Book 1: Part 10 (EOB1)

4 0 0
                                    

March 08, Year 7

Last day ng intramurals: awarding. Akala ko hindi na ako aabot ng Friday after kong maospital ng 2 araw. Muntik na din akong hindi naka-sayaw sa cheerdance pero naprove ko naman sa kanila na okay na ako.Haha.

Kahit na natalo ako sa Word Factory tournament nanalo naman ako sa quiz bee competition – Bawi din ang hirap. Nakakatawa pa kasi nagging tie ang result ng singing contest, nagulat daw sila sa boses ko – garalgal. hahaha

Sobrang concern ng lahat ng kaklase ko sa akin, hindi ako sanay sa ganitong klase ng concern. Nakakahiya sa kanila dahil from time-to-time tinatanong nila ako kung okay lang ako.

Alam na kaya nila?

Alam na kaya niya?

-----

 “Alam ang ano?” sabi ko ng mahina at tanong ko sa aking sarili habang nakatitig sa huling pahina ng journal.  Kahit feeling ko hindi naman ako related sa sumulat nito pero ano yung dapat nilang malaman? Bakit hanggang doon lang yung sinulat niya? Sino ba talaga siya?

“Kanina ka pa namin hinahanap andito ka lang pala…”

Nagulat ako dahil may nagsalita mula sa likod ko. Lumingon ako at nakita ko si Justin na may mga kasama. Binaba ko yung hawak ko at tinignan ko yung dalawang kasama ni Justin – may kasama siyang dalawang babae, kaibigan niya ata. Yung isa hanggang likod yung haba ng buhok, morena pero hindi kasing morena ni Justin, yung isa naman naka jeans at medyo mestiza, nakasalamin siya at na-katali ang buhok. Nakatingin din naman sila sa akin ng maigi at kita ko ang maliit na ngiti sa mga mukha nila kaya pati ako napangiti na din.

“Ui, matunaw sila sa titig mo! Kanina pa ako nagsasalita.” biro ni Justin habang hinahawi ng kamay niya sa paningin ko sa dalawa niyang kasama.

Umiling ako ng kaunti dahil medyo matagal na ata akong nakatitig sa mga kasama ni Justin. “Ah… pasensya na… Si…sino sila?” tanong ko kay Justin.

Nagkatinginan si Justin at ng dalawang kasama niya – nabigla silang tatlo sa tanong ko. Naka-pako ang tingin ko sa kanila at naghihintay ng sagot. Inayos ko ang pagka-kaupo ko ng nasagi ko yung notebook ko kaya nahulog ito sa lupa. Pinulot ko yung notebook at napansing may maliit na note sa notebook:

“Friend, alam ko na yung sasabihin mo… pero kwento mo mamaya :(

-          Mish

Naalala ko agad yung huling page. Alam na ni Mish yung bagay na yun - yung bagay na hindi man lang niya naisulat. Ano ba kasi yun? Bakit niya nililihim?

“Matanda ka na nga, ulyanin ka na kasi…”pang-aasar ni Justin. Bigla akong natauhan sa sinabi niya. Focused kasi ako masyado dun sa note ng journal.

“20 lang ako no!” medyo pagalit kong sabi - Medyo offended.

“Galit? Alam ko pero mas matanda ka kaya ng isang taon sa akin.” Depensa niya. “Eto na nga bago ka mag-alboroto….”

“Si Cam nga pala…” sabay turo ni Justin sa babaeng naka-salamin.

“…at si Mish…”

Nanlaki ang mga mata sa narinig ko – Siya si Mish.

“Sino?!” sabi ko kanya. Nagulat sila dahil tumaas ng kaunti yung boses ko.

“Si Mish nga.” Emphasis ni Justin.

Nagulat ako sa sinabi ni Justin. Si Mish…. Mish.  Siya kaya yung nag-sulat ng note? Alam kaya niya kung sino yung nagsulat at nagpadala nito sa akin? Masasagot kaya niya yung mga tanong ko?

What if?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon