Sam POV
Mag tatatlong linggo na nang huli kong makita si Kris, hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala sa nangyari at dahil sa pagsisinungaling na yun na realize ko na gusto at mahal ko si Kris. Miss na miss ko na sya kala ko naman kasi madali lang sya dun pero di pala. Sabik na sabik akong makita kang muli Kris. At simulan na natin ang pangako natin sa isat-isa.
*one message receive*
From Kris:
Subrang busy hon, kaya sorry kung madalas lang akong makapag text sayo. Don't forget to eat. I miss you
I really appreciate Kris, kasi kahit subrang higpit ng schedule nya di pa rin nya ako makalimutang e text. Subrang swerte ko sa boyfriend ko ngayon, kahit nasa malayo sya napapasaya nya parin ako kahit sa isang text nya lang. Siguraduhin mo lang na babalik ka Kris, kung hinde! susunduin kita jan! Hahaha
To Kris:
Okay lang, naiintindihan ko, wag kang magpapagutom dyan. Alagaan mo sarili mo, nangako kang babalikan mo pa ako >.< .... I miss you too.
Kahit wala akong nabasang reply nya alam kong nabasa nya rin yun.
4 na linggo nang nakalipas nang hindi parin sya bumabalik. 2 days nalang birthday ko na Kris. Kelan ka pa babalik?
Girl, okay ka lang? sabi ng bagong kasamahan ko.
Ok lang sagot ko.
Bat tulala ka? May namiss no? pag kompirma nya at tumango ako.
Ayun dagdag nya.
Hindi ko na sya pinansin at agad kong inabala ang sarili ko sa pagtatrabaho.
*Ring! Ring!*
*Kris Calling...*
Hello? ako
Hello hon sagot nya sa kabilang linya.
Napatawag ka? Di ka busy? tanong ko.
Nagpaalam muna ako na mag ccr muna para tawagan ka, namiss ko na yung boses mo. sagot nya
Nag abala ka pa! Baka pagalitan ka nyan? Hon, birthday ko na bukas. Di ka Dadating? pagpigil ko sa emosyon ko baka mapaluha ako dito.
Miss na miss na talaga kita dagdag ko.
Sorry hon. Ang busy talaga maiintindihan mo naman ako diba? sabi nya
Ayos lang, marami pa namang birthday. Basta babalik ka a? paninigurado ko
Makakaasa. sagot nya.
Oh sge, bumalik ka na dun baka hanapin ka na. sabi ko
Take care always, I love you sabi nya
I love you too. and I hanged up the call.
🎶Happy birthday to you...
Blow your candle na anak sabi ni mama habang hawak hawak ang cake ko.
I suddenly close my eyes and make a wish.
Wala na akong ibang hilingin bukod sa bigyan kami ng malakas na pangangatawan ng pamilya namin at yung babalikan ako ni Kris gaya ng pinangako nya sakin.