"Naging kami noon mag-best friend na tayo no'n. That was maybe 3 years ago. He met my sister at naging sila pa." Tumingin siya kay Jeno pero hindi nagreact si Jeno.
"Nagtagal sila ng eight months habang kami one year and ilang months. Hindi ko siya naikwento sa 'yo kasi hindi naman siya nagpapakwento." Just like Jeno right now. "Hindi ko din naman alam na naging kayo kaya fair."
"So may past kayong dalawa?" Paglilinaw ko at tumango naman sila.
"Mahal mo pa ba?" Tanong ko kay Jaemin. "Hindi." Agad na sagot niya pero iba ang sinasabi ng mga mata niya.
"Jaemin, papakawalan ko naman siya kung siya talaga ang mahal mo. Mas mahal kita. Sabihin mo na ang totoo." Sabi ko at hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay niya.
"Renjun... Kaya ako cold sa 'yo kasi naguguluhan ako. Bumalik lahat ng feelings ko kay Jaemin..." Sabi ni Jeno at hinawakan ako sa balikat. Napaluha naman ako sa sakit.
"J-Jaemin sumagot ka..." Sabi ko at tinitigan si Jaemin. Nakakagat lang siya sa labi niya. "Renjun... Mahal ko pa siya pero mas mahal kita. Gusto ko sumaya ka."
Niyakap ko siya agad. "I love you Jaemin... Pero mas importante sa akin ang kasiyahan mo." Sabi ko sa kanya.
Tumingin ako kay Jeno pero hindi malinaw ang paningin ko, "Madali akong makaintindi Jeno. Alam ko naman na kaya ka nandito kasi... Si Jaemin..." Tumango lang siya at hinaplos ang buhok ko.
"I loved you Renjun. I really did." Ayun 'yon eh. Loved. That's the keyword.
Lumayo na ako sa yakap namin ni Jaemin. "I think you should go." Sabi ko sa kanila.
"Akala ko overnight tayo Injoonie?" Nginitian ko si Jaemin at umiling ako. "Pagod si Injoonie eh." Sabi ko at hinaplos ang buhok niya.
"Okay..." Sabay naman silang umalis.
Humiga na ako dito sa nilatag namin na higaan ni Jaemin. Kapag nag-oovernight siya dito, lagi kaming naglalatag ng higaan.
"Need someone like me?" Napatingin ako sa may pinto... "Akala ko doon ka sa bahay ni Mark ngayon?"
Umiling siya at lumapit sa akin. "Mas kailangan ako ng bestfriend ko kaysa sa boyfriend ko. Mas mahal din kita." Sabi niya at niyakap ako. "Matulog ka na Injoonie. Magmomove on ka na bukas."
"Haechan..."
"Hmm?"
"Thank you."
"Yeah welcome. Birthday pa naman ni Mommy ngayon."
"Binati ko naman na siya."
"Thank you."
"Haha okay."
"Tulog na tayo Injoonie."
Sa kamay ng bestfriend ko... Safe ako.
February 14 ngayon. Pinakawalan ko ang boyfriend ko para sumaya ang bestfriend ko.
YOU ARE READING
My First and Last [Completed]
Short StoryA Huang Renjun Epistolary "He's my first and last love. I'm his first and last love." The story in which Renjun thought he already found the one for him, a twist of fate suddenly occured. Started: July 13, 2019 Ended: October 6, 2019