Busy

0 0 0
                                    

Sam POV

        nagising ako dahil sa sakit ng ulo ko dulot siguro ito sa inuman namin kagabi. Agad akong pumunta sa cr nang maramdaman kong para akong masusuka. Pagkatapos kung sumuka bumaba na ako at dumiritso sa kusina para iinom ng kape para mahimas-masan. Tulog pa si mommy at daddy nang nagising ako. Ininom ko na yung kape gulat nalang ako na nakita ko si daddy na bumaba sa hagdanan at panay kurot sa kanyang mga mata para magising.
Si daddy kasi ang taga luto samin kasi magaling sya dito.

Good morning Dad bati ko sa kanya

Morning anak, maaga ka atang nagising? tanong nya.

Ayaw ko namang sagutin na nagsusuka ako baka kung anong isipin. Hang over lang naman ito.

Trip lang po.  sagot ko kay daddy at pumunta na sya sa kusina para sa agahan namin.

Alas 5:30 pa naman ng umaga kaya napagdesisyonan kung mag jogging lang muna habang hindi pa mainit. Pumunta na ako sa kwarto at nagbihis ng pang exercise naka sport bra lang ako at naka leggings yung pang exercise, tinali ko na yung buhok ko. Nagpaalam muna ako kay daddy bago lumabas.

Nag umpisa na akong mag jogging sa loob ng village namin. Lumabas na yung mga pawis sa katawan ko dahil 30 minutes na akong tumatakbo. Nang maramdaman ko nang mainit na ang sikat nang araw ay agad akong bumalik sa bahay at nagpapatuyo ng pawis.

Oh, nandito na pala si Sam sabi ni daddy kay mommy

Bakit po? agad na tanong ko habang pinupunasan ang pawis ko.

Galing dito si Kris, kaya lang wala ka. Eto pinapabigay nya sayo sabi nya saka nya inabot sakin ang isang paper bag. Tinanggap ko na yung paper bag at saka pumunta sa kwarto ko pero bago paman ako makahakbang sa hagdanan nag salita na naman si mommy.

Ay! at saka nga pala anak sabi ni Kris, Maging busy daw sya ngayon. dagdag ni mommy.

Okay po. sagot ko at pumunta na sa kwarto.

Na miss ko na ring pumasok sa trabaho kaya lang pinag leave ako ni Kris dahil sa nalalapit naming kasal. Ayaw ko namang mabagot kaya ang ginawa ko, nilinisan ko na yung kwarto ko at pagkatapos ay naglaba. Lumingon ako sa pinto nang marinig kong bumukas ito at nakita ko si Daddy na nakaayos na

Anak, papasok na ako. pagpapaalam sakin ni Daddy.

winisik-wisik ko na yung kamay ko dahil puro bula ito dahil nga naglalaba ako. Agad akong pumunta kay daddy at yumakap.

Mag-ingat kayo dad sabi ko kay daddy.

Tumalikod na sakin si Daddy at tumalikod na rin ako para ipagpatuloy ang paglalaba ko. Sa kalagitnaan ng aking paglalaba ng maalala kung may binigay pala sakin si Kris kanina at nakalimutan ko itong buksan kaya tumayo na ako at pumunta sa kama ko kung saan ko nilagay yung pinapabigay nya sakin kanina. Binuksan ko na yung paper bag at nakita kong isa itong set ng alahas napatitig ako sa kwentas may nakaukit itong pangalan ko,  alam kong mahal ito dahil gold yung binigay nyang  alahas sakin. Gusto kong mainis sa kanya dahil hindi nya ako hinintay kanina ede sana nakapag pasalamat ako pero naiintindihan ko naman sya dahil sa trabaho nya. Tinago ko na yung binigay nya sakin sa drawer ko at plano ko itong suotin sa mismong kasal ko at sa susunod na araw nalang kasal ko na.
Kinuha ko na yung cellphone ko at nag text ako kay Kris para magpasalamat. Binaba ko na yung cellphone ko at binalikan ko na yung nilabhan ko. May washing machine kami pero sadyang trip ko lang talagang magkamay para di ako mababagot sa buong araw ko. Nang matapos na akong magbanlaw ay agad ko itong pinatuyo sa dryer at sinampay. Bumalik na ako sa kwarto at nakaramdam ako ng pagkapagod kaya nagpahinga na muna ako at nakatulog.

Perfect LiesWhere stories live. Discover now