2nd Journal.

2 0 0
                                    

(It exists. It exists. IT. EXISTS. READERS, reader with an S. Hindi siya imaginary pero parang robotic. I don’t know if someone really reads this but whatever. Here I go again.)

“Si Mish nga.” Emphasis ni Justin.

“Mish?” sabi ko.

“Hindi, FISH. Mish nga diba? makulit ka onti.”

“Sorry hindi ko kasi narinig ng maigi.” – LIE. Narinig ko ng malinaw, hindi lang ako makapaniwala sa narinig ko.

“Sure kang hindi Fish?” nakangiti kong sabi.

“Ay oo. Ako si Fish, gusto mo makita hasang ko?” Sabi ni Mish, adding up sarcasm in the air.

“Hindi ka sirena?” korni na diba? Pero pinush ko pa din.

Biglang tumahimik ang lahat.

“Let’s give a moment of silence because a joke just died.” Sabi ni Cam.

Sabay-sabay silang tinawanan ako, nakitawa ako para hindi lugi at doon natapos ang kacornihan pero hindi nawala yung tanong ko sa isip ko: Siya kaya yung nagsulat ng note?

 May dala na naman si Justin na pagkain kahit na 3 araw pa lang ang nakalipas nung huling nagdala siya. Tataba ako nito kaagad kung ganito siya lagi. Malapit na sumabog yung cabinet ko sa dami ng pagkain na dala niya at kahit kaya ko namang bumili, nag-insist siya na siya na lang - Hindi ako tumatanggi sa libre.

Hiningi ko yung contact number ni Mish at ni Cam just incase. Actually kay Mish talaga pero para hindi obvious sinama ko na din yung kay Cam at buti na lang binigay naman nila. Umalis din sila agad kahit na sinabi kong samahan akong mag-dinner, dinala lang pala nila yung binili nila at aalis din agad. Bumalik ako ng mag-isa ng mapansin kong madilim na ang paligid.

Natapos ko na yung unang journal pero wala pa din akong maintindihan – I’m clueless. Sinubukan kong maghanap ng instructional manual sa box pero wala. I know I had to read the others, pero pwede ko naman basahin yung ibang notebooks agad but I feel it doesn’t work that way. Kinuha ko yung box sa drawer at binalik yung unang journal, napansin kong malaki at mas makapal yung pangalawang journal. Baka mas mainitindihan ko ‘to kesa sa una.

“November 30, year 7”

Kinuha ko agad yung unang journal sa box at tinignan ang date ng huling page –“March 8, year 7”.  Lalo akong naguluhan sa nakita ko. November 30. March 8. March to November Year 7.

 8 months - binilang ko sa kamay ko. Ito ba talaga ang second journal?

Hinanap ko sa box ang kasagutan pero nabigo ako – wala. Wala sa mga journals ang nagsabi sa akin ng months between March 9 to November 29. Binaliktad ko ang kahon at pinilit ilang ilabas ang hinahanap ko pero wala talaga. Not even a note.

A note. The only thing that I think will solve the missing link between the two journals.

I had to know the answer.

I had to know the truth tonight.

Pero hindi ko nagawa. It was 10 minutes past 11 pm that night and I’m already sure she won’t answer any of my calls. I had to endure the curiosity until tomorrow morning.

What if?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon