Por

2 0 0
                                    

Janree

Pagbalik naming cottage, tinakasan na ata ako nang dila ko. Pati utak ko nagfly away na din!

'Ano ka ngayon ha Janree?!'

Gusto kong magmura at magsisisigaw. Ayoko 'tong nararamdaman ko. Arghh!

Naupo na lang muna ako sa katapat na cottage wala namang tao. Pasado alas otso na rin kasi.

Pinapanood ko lang silang magbatian. Halatang masaya silang lahat na nakita nila si El. Nagyayakapan sila habang nag-iingay ang mga lalake.

Ako naman, eto 'di alam kung masaya ba ako o hindi sa pagdating niya.

Masaya ako na makitang nagtatawanan sila na nakabalik siya ulit dito pero mas lamang  yung bigat na nararamdaman ko. Ang bigat sa loob na meron pa pala akong gusto sakanya. Hindi ko akalain na aasa pa rin ako sakanya.

At ang sakit dahil parang okay na siya.. na parang naka-move on na siya.

"Naks El lalo ka pa atang tumangkad. Parang ayoko nang tumabi sa'yo nanliliit ako masyado hahaha." Pabirong sabi ni Austin kasing tangkad ko lang din siya.

"Hahaha pandak ka na noon pa."

"Aray naman! Pagbibigyan kita dahil kararating mo lang, bukas hindi na hahaha."

"HAHAHAHA" tawa nilang lahat ang iba'y binatukan pa si Austin.

Nagtuloy ang biruan at tawanan wala ni isang minuto na hindi sila nag-iingay. Nakakatuwa na kahit isang taon ko lang nakasama ang iba sakanila eh tinuturing na nila akong malapit na kaibigan.

Mga trenta minutos din ang lumipas bago namin sinimulang lantakan ang pagkain. Habang kumakain 'di ko maiwasang mapatingin sakanya.

Talaga ngang meron pa akong feelings sakanya. Hays..

Naglalakad na kami ngayon dito sa tabing dagat. Malakas at malamig ang simoy ng hangin. At kakatwang iniisip ko na sana siya yung katabi ko ngayon imbes na si Hane. Napailing na lang ako.

"So ano na, nalaman mo na ba kung may feelings ka pa sakanya?"

Hinarap ko siya at tinitigan "Oo".

Nagtuloy lang kami maglakad palayo sa mga kasamahan namin na nagpipicture taking na sa tabing dagat.

"Ano meron o wala?"

"Unfortunately..."

"Ano?"

"Walang duda."

"Walang duda na wala na?"

Umiling ako. "Walang duda na meron pa."

Biglang nagbago ang itsura ni Hane. Naging hugis bilog ang kaniyang bibig at mata at..

"OMG!! to the highest levelll! AHAHAHAHA. I knew it. Waahh Janree!"

Ayun nagtitili na si Hane parang kinikilig na bulate este parang sinusundot sa pwet ang ate niyo sa kilig.

"Maghunos dili ka nga. Napaka-OA mo. Kung makasigaw ka diyan parang kami na ha."

"Inaadvance ko lang yung sigaw ko pag naging kayo na."

"Hello malabong maging kami okay? Not even in my wildest dreams."

"Malay mo naman ngayong andito siya baka ito na yung continuation nung naudlot niyong love story last year. Sabay kindat pa sa'kin.

'Continuation? Mukha ngang wala nang pag-asa eh. Bat pa kasi meron pa akong gusto kay El. Eh di sana hindi ako nalilito't naiistress ngayon. Pshh', buntong hininga ko.




Photo cover :Photography Blogger
Edited by:@knnthlbrdr

Memories In FebruaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon