What happened Clovis?" nagtatakang ani ko. Tumingin muna siya kina Kim at para bang nahihiya siyang sabihin.

"Our team captain wants your number, he got pissed so he punched him straight in the face," ani Raze sa nanunuyang salita, mabilis na kinabahan ako at nanlaki ang mata ko.

Team Captain nila? What the hell? Bakit niya kailangan ng number ko at bakit naman siya sinuntok ni Clovis para lang sa number ko? Kunot noo akong bumaling kay Clovis, tumikhim si Kim sa aking tabi at umiling iling pa.

"Sinong Team Captain?" ani ko naguguluhan

"Gerard, I guess?" ani Kim at umiling iling pa, "Clovis you're a jackass!"

"Bakit mo kilala?" tanong ni Raze

"Wala kang pakealam!" ani Kim na iritado na naman

"Bakit mo sinuntok Clovis?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya, number lang iyon!

Tumingin siya sa akin na para bang natatakot sa susunod kong sasabihin sa kanya, matagal niya pa akong tinitigan bago nagsalita, "I'm sorry, I got pissed. Ayoko lang naman na may umaaligid sayo." Aniya sa nahihiyang tono.

"Then you're not sport my dear cousin," ani Kim at umirap pa sa ere. Ngumiwi ako.
"Clovis, number lang iyon bakit kailangan mo pang mainis at makipag-away?" nakasimangot na ako sa kanya.

Diary of a Rapist (Mercadi Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon