Wan

10 0 0
                                    

Janree

12:00 am
Feb 1st Sunday

Feb na! Balita ko pupunta siya dito. Pero kiber lang wala naman na cguro akong gusto dun. Parang nawala na noong lumipat sya eh.

Pero syempre 'di pa rin ako 100 percent sure. Kasi wala kaming napag-usapan na kahit ano tungkol sa amin. As in. Alam ko lang may gusto siya saakin dati at meron din ako pero hindi ko sinasabi sa kahit na sino last school year not until this school year.

Pero 'di ko pa rin sinasabi sakanya. Bakit? Para san pa. Wala naman na siya dito tsaka parang wala na din naman patutunguhan. Wala naman na siguro akong feelings sakanya.

Pero.. paano kung meron pa? Paano 'pag bumalik pag nakita ko sya ulit?

'Di naman siguro.

Bahala na nga basta pakikiramdaman ko na lang sarili ko. Tsaka may crush ako ngayon. Si Jairus, iyong kaibigan ko. Kasama siya sa barkadahan. Saklap noh.

Pero syempre 'di niya alam, ayaw kong masira ang pagkakaibigan namin dahil lang saakin. Tsaka mas pinapahalagahan ko 'yung pagkakaibigan namin kesa sa nararamdaman ko para sa kanya.

Kahit na naranasan ko nang magtago ng feelings. At mind you mahirap magtago ng nararamdaman lalo na kung ka-close mo pa.
At alam pa nang mga kaibigan mo dahil todo tukso sila sayo.

Pero hindi ko talaga sasabihin sakanya kasi siya yung tipo nang kaibigan na for keeps.

Anyways, hinintay ko rin talagang mag-alas dose kasi birth month ko din ang FEBRUARY. 18 na 'ko sa Feb. 28. Huling araw ng Pebrero kapag hindi leap year.

Basta madaming ganap ngayong "love" month.

6:00 am Monday

"Janree! Gumising ka na dyan. May pasok ka pa."

"Opo. Mga 5 minutes pa." Inidlip ko pa ulit.

Kaso di na ako makatulog kahit puyat ako kaya bumangon na lang ako. Baka malate pa ko sa school.

Simpleng estudyante lang ako. Nag-aaral sa public school at sa probinsya lang din nakatira. Sa Pangasinan to be exact.

Mas okay lang din sa'ken dito kasi wala masyadong polusyon at mas mura ang bilihin. 

Pagdating ko ng school dumiretso ako agad sa room. Hindi pa naman ako late.

Tumabi na'ko agad sa mga kaibigan ko.

Kakaupo ko pa lang nang kinausap ako ni Hane. Isa sa bumubuo sa'ming barkadahan.

Lima kaming magkakaibigan, dalawa kaming babae tapos tatlong lalake. Pero parang one of the boys na rin kami. Mas gusto naming maging kaibigan ang mga lalake hindi dahil sa malandi kami (ganyan kasi kadalasan pinag-iisip nila samen) kundi dahil straightforward sila walang keme, wala mang sense kausap minsan pero kapag malalim na pinag-uusapan mas may substance sila at tsaka mas komportable kame sa lalake.

"Janree nakapagpaalam ka na ba para sa b-day celebration ni Anne?"

"Yup, ikaw ba?"

"Naman! Sinabi kong sasama ka hahahaha. Tapos konting pilit na rin.  Ayun pumayag sila."

"Hahaha dinamay mo pa 'ko."

Celebration ng birthday slash debut nang kaibigan naming si Anne sa Biyernes at sleepover 'yun. 'Dun ko na din makikita ulit si El short for Rafael.

'Di ko alam kung anong mararamdaman ko kapag nagkita ulit kami. But I'm hoping that we're still the same. Na friends pa din kahit alam ko na gusto ko siya at gusto niya 'ko before.

Na hindi magbago pagtingin ko sakanya more than friends. Dahil kapag ganon baka ako na lang may pagtingin saming dalawa tapos siya wala na pala.



Ps. First story ko po ito. Pasensya na kung medyo lame. Itatry kong gawing mas maayos. Tsaka mababaw lang po itong story. READ AT YOUR OWN RISK.  Salamat.









Memories In FebruaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon