The meet up

6 0 0
                                    

Kris! Finally, naalala mo yung kweninto ko sayo na online boyfriend ko? Magkikita na kami personally!!!!!! halatang excided, tsk!

Tagal mo na yung hiniling akala ko nga scam ang boyfriend mo nyan e. Hahaha panay tawa ko sa kanya dahil alam ko kung gaano nya kasabik na makita yung online boyfriend nya. Alam na alam ko yun. napatingin ako kay Sam matapos ko syang pagtawanan dahil nga dun sa online boyfriend nya, sinalubong ko yung masamang titig nya sakin.

Oh? pigil tawa kong tanong kasi alam kong napipikon na sya.


Kahit kailan talaga panira ka ng excitement! Grrr!!
ayun na nga't sinigawan na ako. Hahaha... kitang kita ko na pikon na pikon na talaga sya dahil padabog syang naglalakad palayo sakin. Hahahaha!!!!.

Sam! dabog-dabog ka jan! mabubutas yang sahig sa paa mo! pasigaw kung biro


Kaya wala kang girlfriend kasi sira ulo mo! pasigaw niyang tugon pero mahina na dahil malayo na sya.


kahit ganyan yang bestfriend kung tupakin, na ang cute-cute magalit mahal na mahal ko yan kaya kung sino mang lalakeng mahalin nya't sinaktan sya, akong makakaharap nun. Kaya sinisigurado kung sa tamang lalake ko ipapaubaya ang bestfriend ko. Kahit di nyo tinanong nagkakilala kami ni Sam sa simbahan, nakita ko sya doon panay iyak kaya inabutan ko sya ng panyo. at ang dahilan ng iyak nyang yun dahil pinagpalit sya sa bestfriend nya kaya simula nung araw na yun pinapangako niya sa sarili nya na di na sya makipag close sa kung sino mang babae, ayaw nya na ng bestfriend na babae. Dahil ayaw ko syang mamuhay na walang close na kaibigan prinesinta ko ng buong puso ang aking sarili para damayan sya sa anumang problema. 19 yrs old si Sam nun ng huli ko syang nakitang umiyak dahil sa lalake, alam na alam ko yun dahil araw-araw ko syang kasama. Diko namalayan nasa harap na pala ako ng opisina.

Hmmm, love quarrels? si megan kasama namin ni Sam sa trabaho

Tiningnan ko si Sam at ang sama-sama talaga nang tingin nya sakin hahaha! ang cute nya talagang magalit. kaya walang araw na di ko sya inisin e, pikon din. Hahaha! Hay naku Sam!





Anong ningisi-ngisi mo dyan! Suntukin kita jan e! Hali ka nga dito tulungan mo ko nang matapos nato't makauwi na ako, may meet up pa ako. hehehe sabi nya animoy kilig na kilig

pumunta na ako sa tabi nya para nga tulungan syat makauwi na. tsk!

Pano, kung ayaw kong tumulong? seryoso kung tugon

Ang role ng isang bestfriend ay maging supportive sa lovelife nang kanyang bestfriend. pa cute nyang sabi.

Bestfriend kita? patay mali kung sagot

ayun na naman ang nguso nya nakadagdag cute sa kanya e! tsk!

Bestfriend mo naman talaga ako! Tsk! parang bata


Oh, sige na nga! pero sa isang kundisyon. seryosong-seryosong dagdag ko.

Perfect LiesWhere stories live. Discover now