Tumakbo ako pababa. Hindi ko naman akalain na pupunta talaga si Jeno dito.
Pagkababa ko, sakto naman na pinapasok siya ni Mommy sa loob.
"Hello." Bati ko sa kanya pagkaupo niya sa sofa.
Sumunod naman ako sa tabi niya at agad naman siyang napangiti, "Hi."
"So, mukhang may kwento ka anak." Sabi sa akin ni Daddy pagkaupo niya sa sofa na katapat ng inuupuan namin ni Jeno.
"Uhmm... Si Jeno po, boyfriend ko." Sabi ko at tumingin kay Jeno tapos kay Daddy.
Hindi naman siya umimik kaya naramdaman ko ang kamay ni Jeno na humawak nang mahigpit sa kanay ko. Alam kong natatakot siya, gano'n din naman ako.
Nawala ang kaba ko nang ngumiti si Daddy, "Hindi mo sinasabi sa akin. Ikaw Xiao Joonie." Namula naman ako nang tawagin niya ako sa nickname ko.
"Okay sige may hahanapin lang ako." Sabi ni Daddy tapos umakyat na sa taas. Doon din kasi ang kwarto nila.
Napatingin ako kay Jeno, nakangiti siya. "Good morning."
Ngumiti din ako sa kanya, "Good morning."
"So Jeno, may gusto ka bang kainin?" Tanong ni Mommy kay Jeno. Malaki ang ngiti niya.
"Uhmm... 'Wag na po Tita. Susunduin ko lang po si Renjun."
Umiling si Mommy, "Alam mo Jeno, hindi pa kumakain si Injoon. Matagal ka pang maghihintay. Kakagising nga lang niya eh. Sumabay ka na sa amin sa pagkain."
Dahan dahan naman tumango si Jeno, "Sige po. Thank you po."
"So anong gusto mong kainin?" Pag-uulit ni Mommy sa tanong.
"Kung ano na lang po ang kakainin niyo Tita. Nakakahiya pong magrequest."
Pumunta naman si Mommy sa kusina para magluto. Hays, minsan mas gusto ko kapag si Tita Kyungsoo ang nagluluto. Sobrang sarap kasi.
"Nakita niyo ba salamin ko?" Tanong ni Daddy nang makababa siya.
"Uhmm Dad? Suot niyo po." Sagot ko kaya natawa si Daddy, "Right. Nakalimutan ko."
Napatigil naman ako nang may nag-door bell.
"Ako na po." Sabi ko at tatayo na sana pero pinigilan ako ni Daddy.
"Ako na." Sabi niya tapos umalis na. Umupo naman ako at nginitian si Jeno.
"Injoonie sabay tayo." Napalingon kami ni Jeno sa likod. "Oops. Sorry may kasabay ka naman pala."
Tumayo naman ako, "Jaemin, si Jeno nga pala, boyfriend ko." Sabi ko. Alam ko naman kasing hindi pa sila nagkakakilala nang formal.
Tumayo si Jeno at inilahad 'yung kamay niya, "Hello. I'm Jeno Lee. Ikaw si?"
Tinitigan naman ni Jaemin ang kamay ni Jeno kaya binawi na lang din ni Jeno.
"Aalis na ako Injoon. Ingat kayo." Ayun lang ang sinabi ni Jaemin tapos umalis na siya.
Umupo kaming dalawa ni Jeno. "Sorry sa kanya." Sabi ko kay Jeno na tinanguan lang niya. Naiintindihan ko naman kung bakit ganon ang reaction ni Jaemin kay Jeno.
Umupo si Daddy sa katapat naming sofa, "Oh sino 'tong lalaking 'to?"
YOU ARE READING
My First and Last [Completed]
Short StoryA Huang Renjun Epistolary "He's my first and last love. I'm his first and last love." The story in which Renjun thought he already found the one for him, a twist of fate suddenly occured. Started: July 13, 2019 Ended: October 6, 2019