Kabanata 11
Gone
“How’s school pretty ladies?” Saad ni Dad ng makaupo na kami sa hapag, agad na pumanget ang mood ko wala ng mas papanget pa ng makita ko kung sino ang kasama namin sa hapag.
Nagtinginan muna kami ni Yana, alam kong ayaw niyang malaman ni Daddy o ni Mommy ang nangyari kanina sa school, laking pasalamat ko na nga dahil walang dumating na balita tungkol sa eskandalo na nangyari sa amin nung kamakailan dahil sa ginawa ni Clovis, hindi ko lang alam kung may hint na ba sila dahil may mga araw na tinatanong sa akin ni Mommy kung bakit hindi napapadalaw si Clovis sa bahay para manlang bumisita o sunduin ako, pero nagkibit balikat nalang ako dahil sa bagay na’yon.
“It’s the same Daddy, every things alright.” Anang ko, at agad na kumuha ng pagkain upang mailagay sa aking plato.
Si Yana naman ay tahimik lamang sa aking tabi, kumakain. Alam kong hindi niya gusto ang nangyayari because my beautiful bitch cousin Caela is sitting opposite to her, eating without even paying attention, hindi ko alam pero nagkaroon na ako ng pagkamuhi sa kanya, hindi manlang siya nahiya dahil sa ginawa niya sa akin!
“Yana, can you play some piano bago manlang kamu umalis ng Mommy mo sa susunod na araw?” request ni Daddy habang hawak hawak ang wine glass, agad na nagkunot ang noo ko, minsan lang maglambing si Daddy.
“Sure Daddy, saan nga po pala si Mommy?” Tanong ni Yana na ngayon ay nagtaas na ng tingin sa hapag.
“Do you miss me already my baby Yana?” Mommy hummed from our back sabay kaming napalingon sa kanya, wearing a silk pink dress and looking so elegant in her dress kahit sa bahay lang naman kami.
Napangiti si Yana at nakipag beso kay Mommy ganoon din ang ginawa ko, mabilis siyang umupo sa tabi ni Mommy at agad na kumain, kitang kita ko ang tuwa sa mukha ni Mommy habang papalapit ng papalapit ang araw ng kanilang alis, sabay ng Intrams namin sa school pero mukhang hindi ako magtatagal sa skwelahan dahil mas gugustuhin ko pang pumunta ng Asukarera at ng Rancho para tumulong kay Daddy.
“Gwynn hija, napapansin ko lang you look so sad lately, do you have a problem?” Matamang tanong ni Tita Esme agad akong napabaling sa kanya, sa tabi niya ang kanyang demonyitang anak ay ngumisi lamang. “Maybe we can help, masyado ka atang stress sa school?”
“Anak? What’s wrong?” nag aalalang tanong ni Mommy sa akin, agad akong umiling sa kanya at nginitian siya.
“Medyo madaming ginagawa sa school, malapit na din ho kasi ang Intrams kaya medyo may dagdag ang mga lessons namin para makahabol at hindi magkandapatong patong.” I said, halos kinabahan ako doon, ayokong pag usapan namin si Clovis dahil ayokong maungkat ang pilit kong kinakalimutan.
“Anak, Gwynn you should take rest, hindi puros aral lang ha,” Dad muttered as he gazed at me I smiled at him assuring him that I will take his advice.
“Nako! Nagsalita ang hindi nagpapahinga sa trabaho!” natatawang saad ni Tito Lucas kaya naman napangiti nalang kami habang si Mommy at Tita Esme naman ay tumawa, “Manang mana ang panganay mo sa’yo!” dagdag pa nito.
“Well, Gwynn is my successor walang makakapigil sa kanya,” proud na proud na saad ni Daddy. “Oh, I heard from Aissen na dumalaw kayong dalawa sa Rancho, what can you say Gwynn? Yana?” Daddy asked with so much anticipation.
Ngumuso ako, alam naman niya na nagpunta kami sa Rancho bakit kailangan niya pang itanong kay Aissen? O si Aissen ang nagkwento sa kanya na nagpunta kami doon? Ngumuso ako kalaunan, kanina lang ang pagpunta namin at medyo awkward pa ang naging sitwasyon kanina bago kami makauwi, hindi na kasi kami nagkibuan ni Aissen simula nung pag uusap namin sa may Acacia, masyado siyang tahimik at ganoon din ako. Walang isa mang nag imikan sa amin.
BINABASA MO ANG
Diary of a Rapist (Mercadi Series #3)
RomanceHe was there, it was part of his plan the moment he laid his eyes on me. I was his prey, and it all started because he raped me. He's my Rapist.