Kris POV
Nauna akong gumising kesa kay Sam, nag order nalang ako ng pang agahan namin. Nagsipilyo agad ako at naligo. Lumabas na ako galing cr ng makita kong gising na si Sam at nagkakape naiilang akong dumaan sa kanya kasi topless pa ako.
Buti namat tapos kana, oh eto kape mo alok nya sakin.
Magbibihis mo na ako at halos takbuhin ko na ang kwarto ko.
Nang tapos na akong magbihis dumiretso ako sa sala.
Good morning bati ko sa kanya
Morning, oh kape mo sabi nya sakin
Ininom ko na yung kape at tumabi sa kanya sa sofa.
*Ding!Dong*
Agad akong tumayo at kumuha ng pera tsaka dumiretso sa pinto. Kinuha ko na yung pina deliver ko at inilapag sa mesang kaharap ni Sam.
Nag order nalang ako sabi ko.
Mukhang mabango yan a! sabi nya. Habang sinisilip ang mga inorder ko.
Nagsimula na kaming kumain at pagkatapos naligo na si Sam, alam nyo naman yan sya ang tagal matapos kaya hinugasan ko muna yung pinggan, niligpit ko yung kama, nilinisan ko na yung buong yunit at saka umupo sa sala at nagpahinga muna ako at may meeting kami ngayon sa wedding organizer.
*toktok!*
Sam? tapos ka na ba dyan, bilisan mot may meeting pa tayo!. sabi ko sa labas ng pinto.
Sandale lang malapit na sabi ni Sam sa loob ng kwarto.
Bilisan mo at magbibihis na ako sagot ko.
May narinig ako na pagbukas ng pinto.
Magbihis kana sabi nya at pumasok na ako.
Nakita ko syang umupo lang sa kama at may kung ano-anong nilalagay sa mukha.
Bihis na ako at hindi parin sya tapos sa kanyang mukha.Tama na yan! kahit ano pang mukha mo di naman nagbabago nararamdaman ko sabi ko.
Bolero sabi nya sakin.
Hali ka na nga! dagdag nya at lumabas na kami.
Sino ba yung organizer natin? tanong ko habang nagmamaneho patungo sa lugar ng pagmemeetingan namin.
Si Roger ex ko sagot nya.
Ano! napataas yung boses ko Sam, bat di mo sinabi sakin na ex mo pala yung organizer. ngayon malumanay na ang pagsabi ko.
Sinabi ko naman ngayon a, sagot nya sakin
Pero, di mo rin sabihin kung di kita tinanong, tsk! sabi ko
Wag mo akong pagseselosin, Sam seryoso kung tugon.
Natawa lang sya.
Bat ka mag selos nun, e bakla yun! sabi nya
Kahit na, sya parin unang minahal mo bago ako sagot ko.
Tumingin lang sya nang diritso sakin at di na nagsalita.
Matulin ang byahe namin at nakarating na kami, pumunta na kami sa isang table at tumayo yung bakla at yumakap kay Sam at niyakap nya rin!
Oi, congrats der! ikakasal ka na. sabi nung bakla.
Salamat sabi ni Sam.
Sya na yung boylet mo? tanong ng bakla kay Sam habang tumingin sakin.