Chapter 15

2.6K 101 1
                                    

"MANIWALA kayo sa akin. Hindi ko kinuha ang kuwintas," giit ni Liatris nang iharap siya sa hari at reyna ng Tarragon para sa paglilitis. Puno din ang bulwagan ng mamamayan ng Tarragon. Parang bumalik siya sa panahon nang litisin siya sa harap ng kalipunan ng mga Vinca.

"Ito ba ang unang pagkakataon na nakita mo ang kwintas?" tanong ng Punong Ministro.

"Hindi po. Pumasok kami ni Prinsesa Parisse sa sagradong silid."

"Pero wala kaming ginalaw. Promise!" anang si Parisse at itinaas ang kamay. "Nasa sagradong silid pa ang kwintas nang umalis kami doon. Wala kaming masamang tangka. Gusto ko lang iyong ipakita sa kanya."

"Malakas ang kapangyarihan niya," anang Punong Ministro. "May masama siyang tangka sa kwintas. Maari niya iyong ipagbili sa mga kaaway."

"Pero siya ang nagligtas sa prinsipe," paalala ng punong kawal.

"Maaring isa lamang pagkukunwari."

Mariing nagdikit ang labi niya. Hindi siya sinungaling. Kung may kasalanan siya, aaminin niya. Di siya kailangang gawan ng kwento ng mga ito. "Sa inyo na ang kwintas ninyo. Hindi ko iyan kailangan. NI hindi ko nga alam kung paano iyan napunta sa gamit ko. Ang gusto ko lang ay umalis dito."

"Sinabi ko nang hindi ka pwedeng umalis," mariing wika ni Cid.

"Bakit? Dahil magnanakaw din ang tingin mo sa akin?"

"Wala akong sinasabing ganyan. Nagtatanong lang ako dahil nakita sa iyo ang kuwintas. Pero di ibig sabihin iniisip kong magnanakaw ka!"

"Sa tingin ko ay di ka maaring umalis, Liatris. May gusto pa akong makita," anang si Reyna Yelena. "Cid, utusan mo ang Luha ng Hari na ipakita kung sino ang babaeng itinadhana sa iyo."

"Bakit pa po? Akala ko ba binigyan na ninyo ako ng kalayaan na pakasalan ang babaeng pipiliin ko?" angal ni Cid.

"Sundin mo ang iyong ina, Cid," anang si Haring Andros.

Inilahad ni Cid ang palad at lumutang ang kuwintas sa babaw ng palad nito. Pumikit ito na animo'y may inuusal. Pagdilat nito ay may lumabas na liwanag sa kwintas. Kasunod niyon ay nakita ang imahe ng batang sa palagay niya ay nasa sampung taong gulang. Parang pamilyar sa kanya ang bata. "Ito ang imaheng nakita ko nang una kong hawakan ang kwintas," wika ni Cid.

Unti-unting nagbago ang imahe. Isa iyong babae na nakatayo sa tuktok ng isang burol. Nakatalikod ito at nililipad ng hangin ang itim nitong buhok. Nakasuot ito ng pulang damit na may sinturon na napapalamutian ng makulay na bato.

Nahigit niya ang hininga. Ang damit na iyon ang suot niya nang unang gabi na angkinin siya ni Cid. Lumutang muli ang kuwintas at tumigil sa harap niya. Nakikita na sa imahe ang mukha niya. Nang ilahad niya ang palad ay bumagsak ang kuwintas sa kamay niya.

Tumayo si Haring Andros. "Ikaw ang pinili ng kuwintas, Liatris. Ikaw ang pinili niya upang maging prinsesa ng Tarragon at kabiyak ni Cid."

Flame Flower #Wattys2019 CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon