Good morning my princess! bati ko sa kanya.
Sanay na akong batiin sya ng ganun sa trabaho tuwing papasok sya kaya naman tinutukso kami ni Sam dahil di nila alam na may boyfriend na sya.
Morning sabi nya sakin sabay ngiti.
nababaguhan ako kay Sam ngayon pakiramdam ko pilit lang yung ngiting nyang yun di naman kasi sya ganun e. kasi kada bati ko ng ganun sa kanya yayakap sya sakin.
pakiramdam ko tuloy dumedistansya sya. Hayst!
Sinimulan ko nang magtrabaho at nakakapanibago dahil hindi sya nangungulit dati kasi inaasar nya rin ako sa mga gawain ko. Hindi ako sanay na ganito ang trato nya sakin kaya komprontahin ko na sya. Lumingon na ako sa kanya dahil nasa likod ko sya at pinatong ko ang dalawang siko habang nakapatong ako ulo ko.
May problema ba? seryoso kong tanong.
Mamaya na tayo mag-usap trabaho muna. seryosong sabi nya
Okay ka lang? taka kong tanong
meron ba sya? bat parang ang init ata nya ngayon? di kaya napikon sya sakin kagabi? or sineryoso nya yung sinabi ko? di ko na sya hinarap sa halip ay tinalikuran ko na sya dahil wala na akong masabi.
mabilis lumipas ang mga oras at napagpasyahan nang mga kasamahan ka na mag break muna, grabe ang sakit na ng balikat ko.
Break muna tayo, kris! Sam! sabi ng isa sa mga kasamahan namin.
Ahhh sge sunod lang kami sabi ni Sam.
Tinuloy ko nalang ang pag aasikaso ko sa mga papeles nang biglang kinilabit ako sa bewang ni Sam. Kaya lumingon ako.
Usap tayo sinserong sabi si Sam.
Anong nangyare? sabi ko
Sabi kasi ni Tristan na lalayo ako sayo may halong lungkot ang pagkakasabi nya kasi nakakaselos daw, siya naraw ang maghatid sakin pauwi. Ayaw nya daw na makita tayong magkasama.
halatang nalungkot sya sa sinabi ng boyfriend nya. Kumuyom ang palad ko dahil sa inis bat ko ba kasi ginawa! Wala akong magaw tapos na e, sino nga ba naman ako? Best friend lang naman diba?tutal masaya naman sya sa boyfriend nya ngayon, lalong-lalo na nung nagkita na sila ng scam boyfriend nya.
Pano yan? magkasama tayo sa trabaho. sabi ko
nakita kong napayuko lang sya't nakikinig lang.
Sge mag reresign nalang ako. tutal kaya lang naman ako nandito para bantayan ka. kunyareng ngumiti ako pero sa kaloob-looban ko para dinudurog ang puso ko.
Wag! di naman siguro sya magalit halatang di sya Siguro sa sagot nya.
Magagalit yun panigurado, alam ko namang poprotektahan ka nun diba?
hinawakan ko ang baba nya para iharap sakin at umiiyak sya. Sa pangalawang pagkakataon nakita ko syang umiyak at nasisiguro kong di pa sya sanay na wala ako sa tabi nya.
Diba? dagdag ko. at tumango sya.
Good sabi ko at tinalikuran sya
Wag lang sana kitang makitang umiyak dahil sa kanya, dahil malaki ang sinakripisyo ko habang pinapaubaya kita sa lalakeng minahal mo.
yun na lang ang sinabi ko sa kanya dahil natatakot ako baka makita nya ang kahinaan ko, lumabas na ako sa opisina namin at agad dumiritso sa head office upang mag file ng resignation letter. Matapos kung mag file nang resignation letter nakita ko si Tristan na sa labas ng gate na may dala-dalang rosas habang abala sa pakikipag-usap sa telepono. Matapos nyang nakikipag usap 3 min syang naghintay nang lumabas si Sam sa gate at sinalubong ng matamis na halik ang nobyo.
Wag na wag mo lang sasaktan ang bestfriend ko kasi kahit pinsan kita papatulan kita!
Yun na lang ang nasabi ng isip ko bago ko sila tinalikuran ngunit dinig na dinig ko ang tunog ng sasakyan ni Tristan na papaalis. Bumalik na ako sa opisina namin upang ayusin ang mga gamit ko.
Una na muna ako medyo masama ang pakiramdam ko pasisinungaling ko.
Narinig naming nag file ka raw ng resignation letter? sabi ni Rose
Ahh, oo eh. sabi ko sabay kamot sa batok ko na animoy nahihiya
Bakit? Tanong ulit ni Anica
Kailangan e, sge alis nako. sabi ko at nagpaalam ng umalis.
subrang bigat ng pakiramdam ko habang papunta sa parking lot di ko na napigilan ang mga namumuong luha sa mga mata ko nang tuluyan akong pumasok sa loob ng kotse ko at doon ko na binuhos ang lahat ng sakit. Saglit ako napalingon sa picture naming dalawa ni Sam na nakadikit sa labas ng compartment ko.
Bakit,? Bakit kailangan mo pang ipalayo sakin si Sam? Ipinaubaya ko na nga sayo! Pinagseselosan mo pa ako! Hayup ka!. di mo alam kung gaano kasakit na malayo sya sakin. 5 years kaming nagkasama bago kang bwesit ka at pinagbawalan mo kaming magkasama. Sana sa akin ka nalang sasaya Sam bat pa sa kanya!. Tama, hanggang bestfriend lang naman diba Sam? Sabi mo pa nga di mo ako papatulan.
patuloy paring pumapatak ang mga luha ko habang nagmamaneho kasabay sa pag-alala ng mga masasayang araw naming dalawa. yung kakulitan nya, yung kung pano sya mapikon, yung pano nya ko hahalikan sa pisnge satwing magpapasalamat sya. Lahat ng yun mawawala lang dahil sa isang lalakeng dumating sa buhay mo.
Dumaan muna ako sa isang convenience store para makabili nang maiinom. Para kahit papaano makalimot ako.
Tinunga ko agad ang nabili kong pangpalasing at halos Kalahati na agad ito. at pinagpatuloy ko na ang pagmamaneho hanggang nakarating ako sa condo unit ko. pagkapasok ng pagkapasok ko sa condo ko ay agad kong pinatakas ang namumuong galit sa puso ko, galit na hindi ko kayang ipalabas dahil wala akong karapatan para sa kaligayahan nya. Galit na hindi ko na sya makakasama.
You know how much you give me happiness Sam.
Life is so unfair! ako lang ba ang masaya sa kung anong meron tayo? kasalanan ko naman kasi.
Wag kang mag alala nandito lang naman ako naghihintay na masaktan ka ulit para babalik ka sakin.
at tinulugan ko nalang ang sakit.