First Love

0 0 0
                                    

*composed message to Kris*

To Kris:

        Nasan ka?

I waited about 25 minutes before he replied.

From Kris:

        I have urgent meeting, sorry kung di na ako nakapag-paalam sayo.

To Kris:

      Okay lang, sge bye.

From Kris:
 

           I see you tomorrow, don't forget your dinner. Okay? I love you....


I read it with the smile on my face bago ko binaba ang cellphone ko. Nanuod nalang ako ng palabas ng naramdaman kong bumukas ang pinto ng kwarto ko at nakita ko si daddy bitbit ang tray. Inilapag na nya ang bitbit nyang tray sa maliit na lamesa sa gilid ng kama ko at umupo sa kama ko at tumabi sakin.

Anak? Patawarin mo si Daddy. Alam kong mahirap sayo na patawarin ako dahil sa malaking pagkakamali ko. Sana mapatawad muna ako anak sabi nya sakin. Nandun ang sinserong boses ni daddy habang sinasabi nya sakin yun. Hinawakan na nya yung kamay ko at tumayo at akmang lalabas na ng kwarto ko.

Dad? pagtawag ko sa kanya.

At lumingon agad sya sakin.

Sorry kung nagalit ako sayo Dad sabi ko at dahan-dahang may lumabas na luha at dumaloy sa gilid ng mata ko.
Mahal na mahal ko si Daddy subra, masasabi kong almost perfect ang pamilya namin dahil masaya kami kahit 3 lang kami sa pamilya namin.
Lumapit sakin si daddy at niyakap ako.


Wag kang mag sorry anak, ako dapat ang humingi ng tawad dahil sinira ko ang pamilya natin. sabi ni Dad sakin habang yakap-yakap ako.

Kumalas na sa yakap si Dad at inilahad ang kanang kamay nya sakin. Nung una di ko agad naisip anong ibig sabihin nun pero naalala ko yung ginagawa namin ni Dad satwing iiyak ako. Agad kong tinanggap ang kamay nya at nag Hi 5 kami. Bigla kaming natawa pagkatapos akala ko kasi di na namin magawa ng maayos kasi matagal na nung huli kaming nag ganito.

Balita ko ikakasal kana anak? tanong sakin ni Dad.

tumango nalang ako at ngumisi.

Ayun na ba yung pumunta dito? tumango ulit ako.

Siguraduhin nya lang na hindi sya gagaya sakin dahil pinatunog nya yung dalawang kamay nya kaya natawa ulit ako. Mapagbiro talaga si Daddy nun pa e.



Kain ka na anak, pupuntahan ko lang ang mommy mo. sabi nya sakin at nagpaalam ng lumabas.

Kinain ko na yung dala-dala nyang pagkain at alam kong sya ang nagluto nito kasi ito yung favorite ko na niluluto nya para samin ni mommy. Na miss ko to! tinikman ko na yung dala nyang menudo. Parang wala namang nagbago sa panlasa ni daddy. Ganun parin yung timpla.

*Ring!Ring*

Kinuha ko na agad yung cellphone ko at tiningnan kung sinong tumawag.


*Incoming call from Kris*

Hello? sagot ko.

Nakauwi na ako kumain na rin, ikaw? tanong nya sakin

Eto kumakain pinagluto ako ni Dad sagot ko.


Okay na kayo ng daddy mo? tanong nya sakin.

Perfect LiesWhere stories live. Discover now