A/N: Advance Happy Birthday to me!! Bukas na.. gurang na ako shet!! Ok nevermind ito na yung story...
[Annika's POV]
Dinala agad ako sa ospital ni Evo..
Di ko nga din alam kung bakit ako nagsuka, kausap nug doktor si Evo sa loob.. Naghihintay ako sa labas nung biglang lumabas si Evo..
"Badtrip ka Annika..." sabi niya sabay lakad palayo..
Sunod naman ako..
"Hala ano ginawa ko?"
Tumingin siya sakin tapos parang seryoso na nagpipigil ng tawa...
"May nakain ka lang daw.. Badtrip ka pinagalala mo ako!!" sabi niya sakin.. parang natatawa siya sa katangahan ko.. Eh sino ba nagsabi na magalala siya?
"Sorry na.. malay ko ba na may nakain ako.." sabi ko sa kanya..
Hindi niya ako inimik..
Seryoso ba itong lalaki na ito?
Magiging snob siya dahil lang dun..
"Evo!! Ui sorry na!!"
Ang bilis naman maglakad nito eh..
Sorry na nga
Deadma padin!!
"Evo!! Sorry na!!"
Dumiritso siya dun sa parang garden nung hospital..
O basta ganun, parang mahal kasi dito sa ospital na ito..
"Evo naman eh, sorry na!!" di parin niya ako pinansin ng biglang..
*aray*
Natapilok pa ako... at parang na sprain pa ako..
"Hoy Evo!! Aray!!!" Habol ako ng habol...
Hirap na hirap na nga ako..
Tapos biglang tumigil si Evo, maglakad tapos tumingin sakin...
Tapos lumapit at bigla akong binuhat..
Yung parang pang bagong kasal??
"Eh!! Ayaw ko nito.. baba mo ako!!"
Tumawa naman siya, tapos binaba ako..
Tapos pinasan niya ako...
Piggyback...
"Ang engot mo naman kasi eh." sabi niya sakin.. na engot pa ako...
"Annika..."
"Oh Bakit? Engot nanaman? Oo na!!" sabi ko sa kanya pasigaw habang buhat niya ako..
Kaya lang natameme ako dun sa sunod niyang sinabi eh...
"Mahal Kita"
BINABASA MO ANG
Marrying a Total Stranger [Slow Update]
HumorMeet Annika. Simpleng babaeng sawi sa pag-ibig at walang ginawa buong buhay kundi magtrabaho para sa pamilya. Biglang nagkrus ang landas nila ni Evo Renorio. Ang all-in-one heartthrob na Adonis ang kagwapuhan at ang kaisaisang anak ng pinakamayaman...