Ang manuscript na ito ay raw at unedited. Ipagpaumanhin kung may makitang pagkakamali tulad ng spelling, grammatical errors, old words, at iba pa. :)
Enjoy reading. :)
SUWABENG ipinarada ni Sam ang kanyang nangingintab na sasakyan sa parking lot ng Zeneth's Veranda sa Tagaytay. Iyon ang latest model ng BMW. It was his new baby. Maganda, matulin, at suwabeng imaneho. Bagaman ang paborito pa rin niya ay ang kanyang Dodge Stealth na siyang ginagamit niya tuwing nakikipagkarera sa mga kaibigan.
Sam grabbed his leather jacket, his cell phone, and his dark shades. Lumabas na siya ng sasakyan. Isinuot niya ang jacket at ini-lock ang sasakyan. Isinusuot ang shades habang malalaki ang hakbang na tinungo na niya ang open veranda kung saan naghihintay sa kanya ang mga kaibigan, ang Bratpack.
Gumuhit ang manipis na ngiti sa labi ni Sam. Ah, Bratpack! Isa iyong samahan na kinabibilangan ng walong kalalakihan na sina Clarion Vargas, Iago San Andres, Frederick Terrence 'Diesel' James, Constantine 'Drigs' Dominador, Jerald Cervantes, Nadjem 'Nad' Vijandre, Joji Briones, and himself— Samuel del Pablo. Lahat sila ay nabibilang sa mataas na antas ng lipunan. Mayayaman, edukado, at pulos natatangi ang pisikal na hitsura. Pero hindi lamang ang mga factors na iyon ang dahilan kung bakit sila naging magkakaibigan, kung bakit nabuo ang Bratpack. Bratpack is a combination of brotherhood and family.
Namataan ni Sam ang grupo. There they are, walang itulak-kabigin. Walang nakahihigit kanino man. Bawat isa ay may kapangyarihan o koneksiyon sa alta sosyedad. Bawat isa ay matagumpay sa mga piniling larangan sa pagnenegosyo. They are the real deal. And girls were going gaga over them. Masayang nagkukuwentuahan ang mga ito habang sa mesa ay nakatindig ang mga bote ng beer, gayundin ang iba't-ibang klase ng pulutan. Karamihan ay finger foods. May walong upuan, ukupado na ang anim. Sila ni Diesel ang wala pa.
Namataan siya ni Nad. Itinaas nito ang palad. Nagsitinginan din ang lima pa. "Sam, buddy."
Itinaas niya ang kamay. Nang makalapit ay agad binati ang isa't-isa. Either nagtapikan sa balikat, nagyakapan, o naglapat ang mga palad. "What did I miss?" tanong niya habang hinuhubad ang suot na shades at nauupo sa isang bakanteng silya.
"Not much," sabi ni Clarion. "Actually kararating-rating rin lang namin."
Si Nad ay naglagay ng isang bote ng beer sa harap niya. "Magpapatali na si Diesel."
"Wait, what?" bulalas niya. "Magpapatali? As in papakasal? Frederick Terrence James III is getting married?"
"Aha," sabay na tugon nina Drigs at Joji.
"With Ria, of course," sabi ni Jerald.
Sumingit si Iago. "Man, you look surprised. Really? We all know he's in love."
Ngumisi si Sam. "Maghihiwalay din sila. Walang forever," kibit-balikat niyang tugon.
"Samuel!" sabay-sabay na bulalas ng anim na lalaki, condemning him for that ridiculous comment.
Malakas na natawa si Sam. "I didn't mean that," natatawang paliwanag niya. "Narinig ko lang sa mga empleyado ko." Napansin niyang gawa sa kahoy ang lamesa. He knocked on it three times. Pangontra daw iyon para 'di magkatotoo ang isang masamang hiling sabi ng mommy niya. Nagispagkatukan din ang lahat. Bibiruin pa sana niya ang mga kaibigan nang tumunog ang cell phone niya.
Sinuri niya iyon. Nakita ni Sam na ang kanyang ina ang tumatawag. "Oh, it's Mom. Excuse me," paalam niya sa grupo bago tumayo at lumayo.
"Extend our regards," bilin ni Iago. Nagtungo si Sam sa may railings ng veranda. Mula doon ay tanaw ang napakagandang tanawin ng Tagaytay. Tinanggap niya ang tawag ng ina. Galing ang tawag sa France. Naroon ang kanyang ina at nagbabakasyon sa tita niya. "Mom, hi."
"Hi, son. Busy ka ba?"
"Hindi para sa 'yo, Mom."
His mother giggled. "Why, thank you my dearest."
"I'm actually with the rest of the brats now. 'Hi' daw po."
"Oh, ikumusta mo rin ako sa mga kaibigan mo. Glad you're taking this Sunday off. Anyway, do you remember Shayne?"
"Shayne?" kunot-noong tanong niya. "Aha!" agad na hirit niya nang pumasok sa isipan ang isang batang babae. He smiled naughtily at the thought of her. "Shayne Marie Sullivan?"
"Yes. Ang aking inaanak na si Shayne. Ang batang madalas mong gawan ng kalokohan noon," may pag-aakusa ang tinig ng kanyang ina. At hindi naman ito masisisi ni Sam. He was guilty as charged. Noong sa Pilipinas pa naninirahan ang pamilya ni Shayne at naging magkaklase sila ay madalas ngang maging biktima ng pranks niya ang kinakapatid. Actually, sa probinsiya ay magkatabi ang mga lupain ng mga del Pablo at Sullivan. Parehong hacienda ang mga iyon. Ilang buwan matapos mamatay ang padre de pamilya ng mga Sullivan, nag-migrate na ang mga ito sa Canada. Sila ang bumili ng lupain ng mga ito. But there was a particular portion of land na hindi kasama sa bentahan at ipinakiusap sa kanila ang pangangalaga niyon.
"Yeah, of course, I remember her. Bakit ninyo naitanong, Mom?"
"Dahil katatawag lang niya sa akin. Pauwi siya ng Pilipinas, hijo. She'd stay in a hotel pero sabi ko ay doon na siya sa tumuloy sa atin. Alam mo kung ano ang sinabi ko para pumayag siya? Na nagbago ka na," she said, teasing him.
Samuel bursts into laughter. Gusto niyang mapakamot ng ulo na hindi niya mawari. "So she keeps the record, huh? Hmm. Hindi kaya gantihan niya ako?"
Ang kanyang ina naman ang natawa. "Bumawi ka, Sam. Be a good host, okay? Sayang nga lang at narito ako sa France. Miss na miss ko na rin ang batang iyon. Ikaw na ang bahala kay Shayne, ha, son?"
"Yeah. Got it, Mom. Anyway, how's your vacation? Paki-hello ako kina Tita Malou," aniya. Saglit pa silang nagkuwentuhang mag-ina bago ito nagpaalam. Iiling-iling ngunit nangingiti na bumalik na siya sa grupo.
"What's with that smile of yours?" naiintrigang tanong ni Driggs.
"May mga naaalala lang ako," kaswal na tugon niya. "Mga alaala ng kabataan."
"Para ngumiti ka ng ganyan... those must be some precious memories," ani ni Joji.
Tumango siya. "Yeah. Precious moments na masarap balikan at alalahanin. Don't we all have one?" Sumang-ayon ang mga ito.