January 19, year 7
1 am. Gising pa din ako ng ganitong oras.
Kakanta kami sa school - Hindi bilang isang performer pero dahil requirement namin iyon sa music subject. Ang problema, hindi ako magaling kumanta. The only thing that appreciates my singing skills is my shower room other than that, none. Buti na lang hindi kami mag-kagrupo.
Nakakatawa lang kasi kanina humiram ako ng sidecar para mamasyal tapos natumba kami dun sa humps. Tawang tawa ako sa mga reaksyon nila lalo na yung sa kanya. Buti na lang walang nakakita sa amin.
January 20, year 7
Sabi na babawian ako ng pagpupuyat ko. Inaantok ako buong magdamag - Feeling ko pumapanaw yung kaluluwa ko bawat subject.
Dapat sana manonod kami nina Sarah kina Mish, kaso nag-away sila ng mom niya kaya hindi na natuloy. At least, mababawi ko yung pinuyat ko kagabi.
-----
Gabi na pala. Nakaalis na si Anna pero kahit sandali lang kami nag-usap ikinatuwa ko naman. Madami siyang kinwento sa akin; trabaho niya, nung college siya tapos yung mga problema niya. Nagulat ako nung bigla siyang nag-open up sa akin.
Hindi na ako kumain ng hapunan, wala kasi akong gana. Umupo ako sa higaan at pinagpatuloy ko na lang ang pagbabasa ng journal.
-----
January 21, Year 7
May nakita akong star ngayon,sobrang liwanag niya kahit ala-singko pa lang ng hapon. Hindi napigilan ng sarili kong hindi mag-wish. Alam kong hindi naman matutupad ‘yon, pero malay mo naman….
Wala namang mawawala kung gagawin ko.
Pero sana kahit ngayon lang….
Matupad…
Haha.
BINABASA MO ANG
What if?
Non-FictionA package arrived - It was a box containing 5 journals and an assortment of paper clippings. Para saan 'to? Why did he sent this package? Sino ba ang nag-send nito?