Part 24

3.2K 107 0
                                    

Two weeks later

Paris, France.

"Enjoy your coffee, Mademoiselle," sabi ng French waiter na nagsilbi ng kape ni Shayne sa Patrice Café. 'Rinig niya ay Filipino daw ang may-ari niyon, ang asawa ng may-ari ng pinakakilalang istasyon ng telebisyon sa Pilipinas.

"Merci," nakangiting tugon niya bago sumimsim ng kape. Kaninang umaga lang siya dumating sa Paris. She spent the last two weeks in New Zealand and the neighboring country. She witnessed its beauty. Hinangaan iyon. Ini-enjoy. She learned some languages. Siniguro din niya na makapanood ng pamosong Haka— a traditional genre of Māori dance. It is a posture dance performed by a group, with vigorous movements and stamping of the feet with rhythmically shouted accompaniment. Sumikat iyon sa mundo dahil nagpe-perform niyon ang mga New Zealand Sports team bago magsimula ang laban. Pinuntahan din niya ang pamosong lugar kung saan isinapelikula ang Lord Of The Rings at The Hobbit. It was so beautiful. So mesmerizing. Ah, tunay na napakaganda ng mundo. Isang obra maestro si Mother Nature.

Shayne smiled faintly. Nag-e-enjoy siya, oo, pero hindi lubos. Hindi kasi mawala sa isipan niya si Sam. Iniisip niya kung ano nga kaya kung nasa tabi niya si Sam habang namamasyal siya? Kung hawak nito ang palad niya at pareho silang nangingiti habang nakatingin at hinahangaan ang ganda ng kapaligiran. Because sharing happiness with the one you love is like nirvana.

Ah, hindi mawala sa isip niya kung papaano siya tinitingnan ni Sam. That dewy radiant look in his eyes is something she can not forget. At hindi rin naman gustong limutin. Ang gentleness ng paghawak ni Sam... Ang matamis na halik...

How are you, Sam?

Humugot ng malalim na buntong-hininga ang dalaga. Inubos na niya ang kanyang kape bago pa iyon tuluyang lumamig. "Excuse me," sabi ng tinig panlalaki. Binalingan ito ni Shayne. Isang Pranses. Friendly naman ang pagkakangiti. May bitbit na bond paper. "This is for you," anito bago iniabot sa kanya ang bond paper.

Nagtatangkang kinuha niya ang papel at tinunghayan. Drawing iyon. Larawan niya habang nakaupo doon din mismo sa kinapupuwestuhan niya. "Oh, my God, this is me. And this is fantastic!" humahangang bulalas niya. Lapis ang gamit na medium. Sabi nga nila ay madami daw artist sa France. Makikita daw ang mga ito kahit sa lansangan.

"Thank you," anito. Itinuro nito ang lamesa nito. "I was sitting there and saw you. And I couldn't help but draw you. Your eyes got me."

"My eyes?"

"Yeah." Nagpaalam na ito. Tinangka niyang kunin ang purse niya para sana mabayaran ito. "Oh, no. No," pagpigil nito sa kanya. "It's free."

"Well, thank you," she said. Nagpaalam na ang Pranses. Muling sinulyapan ang drawing. Dahil daw sa mga mata niya kaya— napatitig niya sa mga mata niya sa drawing at sa mukha niya. Pagkuwa'y napangiti siya. Sa larawang iyon ay para siyang umaalala. It's like she was thinking of someone she loves dearly. Naroon sa mga mata niya ang patunay, gayundin sa mabining ngiti sa kanyang labi. Marahil ay iyon iyong oras na iniisip niya si Sam at ang ngiti nito, ang paghawak, at ang halik. The artist was very good.

PAKALAT na ang dilim. Si Shayne ay naglalakad na patungo na sa Eiffel tower. She wanted to see the infamous stracture and its beautiful dancing lights.

Losing vision is not a death sentence. It will be challenging, frustrating, saddening and maddening at times, but she knew all this can be overcome. Shayne won't dwell on what she can't do. Magpo-pokus siya sa mga bagay na kaya niyang gawin. She knew that somewhere along the way, the fear would fade. Kasabay ng pagtot-our niya ay ang nagre-research na siya ng mga bagay na maaari niyang gawin at pagkaabalahan sa sandaling tuluyan na siyang mabulag. Ihahanda niya na ang sarili. Sa internet ay nagbasa-basa na siya ng mga confessions ng mga taong dinapuan ng Retinitis Pigmentosa. Lahat ay inaming natakot sa simula pero sa huli ay nakakainspire din ang pinatunguhan ng mga kuwento ng mga ito.

Nakakuha si Shayne ng magandang puwesto sa tower. Damn, kabi-kabila ang magkakapareha. Kahit yata saan niya ibaling ang paningin niya ay mayroong magkasintahan. At napaka-sweet ng mga ito. Shayne isn't bitter though. May lungkot, oo, pero masaya siya na kahit sa maikling sandali ay naranasan rin niya ang magmahal at mahalin.

Inilabas niya ang kanyang recorder mula sa body bag na suot. Ini-on niya iyon. "Eiffel tower. It was magnificent and..." hindi madugtungan ni Shayne ang sinasabi. Hindi niya mai-describe ang pamosong tower o ang kapaligiran. All she wanted was to talk about something... about someone. "I'm missing Sam... So bad," aniya at hindi naiwasang maging emosyonal. Tears stung her eyes. The next thing she knew ay namumuo na ang mga luha niya. Agad iyong naglandas sa kanyang pisngi. "M-minsan... m-minsan iniisip ko kung... kung naging magandang desisyon kaya ang pag-uwi ko ng Pilipinas," garalgal ang tinig na wika niya. Pinahid niya ang kanyang luha. "K-kasi kung hindi ako umuwi, h-hindi kami magkikita ni Sam. H-hindi ko siya mamahalin. Hindi niya ako mamahalin. Hindi ko siya masasaktan. B-but then k-kung hindi naman kami nagkita, hindi ko rin mararanasan ang ganoong klase ng saya. H-hindi ko mararamdam kung papaano magmahal ng ganoon katindi. N-no... I won't regret loving him. P-paano ko pagsisihan ang isa sa pinakamagandang pangyayari sa buhay ko?" Sumigok si Shayne. "Damn, I so love that brat."

"And I so love you, too."

Napahumindig si Shayne. Tumayo ang mga balahibo niya. Tinig iyon ni Sam, hindi siya maaaring magkamali. Pero lalo lamang siyang napaiyak. "Damn, Sam, I m-must be crazy now. N-naririnig na kita, a-ang boses mo... A-at hindi ito ang unang pagkakataon na nangyayari ito. I c-couldn't stop myself from thinking of you. Couldn't stop myself from dreaming of you. I guess, I g-guess you'll really hunt me, huh? Your memory will hunt me..."

Bratpack 2: Samuel del Pablo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon