Siks

2 0 0
                                    

Janree

'Talaga bang meron pa kaming pag-asa ni El? Na baka parehas pa din kami ng feelings? Gusto ko si El gustong gusto. At ngayong andito siya ngayon ko lang narealize na kaya nasabe ko dati na wala na akong gusto sakanya ay dahil natabunan lang ito. Pero andito pa rin at nangingibabaw na ngayon.

Gusto ko siyang kausapin man lang kahit normal convo lang kaso ang daming nakapaligid na mga kaibigan naming mapangtukso ayokong maging awkward ang pakikitungo namin sa isa't isa.

"Sino ang iibigin ko,
Ikaw ba na pangarap ko.
O siya bang kumakatok
Sa puso ko oOooh."

Kasalukuyan kaming nasa cottage at nagvivideoke. Puro birit mga binabanatan nila o kaya naman mga pang heartbroken. Chill songs lang sa'ken baka magkabagyo pa bigla 'pag bumirit ako.

Oh anong paiiralin ko,
Isip ba o ang puso kooo
Nalilito litong litong litoooo.

Tsaka baka maturn off sa'ken si El charot hahahaha. 'Di pa kami nakakapag-usap simula nung bumalik kami dito sa cottage. Tyetyempuhan ko na lang siguro mamaya. Sigurado namang puyaters ang peg namin ngayon.

Pupunta pa kami mamaya sa pool. May pool din kasi dito kahit malapit lang sa dagat. May balak kasing maligo 'yung iba kahit gabi na.

"Janree punta muna akong room gusto mo sumama. Magpapalit ako, ikaw baka gusto mo na ring magpalit."

"Sure, naaalibadbaran na rin ako dito sa suot ko. 'Di man lang kasi tayo nainform na pang swimming attire pala dapat."

Naglalakad na kami ng biglang umihip ang malamig na hangin. Bigla tuloy akong inantok. Kaya umakbay muna ako kay Hane at ipinikit ang mga mata habang patuloy na naglalakad.

Nang biglang *boogsh* may bumangga sa balikat ko ng malakas na galing sa harapan. Napabitaw ako kay Hane at napaupo. "Aw..Aray!". Sino ba yun? Sa tangkad kong to di pa'ko nakita!

Pagka-angat ko ng ulo ko nakita ko si El na nakatayo sa harap ko at biglang dumating si Briguel, "huli ka pre. Humanda ka na sa dare haha. Teka arnong meron? Ba't nakaupo ka sa buhanginan Janree?"

Tatayo na sana ako ng biglang hinawakan ni El ang kamay ko at tinulungan akong tumayo. "Salamat"

Humarap ako kay Briguel para ipaliwanag kung ba't ako nakaupo "Ah nakapikit kasi ako kanina habang naglalakad kaya hindi ko napansin si El".

"Kasalanan ko. Actually nakita ko na kayo kanina bago ako tumakbo papunta rito. Akala ko kasi liliko kayo. Okay ka lang ba?"

Tinignan ko muna ang sarili ko kung may galos ba ako, mukhang wala naman. "Oo, okay lang ako. Pasensya ka na din hindi rin kasi ako nakatingin kanina."

Nakapagpalit na kami ni Hane at napagdesisyonan namin na hindi na lang kami magswiswimming sa pool. Malamig na kasi kaya nagsuot na lang kami ng pantulog.

"Janree sa baba na ko ah. Balik na lang ako after half an hour or so para gisingin ka."

"Sure, salamat."

Mag-isa ako ngayon dito sa kwartong tutulugan namin. Sakto lang naman ito para sa labinlimang katao. Merong apat na double deck. Yung isa nakahiwalay. Iyong tatlo naman magkakatabi. Para magkasya kami pinagdikit-dikit nila yung tatlo para mawala yung spaces sa gitna at lumuwag yung kama. Kaya imbes na anim lang ang pwede, pwede ng magkasya ang walo. Tapos meron pang dalawang single na foam sa baba na magkatabi.

Doon muna ako sa tatlong double deck humiga. Sa baba ako pumwesto. Sa totoo lang kaya ako nagpaiwan ay hindi lang dahil medyo antok na 'ko kundi gusto kong mag-isip kahit saglit lang.

Hanggang kailan ko itatago 'tong nararamdaman ko kay El. Ang hirap na eh. Lalo ngayon na ang lapit niya. Kahit kakabalik niya lang kanina feeling ko isang buwan lang na nawala siya kasi yung nararamdaman ko para sakanya andito pa rin eh. Bigla biglang bumalik.

Niloloko ko lang pala ang sarili ko nung sinabi kong wala na. Natabunan lang pala.
Parang buto, kapag itinanim tatabunan ng lupa, didiligan at papaarawan. Hanggang sa tumubo ito makalipas ang ilang araw.

Ganun din siguro nangyari sa feelings ko kay El. Natabunan lang ng mga ganap sa school pero nadidiligan sa tuwing naaalala o naiisip ko siya tapos bigla na lang tumubo kasi naarawan na sawakas nung nakita ko siya.

At kapag lumago ito. Lalago din ang nararamdaman ko. From like to love.

Pero.. lalago din ba ang status namin?
From friends to couple?

Makatulog nga muna saglit.

iam a mess🖤

Memories In FebruaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon