Book 1: Page 7

7 0 0
                                    

Ang corny nitong journal - pero pilit ko pa ding ‘tong binabasa hanggang sa matapos ko. Bakit ba kasi yung ibang sulat naka-glitter pen?

-----

February 1, Year 7

Field Trip.

Akala ko lusot na ako sa chaperone. Hindi pala – meron pa din akong chaperone. Maaga kaming nagpunta pero late kaming naka-alis dahil wala sa mood ang principal. Nag-karoon pa ng morning sermon bago kami naka-alis.

Nagpunta kami sa unang itinerary: sa  factory ng tinapay.

----

Biglang tumayo si will sa pagkakaupo. “Ah alam ko na yan…”

“Wag kang spoiler…” singit ni Justin.

“weh?” singit ni will.

“wag kang epal..” sabay batok kay will ni Justin at napakamot si will ng ulo niya.

Natawa ako sa ginagawa nila – para silang mga batang nag-aaway.  Huminto sila nung napansin nilang medyo lumakas yung tawa ko. Nagkatinginan kaming tatlo pero ako ang unang lumingon palayo at bumalik ang tingin sa notebook na hawak ko.

Mula sa sulok ng paningin ko tanaw kong nakangiti sila.

 “ ui, tuloy mo na… “ aya ni Justin sabay kalabit sa akin.

-----

Siksikan kami sa loob ng bus, kahit limang bus ang nirent para sa high-school parang hindi pa din kami kasya. Para kaming sardinas – sarsa na lang ang kulang. Lumayo ako sa chaperon ko. Yung totoo, nakiusap na lang ako sa kanila na medyo dumistansya sila sa akin sa buong field trip. Buti na lang pumayag sila.

Unang itinerary namin ang isang  bread factory. Sakto at lunch time kami dumating, may appetizer agad. Hindi naman kami binigo at pinakain nila kami -ng tinapay.

What do you expect from a bread factory? Rice?

Pagkain pa din yung second itinerary namin: factory ng isang fast food chain. Doon lang ako naaliw kasi nakikisabay sa mga trip namin yung mga empleyado ng factory: Kaway dito kaway doon, hi dito hi doon. Game lahat ng empleyado sa factory kahit nakikita lang namin sila through glass panes.

Last itinerary na namin yung isang farm sa may Batangas. Mahaba ang byahe kaya madaming nakatulog habang nasa expressway kami. Katabi ko siya at si Yuan sa byahe kahit naka-upo kami sa 2-seater na side ng bus. Lumipat si Yuan ng pwesto pagkalagpas ng tollgate para makatulog siya ng maayos.

 2 oras pa ang byahe. Matagal pa talaga ‘to, hindi naman ako makatulog.Pero napagod ata siya sa byahe. Mukhang nahihirapan din siyang matulog kahit na nasa window side na siya,  ginising ko siya tapos sinabing ipatong na lang niya yung ulo niya sa balikat ko.

SUCCESS! Kung pwede lang tumalon sa bus ginawa ko na.

Natulog nga siya sa balikat ko – pinilit kong huwag ngumiti pero nakangiti na ako. Hindi ko kayang pigilan.

-----

“Wag kang feeler” Sabi niya. Tinapik niya pisngi ko pero bumalik siya sa pagkakahiga sa balikat ko.

“Alam ko. Wala naman akong sinasabi …” Sabi ko kanya. Namumula na ko ng oras na yon. Pakiramdam ko lahat ng dugo ko nasa pisngi ko.

“Shhhhh…”May sasabihin pa sana ako ng biglang tinakpan ng daliri niya yung labi ko, nagulat ako at medyo napatayo sa ginawa niya.

“Ang likot mo naman…” medyo galit na siya nung tumngin sa akin - nakataas na yung kilay niya kahit medyo mapungay yung mga mata niya. “So….sorry.” yun na lang ang nasabi ko at umayos ng upo. Akala ko galit na talaga siya pero binalik niya yung pagkahiga niya sa balikat ko, hindi na ako umimik. Baka magalit pa kasi siya.

Nakatulog din ako sa haba ng byahe. Pagka-gising ko nakasandal pa din siya sa akin at ganun din ako sa kanya- Napansin kong may elementary student sa bandang unahan ng upuan namin na nakatingin; nakangiti siya. Abot tenga ang ngiti habang nakatingin sa amin, nginitiian ko din siya at sinenyasang huwag maging maingay.

“Ayos ka lang ba?”

What if?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon