Tri

2 0 0
                                    

Janree

7:00 pm @Taren's beach resort

"Nasan sila?

"Ewan ko din. Pero alasyete na. Hays filipino time nga naman. Tsk tsk". Umiiling pang sabi ni Hane.

Umupo muna kami sa may lounge area tapos nagbubuklat ng mga magazine then nagselfie na rin. Sayang ang view.

Mga ilang minuto lang din ay dumating na si Anne. Binati agad namin sya. Pero saglit lang  din dahil aasikasuhin pa daw niya yung tutulugan namin.

Naupo ulit kami sa dati. Kanina ko pa pala  iniisip kung ano kayang magiging reaksyon ko pagdumating 'yun si El? Tsaka 'bat ako kinakabahan ng slight. Phew! Gusto ko mang sabihin kay Hane 'tong nararamdaman ko pero sigurado namang parehas lang kami iisipin. Lintik naman oh. Parang alam ko na to ah.

Pagdating 'nung ibang mga kaibigan ni Anne na kaibigan ni Hane. Sila kasi 'yung mga magkakaklase nung junior high. Bale ako lang 'yung nag-iisang hindi nila classmate noon. Pero magkakaibigan kami nung iba kasi classmates ko sila last year. Iba iba na kasi kami ng piniling magiging course.

At anak ng tokwa! Kaming dalawa lang ni Hane ang naka jeans. 'Di kami ininform ng mga 'to na pang beach attire pala. Hays akala namin hindi magsiswimming.

Pero okay lang atleast dalawa kami may karamay ako hahahaha. May pamalit din naman kami.

'Dun kami nagset up sa cottage na malapit lapit sa dagat. Boodle fight ang labanan kaya sira ang diet ko nito. Prom pa naman namin next week.

"Janree, papunta na daw sila El at Briguel gusto mong sumama na salubungin sila?" Pag-aya ni Hane saakin. Si Hane, Briguel, at Rafael ay magbebestfriends simula pa noong junior high sila.

"Ah sige". Sinundan ko sila Hane at Anne. At nag-eexpect ako ng something sa pagkikita namin. Hindi ko mapangalanan kung ano. Mauubos na ata braincells ko kakaisip ng mga posibleng mangyare at maramdaman ko. Ano nang nangyare sa 'Hindi na ako umaasa sakanya' na dada mo?

Btw, ngayon lang pala uuwi si El simula nung umalis sya ng bakasyon last year kasi ngayon lang din nila naisipan na pauwiiin siya dito. May financial problem kasi siya kaya 'di siya nakakauwi tuwing may nagdedebut na mga kaibigan namin.

Habang naglalakad eh nalalagyan ng buhangin ung sandals ko. Tama na 'yung magdadala akong tsinelas eh. Hays

Tumigil ako saglit at yumuko para tanggalin 'yung mga sumiksik na buhangin sa paa ko. Pag-angat ko ng ulo ko eh nasa harapan ko na pala sila.. siya...

Nakita ko na naman 'yung ngiti niya at pagiging jolly niya. Nagyayakapan na sila bilang pagwelcome kay El. Nang ako na nahiya ako bigla pero meron ding part saakin na 'Ano naman? Hug lang naman. Tsaka kaibigan ko din siya.'

Kaya nagyakapan na din kami pero slight yakap lang. At hanggang balikat niya lang ako. Matangkad na nga ako pero mas matangkad siya. Nagmumukha siyang puno ng niyog. Char! Ang exaggerated ko mag-isip. 5'6 and a half ang height ko matangkad na para sa isang babae pero sya 6'1.

Pumuti siya tapos ang bright ng aura niya. Makikita sa mga mata at ngiti niya na namiss niya lugar na'to.

But that moment na nagyakapan kami, may kutob na akong... wala na siyang gusto saken.

Ano naman ngayon self kung wala? Wala ka na 'ding gusto diba? Pabor nga iyon eh 'di ka na aasa ulit.

Pero bakit parang nabuhay 'yung pag-asa na meron dati?

Saglit akong nag-isip at pinakiramdaman ko iyong katawan ko lalo na iyong puso ko.
Anak ng teteng naman oh!

No.. this is nonsense.








Ps.
:) Salamat.

Memories In FebruaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon