Hindi ko alam kung tama ba 'to pero... Kami na at sigurado na kami na hanggang dulo kami.
Meron nga lang konting problema.
"Renj, what's wrong?" Tanong sa akin ng boyfriend kong si Jeno.
Oo. May boyfriend ako. Madaming naiinggit sa akin kasi swerte ako sa kanya. Totoo naman. Swerte ako sa kanya.
Huminga ako ng malalim at sinubukang ngumiti, "Wala naman."
Umiling siya, "Alam kong may problema." Hinaplos niya ang buhok ko habang ang isang kamay ay pinaglalaruan ang mga daliri ko.
Huminga ako ng malalim at tumango. Wala naman akong maitatago sa kanya. Boyfriend ko siya at kilala niya ako. Wala din akong dapat na itago sa kanya. Hindi tama 'yon.
"Kailan mo ba balak magpakilala sa mga kakilala ko?" Diretso kong tanong sa kanya.
Matagal na din kasi noong naging kami pero kahit kailan, hindi pa siya nakilala ng mga kakilala ko.
Huminga siya ng malalim at hinaplos ng dalawang kamay ang buhok ko. Hinalikan naman niya ako sa noo at tiningnan sa mga mata, "Renj, pwede bang 'wag muna ngayon? Kasi--"
"Hindi ka pa handa? Ilang beses mo nang sinabi 'yan Jeno." Sabi ko at tumalikod na para umalis pero natigilan ako nang makaramdam ako ng yakap mula sa likod ko.
Si Jeno. He's hugging me. Ramdam ko ang init ng katawan niya. Ramdam ko din ang lungkot niya-kung posible man 'yon.
"Sorry Renj. Bigyan mo pa ako ng panahon." Sabi niya at hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.
Tumango ako pero hindi ko gusto 'to.
Takot siyang mahusgahan na nagkagusto siya sa isang tulad ko. Hindi ako payag na gano'n. Kapag huhusgahan siya, dapat ako din dahil mahal namin ang isa't isa. Hindi ako payag na siya lang.
Iniharap niya ako sa kanya at binigyan niya ako ng halik sa mga labi ko, "I love you."
Napangiti naman ako, "I love you too."
"I love you more."
Siya ang first at last love ko. Sigurado ako doon.
YOU ARE READING
My First and Last [Completed]
Short StoryA Huang Renjun Epistolary "He's my first and last love. I'm his first and last love." The story in which Renjun thought he already found the one for him, a twist of fate suddenly occured. Started: July 13, 2019 Ended: October 6, 2019