23 || Narration

42 2 0
                                    

Lumabas ako sa kwarto ko para puntahan sila Haechan. Pumunta ba naman dito sa bahay eh. Wala naman akong magagawa eh.

Kahit pa lumuhod ako at umiyak ng dugo sa harap nilang dalawa, alam kong hindi naman sila aalis.

"Ayan na ang prinsipe." Sabi ni Haechan habang inaayos ang mesa. Nagpunas naman ako ng ilong gamit ang dulo ng manggas ng jacket ko.

Umupo ako sa madalas kong inuupuan. Ngumiti naman sa akin sila Haechan. "At least you still look like a person." Sabi ni Mark na hindi ko na lang pinansin.

Nagkibit balikat lang ako at kinain ang luto nila. Kahit hindi Chinese si Haechan, kaya niyang magluto ng hot pot.

"So mind to tell us ang kwento niyong magjowa? Bakit kayo cool off?" Sabi ni Haechan.

Ikinwento ko naman ang nangyari dahil kumportable naman ako sa kanilang dalawa.

"Legit? Tanginang 'yan." Reklamo ni Haechan.

Tumango na lang ako. Nasabi ko kasi na ginabi ako sa harap ng university kagabi. Nakakaasar kaya.

Napatingin naman kaming tatlo sa phone ni Haechan na bigla na lang tumunog.

"Bakit daw may tao sa harap ng bahay ni Jaemin." Natatawang sabi ni Haechan kaya napailing na lang ako.

Doon niya nga pala pinapunta si Jeno.

My First and Last [Completed]Where stories live. Discover now