Intro

34 0 0
                                    

Paano kung isang araw mawala lahat ng ala-ala mo?

Ano ang gagawin mo?

Ang cliché diba? Parang galing sa isang teleserye.

Paano kung mawawala lahat ng ala-ala mo maliban sa isa?

Anong ala-ala ang pipiliin mo?

*sfx: Tok-tok ~

May kumatok sa pinto.

"Sino yan?" sabi ko. Pinilit kong tumayo at binuksan ang pintuan - walang tao.

Babalik na sana ako nang makita kong may kahon sa paanan ko. Tama ang address at pangalan kaya't imposibleng hindi 'to para sa akin.

Wala naman akong hinihintay na dumating, Para saan 'to?

Sino siya at bakit niya ako pinadalhan?

Wala akong mapagtanungan kaya't naisipan ko na lang ipasok sa loob ang kahon....

What if?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon