61 || Narration

35 1 0
                                    

Renjun's POV

Ayos lang kay Ate Jaerin na ikinasal si Jaemin at Jeno. Kasal na din naman siya but I can't remember the guy's name. Ayos lang din naman sa akin. Nakalimot naman na ako sa nangyari.

"Renjun hindi ka ba sasama?" Tanong sa akin si Mark. Ngumiti naman ako at umiling, "Can't go. May kailangan pa akong tapusin."

Napatingin naman sa akin si Jaemin at Jeno. "Hindi ka sasama?" Pag-uulit ni Jaemin. Nginitian ko siya, "Deadlines."

"Diyan lang 'yun oh." Sabi ni Jaemin at kumapit sa braso ko. "Please?" Dagdag niya pa and showed me his puppy eyes.

Tumango ako, "Fine. Best selling niyo, libre ah." Sabi ko at tiningnan si Jeno. Ngumiti siya at tumango.

"Thank you." Sabi ni Jaemin at sumakay na sa sasakyan nila Jeno.

Sumabay naman ako kay Mark at Haechan, kasama namin sa sasakyan si Chenle at Jisung.

"Kamukha ni Haechan." Kumento ko habang nilalaro si Michan. Ang cute niyang bata. Siguro maganda siya kapag lumaki. "Sana lang 'wag makuha ugali ni Haechan." Sabi ko at tumawa naman bigla si Michan.

"Kapal naman ng mukha mo." Sabi ni Haechan habang hawak si Minhyuk. Nasa Shotgun seat si Haechan habang si Mark ang nagdadrive. Magkakatabi naman kami nila Chenle dito sa likod.

"Sinong mas gusto mo hyung?" Tanong ni Chenle habang nilalaro si Michan.

"Minhyuk." Agad na sagot ni Haechan. "Kamukha ni Mark eh." Kinikilig na sabi niya.

"Akin na lang si Michan." Sabi ko pero agad lumingon sa akin si Haechan, "Inggit ka lang kasi may anak na ako." Umirap siya, "Mag-asawa ka na kasi."

Bago pa ako makasagot, nagsabi na si Mark ng "We're here."

My First and Last [Completed]Where stories live. Discover now