Book 1: Page 6

8 0 0
                                    

-----

Maaga akong nagising. Sumakit yung leeg ko, nakatulog pala ako ng nakaupo sa kakabasa ng notebook na ‘to. Tumingin ako sa relo: 5: 15 am.

Masyado pang maaga pero wala na yung antok ko – hindi na ako makatulog. Bumangon na ako sa pagkakaupo para uminom ng mapansin kong may pahinang naka-tiklop sa notebook – binuksan ko yung nakatiklop na page at binasa.

-----

January 26, Year 7

Friday.

Wala kaming ginawa ngayong araw. Literal. Wala kaming mga teachers sa mga subjects namin maliban sa Music. Masaya kasi bonding naming lahat ‘to magkakaklase – kantahan, kulitan, at kung ano-ano pa.

Naisipan nila Justin na mag-dare- food dare.Bad idea. Blended chippy red + icetea +mentos, sino naman kayang nasa matinong wisyo ang susubok. Nagsayang lang kami ng pera dahil tinapon din naman namin after 10 minutes na pagtitigan.

50 pesos, wasted.

January 31, Year 7

Nakakaasar kasi may chaperone ako sa fieldtrip. Sabi ko kina mama ayos lang ako at kaya ko mag-isa pero pinakinggan lang nila ako. Akala ko mag-isa lang akong papayagan sa fieldtrip at least para masabi ko sa kanya… kaso hindi talaga pwede. Nakakainis.

-----

“Bakit may gap yung date?” Nagulat ako at napalingon sa likod ko; Sina Justin at Will pala ang dumating. Napansin ko kaagad ang ID na suot nila. Muntik na akong mapatalon sa gulat.

“Kamusta na?” Sabi ni Will. Hindi siya ganoong kalakihan pero ang laki ng boses niya, nakangiti siya sa akin habang hinihintay akong sumagot.

“Ah….a… ayos naman. Ikaw ba?” Nauutal pa akong sinagot yung tanong niya.

“Never been better..” malakas niyang sabi. Medyo lumamig ang paligid.

“Yabang ne’to. Tapos mamaya hihingi ka ng payo sa akin…. Hahaha” Biglang singit ni Justin habang nililigpit ang dala nila. Kakaiba si Justin kay Anna, ibang-iba. Walang mataray na aura si Justin kasi lagi siyang naka-ngiti at ang saya niya lang kausap.

“Bakit nga…” pilit ni wil sa akin.

Sabi ko sa kanya: “Hindi ko alam.. Bakit sa akin mo tinatanong?” medo malakas ng kaunti yung boses ko. Napahawak ako sa ulo ko habang iniisip yung tanong niya.

Ano nga ba ang nangyari sa pagitan ng araw na yon?

“Ano na ang nangyari?” Sabi ni Justin.

“saan?” sabi ko kanya at napansing masarap na ang pagkakaupo nila sa upuan at nakaharap sa akin.

“sa kwento… “ sabay nilang sabi. “basahin mo ng malakas..” at napilitan na akong basahin ng malakas ang notebook.

What if?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon