Seben

7 0 0
                                    

Hane

Pagkababa ko sa tinutuluyan naming kwarto nadatnan ko silang naglalaro ng lucky nine sa sahig sa gilid ng pool. Pero ang iba'y nakaupo lang kumakain at nakikinuod sa mga naglalaro. Ang mga naglalaro sa lapag ay sila Briguel, El, Austin, Max, Sam, Sein, Nist, Gianne at Wade. Ang mga nanunuod lang ay sina Keith, Mike, Dara at Lei.

"Uy sama ako."

"Sige, usog ka Max para makaupo si Hane."

Umusog naman si Max ng onti. "Oh, upo ka na kasya ka na dyan stick ka naman. Hahahaha"

"Lakas mo talagang mang-asar. Usog ka dyan Briggie." Sabay tulak ko kay Briguel na muntik ng mahalikan ang semento. Hahaha

"Briggie?! HAHAHAHAHA bro parang pangalan ng aso HAHAHAHA."

Basta ganyang tawa si Austin na agad 'yan.

"Maglapag ka na lang ng baraha kesa sa tawa ka ng tawa dyan. Mautot ka sana mamaya."

"Nga pala Hane kung sino ang matalo dito truth or dare ang parusa. Okay?"

"Oks Briggie." Pagkasabi ko nun nagtawanan na naman kami. Pinigil ni Austin ang tawa niya ng samaan sya ng tingin ni Briggie. Hahahaha.

Nakailang ulit na kami pero hindi pa din ako natatalo hahhaha. Mukhang asakin ang bato ni Darna. Hahahaha Anong konek? Haynako self.

Ilang beses naman ng natalo si Austin at Gianne. At puro malala ang dare nila. Ayaw naman nilang magtruth dahil sigurado mabubuko kung sino man ang pinopormahan nila ngayon.

Si Austin pinalamon ng pinaghalohalong condiments tas itong si Sein akala namin inabutan ng tubig si Austin pero soju pala.  Inisang lagukan pa naman ni Austin. Si Gianne naman pinasayaw nila ng otso otso sabay tinulak nila sa pool hahahaha.

Pagkakuha ko nung baraha ko eh agad ko tong sinipat. Unang numero ay tres. Sana singko o sais to ayokong matanong ng truth no lalo naman ang dare. Dinahan dahan ko ang pagbaba nung unang card para sipatin ang pangalawang card. Ayos saktong sakto sais! Agad kong nilapag ang baraha ko at isinigaw ang "Nuebe!"

"Sinong hingi?"

"Ako Aust. Ako din. Same. Same " Sabi nila Max, El, Nist at Sein.

"Lapag na."

Max: Otso!

Nist: Sais!

Gianne: Syete!

Wade: Otso!

Sam: Singko!

Sein: Matatalo na naman ata ako ah. Kuwatro lang mga tsong!

Briguel: Syete!

Austin: Ang tataas niyo naman, tres lang akin!

Nist: You're the lowest Aust! Hahaha Truth or dare?

Austin: Nah-ah meron pa si El 'di pa naglalapag. HAHAHA Hindi nako iinom puchang mga condiments na yan.

Sein: El ano na lapag na.

Nang ilapag ni El. Sinilip namin agad.

Wade: Dos! Hahhahahahahha

Napakamot na lang si El sa batok habang natatawa sa naging resulta.

Napaisip naman ako kung ano kayang pipiliin ni El. Hmm

"Truth or Dare?" May kasama pang taas ng kilay at ngisi na tanong ni Briggie.

Janree

Tumingin ako sa oras at lagpas 30 minutes na simula nung umalis si Hane.

'Asan na 'yun? Nalimutan na ata ako. Makapunta na nga lang doon.'

Katatayo ko pa lang nang biglang may kumatok sa pinto at bumukas ito. Pumasok si El at lumapit sa'ken. Mga isang metro ang layo namin.

"Baket?"

Tanong ko nang 'di siya nagsalita. Eh mukha namang may gusto siyang sabihin.

Napakamot muna siya ng batok bago naisipang magsalita.

"Ahm.. may dapat akong gawin na dare at.. involve ka 'don. Okay lang ba sa'yo?"

Napakunot ang noo ko dahil sa pagtataka kung ano nga ba 'yon.

"Ahh.. Okay lang. Ano ba iyon?"

Nagkaroon ng katahimikan habang hinihintay ko siyang sumagot. Mas pinakatitigan ko naman siya at balak ulitin ang tanong ng...

bigla niya akong niyakap!

Nanlalaki ang mata ko sa gulat.

So this was the dare!

O- EM- GEE!

AAHHHH KUNG SINO MAN NAGDARE NITO SAKANYA NAWA'Y I-BLESS KA NI LORD!

Sobrang kilig na ang nararamdaman ko. Parang kinikiliti ang puso ko. Ito ata ang unang beses na niyakap niya ako ng ganito. Nakalapat ang kamay niya sa balikat ko at ang isa ay nasa beywang ko.

Nararamdaman ko naman ang hininga niya sa batok ko.

Kinakabahan ako baka maramdaman niya ang lakas ng tibok ng puso ko. Grabe na 'to! Kinikilig na ako ng sobra. Hahahahahaha

"Tara na sa labas?"

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Sinubukan kong pakalmahin ito bago nagsalita.

"O-okay." Iisang salita na nga nautal pa ko. Napaface palm ako sa isip ko.

Nang maghiwalay kami biglang naghiyawan mga kaibigan namin. Mga animong mga bulate na binuhusan ng asin.

May hawak pang phone si Gianne, paktay kinuhanan ata kami ng bidyo. Baka mapansing kinikilig ako dun! Nakow naman. Charot ahahahaha.

Nandito na kami sa gilid ng pool ngayon. Jenga naman ang pinagkakaabalahan namin. Ang iba'y nasa swimming pool, nag-uunahan sa paglangoy 'di alintana ang lamig ng gabi.

Nakaupo kami sa semento sa gilid ng pool katabi ang mga pagkain na nakapatong sa maliit na mesa sa gilid din namin.

Isang shot ng soju ang parusa kung sino ang makakatumba ng mga bloke.

Nalaman ko din na si Hane ang nagdare kay El. Ayun nahampas ko sa kilig. Ahahahaha.

Kaharap ko ngayon si El habang naglalaro at palihim ko siyang tinititigan. Hindi masyadong halata dahil nakatalikod ako sa ilaw, gabi na rin kaya mas madilim. Mas kita ko siya dahil sakto ang tama ng ilaw sa kaniya.

Ang tangos ng ilong niya. Medyo singkit ang kaniyang mga mata na halos mawala kapag tumatawa siya o ngumingiti. Ang inosente ng itsura niya kapag nalilito. Ang medyo mahaba niyang buhok na tumatama sa mata niya ay bumagay sa kaniya. Nangangati ang kamay kong hawakan iyon dahil kumikintab iyon kapag natatapatan ng ilaw.

Nang bigla siyang lumingon sa gawi ko. Paktay! Agad kong naibaba sa nilalaro namin ang paningin ko. Pagsilip ko sa kaniya, nakatingin din siya sa akin. Umarte akong normal kahit bumilis na naman ang tahip ng dibdib ko.

Nang ako na ang susunod sa laro, delikado na ang tayo ng mga bloke. Isa lang ang natira sa ilalim at butas na rin sa gitnang parte ang jenga. Nang wala akong mahanap na medyo maluwag ang pagkakalagay, tinuloy kong tanggalin iyong tatlo pa ang bloke sa bandang gitna.

Ilang centimetro na lang matatanggal ko na ito nang biglang gumalaw kasabay ng pag-ihip ng malamig na hangin. Bumagsak ang mga bloke.

"Yown Janree sa wakas at ikaw naman ang talo. Aba strike three na ko dito. Sumasakit na lalamunan ko" ani Gianne na katabi ko.

Iniabot sa akin ni Sein ang isang shit ng soju. Nang iinumin ko na nakatingin sila lahat sa'kin pero napako ang paningin ko kay El. Nilagok ko 'yun at nakaramdam agad ng init. Agad akong kumuha ng orange sa gilid para maibsan ang pait. Pagharap ko napansin kong nakatingin pa rin si El sa'kin. Naramdaman kong nag init ang mga pisngi ko.

Gahhd bakit ka ganyan makatingin ha. 'Wag kang ganyan medyo assuming ako.

Binaba ko na lang ang paningin ko at itinuon sa laro. Wala lang 'yan Janree. Torpe yan eh asa kang liligawan ka niyan.



i am a mess🖤

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 18, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Memories In FebruaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon