“Okay ka lang?”
Dinilat ko ang mga mata ko at napansin ko agad yung puting kisame ng kwarto –sinubukan kong lumingon at nakita ko si Justin na naka-upo sa tagiliran ko. Ano ba ng nangyari? Sabi ko sa sarili ko.
“Akala ko kung ano na ang nangyari sa’yo. Kinabahan ako bigla.” Sabi ni Justin na may hawak na basang panyo. Nakatingin ako sa kanya, napansin kong pigil ang mga reaksyon niya.
Sinubukan kong umupo sa higaan. “Anong nangyari?” sabi ko sa kanya.
“k…..kasi..”
“Andito na kami…” Biglang pasok ni Will at ng kasama niya. Hapong hapo si Will na parang galing sa marathon.
10:30 pm.
Nagising ako at pinilit kong bumangon kahit mahirap. Naglakad ako para kumuha ng tubig at napansin kong may nakalagay sa lamesa.
Huwag kang MAG-PUYAT!!!!
Yung mga pagkain nasa ref at sa cabinet.
– Love Justin.
Nabasa ko kaagad yung note niya sa may lamesa. Paanong hindi, nakasulat sa neon colored memo pad. Natawa ako ng mahina: “Mga baliw talaga sila.” Kumuha ako ng tubig at napansin kong may note sa notebook cover na binabasa ko.
Dapat itatago ko yung notebook, kaso baka puntahan mo ako sa bahay ko.
HAPPY READING!
- Love Justin.
Natawa na lang ako sa ginawa niya.
------
February 8, Year 7
Wala kaming klase….
-----
“Nag-aaral pa ba talaga ang nagsulat nito?”
“Bakit parang laging wala silang klase?”
-----
Pero pag-uwi ko nasira ang cellphone ko. Ang saya saya, gusto kong magsaboy ng confetti sa kalye! Sorry. Sacrcasm.
Ilang beses na din kasi siya nahulog at nabasa pero hindi siya nasira pero this one time na inilagay ko siya sa bulsa dun naman siya nasira. Out of all the places na pwedeng masira phone ko sa bulsa ko pa. BAKIT!? LECHE!
Sorry. Frustrated.
February 9, Year 7
36 messages. 15 missed calls.
Sabi na. Nalingat lang ako ng isang araw madami ng naghahanap kung nasaan ako.
----
“Conceited ba ‘to?” medyo mahina kong sabi kahit ako lang ang mag-isa sa kwarto.
----
Nag-luto kami ng pizza ngayon para sa TLE. Pinayagan din kami ng teacher na mag-film viewing after – pero in return kailangan niya ng 2-page reaction paper. Mahirap gawan kapag horror ang movie na papanoorin niyo.
---
“Hello po…” Narinig ko yung boses pero hindi ko siya makita.
“Ano yun?” sagot ko habang papalapit akong pumunta sa pintuan.
“Mag-isa ka lang?” tanong niya. Napansin kong halos parehas kami ng suot – pero mahaba yung buhok niya at mestiza, tinignan ko siya ng matagal at tinignan niya din ako mulo ulo hanggang paa.
“mmmm, Oo. Bakit?” medyo natawa ako sa tanong niya.
Bigla siyang tumakbo nung makarinig siya ng tunog:
kring… kring… *sfx
“Ice cream!” sigaw niya at dali dali siyang tumakbo papunta sa pinagmumulan nung tunog.
Babalik na sana ako sa loob ng mapansin kong may bagay sa lapag. “Sa kanya ata ‘to” Sabi ko sarili ko. Pinulot ko yung manika at pumunta kung saan man ang tungo nung bata.
Nakarating ako sa isang mini park sa kakahanap ko sa kanya.
“Andito kaya siya?” Napansin kong andun yung nagtitinda ng ice cream kaya naglakad ako papunta doon, baka napansin niya yung bata.
May kumalabit sa likod ko. “gusto mo po?” sabi niya, siya yung batang hinahanap ko. May hawak siyang dalawang ice cream at nakangiting iniaalok yung hawak niyang isa.
“Thank you. Teka, manika mo ‘to diba? Naiwan mo kanina sa may pinto ko.” Inabot ko sa kanya yung manika at agad naman niya ito kinuha. Hindi ko madescribe yung pagngiti niya – natagos sa puso yung tingin at ngiti niya sa akin.
“Thank you po!” sabi niya sabay takbo - Kumakaway siya sa akin habang papalayo
“Ingat! Baka madapa ka!” pahabol ko sa kanya habang tumatakbo siya palayo.
Naiwan akong may dalawang ice cream sa park kaya naisipan kong humanap ng bench para makaupo at ipagpatuloy ang pagbabasa.
----
February 11, year 7
Natapos ko na yung project NAMIN.
Ang hirap talaga sa “Group work” sa “Groupings” lang kayo magka-grupo. Ibang usapan na yung sa “work” – Tatlo kayo pero is ka lang tumapos.
There no I in TEAM, but there is “AT ME”.
February 20, year 7
Nag-away kami ng kaklase kong lalaki – hahamunin ko na sana ng away kaso ayoko ko lang ng gulo. Ang yabang! Akala mo siya yung gumawa ng project namin, wala naman halos naitulong. Muntik na talaga magkagulo buti na lang pingilan niya ako. Nandidilim na yung paningin ko sa kaklase kong lalaki nun, pero inawat niya ako.
February 24, year 7
Saturday.
Rest day sana ngayon, kaso kailangan kong pumasok para mag-practice ng cheerdance para sa upcoming intramurals ng school.
Filipino time nga naman! Late silang lahat dumating, sayang lang kasi hindi ko siya kagrupo. Sayang talaga T^T
Inatake ako ng pagkahilo sa gitna ng practice. Umiikot yung paningin ko sa buong araw pero pinilit ko pa din na tapusin ang practice kahit hirap na ako. Muntikan na nga akong mawalan ng malay pero nagkunwari na lang akong nagpapatawa para hindi nila mahalata. At least, bumenta yung joke ko.
Wala naman akong sinabihan na kahit sino at feeling ko wala din naman silang maitutulong.
BINABASA MO ANG
What if?
Non-FictionA package arrived - It was a box containing 5 journals and an assortment of paper clippings. Para saan 'to? Why did he sent this package? Sino ba ang nag-send nito?