Chapter 27: Sorry

380 12 1
                                    

[Evo's POV]

Naglalakad ako papalayo..

Alam ko na nasaktan ko na si Annika, I hope its enough..

Wala kasi talaga akong choice..

*flashback*

Kinulong ako ni mama sa kwarto ko, wala ako magawa..

Pati mga bintana ko hindi na mabuksan..

Hindi ko na alam gagawin ko, hindi ko na alam kung ano nangyari kay Annika..

Kinalabog ko yung pinto.. HIndi parin nagbukas..

Dinamba ko.. Wala parin..

Nakailang damba at sipa ako..

Pero wala parin...

Hanggang sa mamaya nagbukas yung pinto..

Pumasok si mama...

"Ano ginawa niyo kay Annika? Lubayan niyo siya!!" sigaw ko kay mama at parang nagulat pa siya at tinaasan ko siya ng boses...

"Anong klaseng anak ka? Ganyan ba dapat ang salubong mo sa mama mo? Sinabi ko na lahat sa papa mo. Though he is quite disappointed hindi parin siya makakauwi, hindi pa tapos yung business trip niya." at nagawa pang magkwento...

"Wala akong pake sa business trip niya!! Anong klaseng nanay ka?! Hindi mo man lang pinakinggan si Annika? Asawa ko yun!!"

"Used to be. Wag mo na pagtakpan yun, inaayos ko na yung papers niyo for divorce." hindi ako nawalan ng galang sa magulang ko pero sobra na talaga yung ginagawa niya...

"And what makes you think na pipirmahan ko yun?" tanong ko sa kanya at tumawa naman siya..

"Evo nakalimutan mo na ba? Ako ang may hawak ng scholarship niya. Ako nagpapagamot sa tatay niya. Ako may control sa buhay niya ngayon. Wag mo pirmahan and you'll leave her life on the line. So it's your choice." tinignan niya ako diretso sa mata..

"What's the catch? tanong ko sa kanya, alam ko na hindi lang yun ang gusto niyang mangyari...

"Makikipagbalikan ka kay Chafel."

Kokontra sana ako pero may biglang pumasok sa isip ko...

si Annika.

Tinignan ko mama ko, wala talaga siyang pake sa nararamdaman ko..

But she left me with no choice..

"Sabihin mo na lang sakin pag nandyan na yung pipirmahan ko." sabi ko kay mama at bigla na lang siya lumabas ng kwarto..

*end of flashback*

Hindi nagsasalita si Annika, pero ramdam ko yung iyak niya..

Alam ko na grabe ko siyang nasaktan sa mga narinig niya..

Mahal ko si Annika..

Pero kailangan ko gawin ito para sa kanya..

Sorry Annika.

Marrying a Total Stranger [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon