Payb

2 0 0
                                    

Janree

Nang malayo layo na kami sa mga kaibigan namin. Naisipan kong sumigaw. Dito ko ibubuhos ang frustration ko sa nararamdaman ko para kay El.

"AAAAHHHHH. BAKIT! GUSTO PA DIN KITA?! AYOKO NG UMASA SA'YO!! T*NGNA NAMAN OH!"

Nakisigaw rin si Hane.

"LORD! SANA MAGKATULUYAN NA SILA NI EL!"

"'YUN LORD GUSTO KO YON!"

"Ahahahahaha Yan sigurado kayo na talaga."

"Hahahaha buti sana kung parehas kami ng nararamdaman. Hahahaha. Tsaka kung magiging kami naman mahirap. LDR lang ang peg namin. "

"Don't worry Janree balita ko dito na siya mag-aaral next school year."

"Psh eh baka lilipat ako ng school sa college. Eh di wala lang din. Hay wala na ata talagang pag-asa umaasa lang ata ako. Pinaglalayo na kami eh."

"Sayang naman. Akala ko talaga magiging kayo na eh. Bagay kaya kayo."

"Tao kami."

"Heh! Tara na nga!"

Loko to inirapan pa'ko haha. "Oo na, makipicture na rin tayo ang ganda pa naman ng view. Instagramable haha."

Paglapit namin sakanila agad kaming nakisali sa picturan. Pose dito pose doon. Peace sign, heart sign, tapos may pa-jumpshot pa. Na kung saan napagod kami kakatalon. Pa'no ba naman eh hindi nasasakto ni Austin yung pagkuha ng litrato sa talon namin. Halos batukan na nga nila  hahaha.

After ng group pictures meron namang tigtatlo, dalawa o kaya naman ay 'yong mga magbebestfriends. At umaasa akong sa tigdalawa eh makapagpicture kaming dalawa.

"Austin papicture nga din kaming tatlo, ayusin mo ah".

"Ako pa kung 'di mo naitatanong Hane photographer ako." Mahangin na sagot ni Austin.

Siyempre 'di papahuli sila Hane, Briguel, at El. Eh halos 'di mapaghiwalay 'yang tatlong yan last year.

Madalas nga lang mag-away si Hane at Briguel pa'no eh mabilis mapikon 'yong isa, 'yong isa naman lakas mang-inis. Lagi ngang kaming dalawa ni El taga-awat diyan. Dahil kahit hindi sila magkatabi nagbabangayan pa rin.

"One, two, three *click click"

After nila kami naman ni Hane ang nagpapicture. Awrahan kami hahaha *click click

"Oy kayo naman ni El!", biglang sabi ni Briguel.

'Haaa?? Shet kinikilig na 'ko agad. Huwag ganun heart kalma. Btw, Briguel kung alam mo lang pak na pak sa'kin yang suggestion mo hahahaha.'

Nagkatinginan muna kami El.  Medyo nahihiya pa kami ng onti pero keri lang. Lumapit naman na sa'kin si El. Natatawa pa kaming dalawa ako dahil sa kilig, siya ewan ko lang baka medyo nahihiya lang siya.

"Ano ba 'yan ang layo niyo naman usog pa, may space pa oh." Kunwaring reklamo ni Hane na tinuro pa ang pagitan namin ni El.

Umusog naman kami.

"Konti pa meron pang space oh."

"Oy anong meron pa ang lapit n--".

"Yannn" nakathumbs-up pang sabi ni Hane ng umusog na si El. Hindi ko na itinuloy yung reklamo ko. Nagpapakipot lang naman ako hahaha .

*click click

"Ibang pose naman. Hindi naman kayo nagalaw." Utos ni Briguel na siyang nagpipicture samen.

Pero hindi pa rin kami gumalaw. Hahaha

"Ano ba yan? Akbayan mo naman El."

'Ihhh self ngiti lang kunwari nagpapacute ka lang sa camera para 'di halatang kinikilig ka.'

Nag-aalangan man pero inakbayan din ako ni El.

*click click click

Sila Hane tas mga kaibigan namin ayun wagas kung makangiti. Alam ko namang kinikilig din sila samin hahaha.

Hane

Pabalik na kaming cottage at kinikilig ako para kay Janree ihhhhihihi. Kinikiliti ko nga.

"Uyy ano ba? Hahaha alam ko kinikilig ka at AKO DIN!" Mahinang sabi niya.

"AHAHAHAHAHA!"

"Pero alam mo.. kahit gustong gusto ko siya parang wala na talaga eh. Kahit sabihin mo na parang ito na yung katuluyan ng lovestory namin last year.
Malakas ang hinala ko na wala nang pag-asa na maging kami. Na aasa lang ako ulit at ang ending nganga."

"Hindi naman siguro. Alam ko torpe 'yun pero malay mo meron pa palang gusto sa'yo yun at bigla na lang manligaw diba. Hindi mo naman eksaktong mapepredict mga mangyayare kaya maging positve na lang tayo. "

Pinagkibit balikat lang iyon Janree at di na sumagot.

'Ano kayang mangyayari dito sa dalawang bespren ko. Itong si Janree gusto pa din si El kaso medyo nega, si El naman hindi ko sigurado kung meron pa. 'Di ko pa siya nakakausap tungkol sa ganito. Tsaka kung kakausapin ko siguro siya kasama dapat si Briguel.'


iam a mess🖤
Thank u

Memories In FebruaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon