5 years later...
"Oh nakarating ka na pala Injoonie!!" Salubong ni Haechan kay Renjun na may hawak na bata sa kamay niya. Ibinaling ni Haechan ang tingin sa bata, "I guess you're Renvey. Right?" Tumango naman ang bata.
"Tara na, nandoon na sa loob sila Jaemin." Sabi ni Haechan at hinawakan sa braso ni Renjun at ipinasok sa loob ng bahay nila. Dumiretso sila sa likod ng bahay at nakita naman nila ang mga kaibigan nila.
"Injoonieeee!" Maingay na saad ni Jaemin at agad na niyakap si Renjun. Sumama naman sa yakap si Jeno.
Tumaas ang kilay ng asawa ni Renjun na si Harvey kaya agad lumayo ang dalawa. "Sorry. Namiss ko siya eh." Sabi ni Jeno at lumayo na.
Tumingin si Jaemin sa hawak ni Renjun. "Siya na ba si Renvey?" Tanong ni Jaemin at tumango naman si Renjun. "Harvey ang ama, Renvey ang anak." Sabi ni Jaemin at umiling.
"Saan na kambal mo?" Tanong ni Renjun. Tinawag naman ni Jaemin ang mga anak niya at lumapit ang dalawang babae. "Siya si Jaemi at siya naman si Jenie." Agad namang naghello ang dalawang bata.
Napatingin naman si Renjun kay Renvey at napangiti, "Siya naman si Renvey." Pagpapakilala ni Renjun pero nagtago lang sa likod niya si Renvey.
"Mommy I hate him! I hate skinship!" Sigaw ng isang babae kay Haechan. Napailing naman si Renjun at iniwan ang anak sa asawa.
"You okay there?" Tanong ni Renjun sa asawa. Tumango naman si Harvey at hinalikan siya sa labi. "I'll be fine babe, go there. I love you." Napangiti naman si Renjun at namula sa ginawa ni Harvey. Masaya siya sa tuwing naririnig ang accent nito.
Lumapit si Renjun kay Michan at binuhat 'yon. "Sino nang-aaway kay Michan ko?" Agad naman siyang niyakap ng bata. "Si Kenji po."
Napatingin si Renjun kay Kenji na nakatayo sa harap nila. "Sabi ko lang po ang ganda niya tapos niyakap ko po siya."
"Eh ayaw ko nga." Reklamo ni Michan.
"Hayaan mo, guluhin na lang natin sila Daddy at Tito Jisung." Pakana ni Minhyuk na agad sinang-ayunan ni Kenji.
Lumapit si Haechan kay Renjun at kinuha si Michan. "Kamukha mo pero hindi kaugali." Sabi ni Renjun at tumingin kay Minhyuk, "Kamukha ni Mark pero ugali mo."
"Kaya nga eh." Sabi ni Chenle at lumapit sa dalawa.
"Mommy look! Jaemi likes that guy." Napalingon naman ang tatlo sa itinuturo ni Michan. Napangiti sila kasi kinukulit ni Jaemi si Renvey.
Lumapit si Renjun sa dalawa at umupo, "Do you like him?" Tanong niya kay Jaemi na agad namang tumango. "But he doesn't like me."
Niyakap ni Renjun ang bata, "Jaemi, this is Renvey. Renvey, this is Jaemi."
Lumapit si Renvey kay Jaemi. "Hello..." Nahihiyang bati nito. Agad namang ngumiti si Jaemi at niyakap ang lalaki.
"Hello, picture kayo!" Nakangiting salubong ni Myeon, ang papa ni Renjun, sa kanila.
Agad naman silang pumwesto.
Harvey, Renjun, Jaemin, Jeno, Haechan, Mark, Chenle at Jisung. Sa likod.
Renvey, Jaemi, Jeni, Minhyuk, Michan at Kenji. Sa harap.
Nakangiti silang lahat at halatang masaya sila.
"Pero hindi pa ito ang huli." Ani Renjun.
YOU ARE READING
My First and Last [Completed]
Short StoryA Huang Renjun Epistolary "He's my first and last love. I'm his first and last love." The story in which Renjun thought he already found the one for him, a twist of fate suddenly occured. Started: July 13, 2019 Ended: October 6, 2019