Epilogue

4.2K 149 8
                                    

"Liatris, bilisan mo! Baka mahuli na tayo!" utos ni Cid na inip na inip habang naghihintay sa tabi ni Cereberus.

"Sandali na lang," sabi niya. Maya maya pa ay inilapag na niya ang fiorre fiamma sa ibabaw ng puntod. "Salamat, Malva at Damacus. Kung di dahil sa inyo, di ako magkakaroon ng lakas ng loob na magmahal. Di ako magiging masaya."

"Halika na. Oras na," bulong sa kanya ni Cid.

Pagdating sa palasyo ay nasaksihan niya ang pag-iisang dibdib ni Reyna Salvia at kanyang ama na si Marton. Ang unang kasalang naganap sa kasaysayan ng mga Vinca. Sa wakas ay nakilala na niya ito. Anak ang kanyang ama ng dating punong hukbo ng mga Vinca.

Aktibo na ang mga Vinca sa pakikipagkalakan sa ibang kaharian. Dahil na rin sa tulong ng Tarragon. Sa pagbabago sa kaharian, kasama na ang pagpapalaya sa mga alipin. Bagamat mga babae pa rin ang nagpapatakbo sa kaharian, katulong na ng mga ito ang mga lalaki. Nagkakaroon na ng bagong gampanin ang mga ito sa lipunan. May kalayaan na ring magmahal ang mga Vinca.

"Mukhang masayang-masaya ang mga magulang mo," bulong ni Cid.

"Dapat lang. Matagal nilang pinigil ang sarili niya. Mabuti na lang nagbago ang isip ni Ina. Ngayon masaya na siya."

"Katulad natin," wika nito at ginagap ang kamay niya. "May susunod nang Reyna ng mga Vinca. Kailan natin gagawin ang susunod na Hari ng Tarragon?"

"Cid, ni hindi pa nga halata na nagdadalang-tao ako. Matagal pa bago ako manganak. Hari na agad ng Tarragon ng pinaplano mo. Saka di pa tayo kasal." Inuna kasi nila ang kasal ng mga magulang niya.

"Mabuti nang magplano habang maaga." Saka siya nito ninakawan ng halik. "Nasabi ko na ba sa iyo na mahal kita?"

Tumango siya. "Mahal na mahal na mahal kita." Kasabay ng pagsasanib ng labi ng bagong kasal ay hinagkan din siya nito. Ipinakita nito sa lahat kung gaano siya nito kamahal. 

***


Thank you for reading Flame Flower. Sana nag-enjoy kayo sa story. Dati pa ito inire-request for reprint (na di naman napagbibigyan huhuhu!) at magkaroon ng Red Room version. If ipapasa ko ito sa Red Room with more extra hot scenes at mas makapal na plot, of course, bibili ka ba? Magiging exclusive na sa book ang mga pangmalakasang eksena. 

Please share your thoughts and show your support. :)



Flame Flower #Wattys2019 CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon