Tu

3 0 0
                                    

Janree

Feb. 6 Friday

Naglulunch kaming limang magkakaibigan. Ako, Hane, Gideon, Cj, at Jairus. Nasa garden kami ng school dito kasi kame madalas tumambay kapag walang klase.

"Musta naman kayo nung bebe mo?" Tanong ko kay Gids. May nililigawan kase 'to at grabe kung makaeffort. To the highest level. Ewan ko na lang kung 'di kiligin yung nililigawan niya.

"Tsismoso talaga to si Janree."

"Tsismosa dapat Hahahaha" Ganyan talaga yan si Gids kung sumagot, 'di ka sasagutin ng matino. Pero 'yan ang nakakabwisit, nakakairita pero nakakamiss sa ugali niya.

Graduating kami ng Senior high sa April kaya sinusulit na mga moments namin.

"Nga pala ready kana mamaya?" Si Hane. Kaming dalawa lang pupunta hindi kasi close nung tatlo si Anne.

"Oo, nagdala na ko ng gamit para 'di na ako uuwi. Malayo pa uuwian ko."

Isang oras ang layo ng school sa bahay ganun din kay Hane pero mas malayo ang kay Cj. Si Gids halos  tabi lang ng school around the city lang din ang tinitirhan ni Jairus.

"Sige, sabay na tayo. Sa bahay muna tayo doon na tayo magprepare. Ala syete pa naman."

Nagtuloy lang usapan namin. Tungkol sa anime, mobile legends at sa mga subjects namen.

Hane

Palabas na kami ng school mga bandang ala singko. Itong si Janree parang may iniisip. Pero si Rafael lang naman iniisip nito ahahahaha. Nasasayangan kaya ako sakanila. Ang torpe kasi nun ni El ahahaha.

Akala ko nga magkakatuluyan na silang dalawa halata namang may gusto sila sa isa't isa. Btw, bestfriend ko 'yun si El simula pa nung junior high. Nakilala lang namin si Janree nito nang senior high last year.

"Punta akong mall ngayon, sama kayo?" Si Jairus na minsan lang mag-aya kadalasan kasing go with the flow lang sya.

"Ga, karaoke tayo". Sang-ayon naman ni Cj.
"Sama na din ako, wala namang pasok bukas. Painggitin natin 'tong dalawa hahaha", singit naman ni Gids.

Merong karaokehan kasi sa mall malapit dito sa school. Pero 'yung tipong nasa loob kayo ng isang maliit lang na room at hindi rinig sa labas kapag kumakanta. Isang token isang kanta.

"Ahahahaha enjoy na lang kayo. May lakad kami mamaya. Byeee"

"Bye ingat kayo". Sabi nung mga tatlong bugrit ahahahhaha

Pagkarating naming bahay chinika ko agad 'tong si Janree na kanina pa malalim ang nasa isip. Kasing lalim nang tubo ng gripo namen. Ahahahaha waley

"Gusto mo pa ba si Rafael?"

"Hindi na siguro. Parang nawala na nung umalis sya."

"Sabagay, wala rin naman kayong komunikasyon simula nong june pa."

"Ano lang.. gusto ko lang malaman kung affected pa rin ako sakanya alam mo namang crush ko si Jairus or kung meron pa siyang gusto sakin. Pero 'di na ako umaasa na meron pa."

"Prepare na nga tayo."


Ps. Tinatry ko talaga siyang pagandahin. Pero hindi kinikeri ng powers ng lola nio. Hahhaha
Salamat.

Memories In FebruaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon