HUMAGULHOL si Shayne. Parang tinarakan ng kutsilyo ang puso niya sa naging pag-alis nito. It was as if he was walking away from her for good. At napakasakit... Naranasan niya ang pinakamasasayang sandali ng buhay niya, pero ngayon ay nararanasan n'ya rin ang klase ng sakit na noon rin lang niya naranasan. Damn. Damn, life.
Luhaang hinagilap niya ang mga gamit. Wala ng saysay pa na manatili pa siya rito at gugulin ang natitira pang araw bago ang kanyang flight. Makikiusap na lang siya sa isang tauhan at magpapahatid kahit sa terminal lamang sa bayan. Mula doon ay magbibiyahe na lang siya paluwas ng Maynila. She gathered all of her belongings. Pero dahil lubos na nasasaktan ay wala sa sariling pinaghahablot din niya iyon at ibinalibag. Nang mapagod ay napaupo na lang siya sa lapag habang patuloy na namamalibis ang kanyang luha. Ah! Bakit kasi siya pa? Bakit dinapuan pa siya ng ganoong karamdaman? Bakit pakiramdam niya ay pinaglalaruan siya ng tadhana?
"BABALIK ka, ha, Shayne?" anang dating yaya niya na ngayon ay siya ng mayordoma sa mansiyon sa hacienda. Mangiyak-ngiyak din ito. Niyakap siya nito.
Wala na pong kasiguruhan... "O-opo," sabi na lang niya. Muli ay namalibis ang mga luha sa mga mata niya. Bumuga siya ng hangin at kinalma ang sarili. "S-si Sam ho pala?" Hindi nakatiis na tanong niya. Nakapagpaalam na siya sa matatanda pero hindi niya nakikita si Sam sa paligid. Thoses elders aren't fool. Ramdam ng mga ito na may misunderstanding sa pagitan nila ni Sam. Salamat na lang at hindi naman nag-uungkat ang mga ito. Oh, well, maybe they're too sensitive. Alam kung kailan mananahimik. At kung kailan manunukso.
"Aba ay nasa kaniyang silid. Hindi lumalabas mula pa kaninang umaga. Puntahan mo na, ha, Shayne?"
"Sige ho. Salamat." Lumabas ng kusina si Shayne. Pagkuwa'y tumigil sandali sa isang hallway at sumandal sa pader. Nag-iisip. Dapat ba niyang puntahan pa ang binata at magpaalam? O dapat na siyang umalis? Kapag nagpaalam pa siya ay magiging mas kumplikado lamang ang lahat. Mas magiging torture sa kanilang dalawa ni Sam.
Okay, mabuti nga sigurong umalis na lang ng walang paalam. Nagpakawala ng buntong-hininga na naglakad na siya patungo sa front door. Pero nakakailang hakbang pa lang ay tumigil na siya. Para bang ang mga paa na mismo niya ang ayaw umabante. Can't you at least say good-bye, Shayne? mapaklang tanong ng puso niya. You'll leave him just like that? How cruel can you get?
Mariing pumikit si Shayne. Pagkuwa'y pumuhit para tunguhin ang silid ni Sam. Kakatwa na ang mga paa niya kaning animo napakabigat ay biglang gumaan at parang gusto pang tumakbo. Oh, God, she was really in trouble. Really in love with him. She fell so hard for Sam.
Nang makarating sa tapat ng silid nito ay saglit na nag-alangan ang dalaga. Tama nga ba ang ginagawa niya? Kinalma niya ang sarili. Ilang beses siyang bumuga ng hangin, iniipon ang lahat ng lakas ng loob na meron siya. Sinisikil at pinipigilang huwag lumabas sa aura niya ang tunay na damdamin para kay Sam. Breaking somebody's heart isn't easy. Lalo na kung pusong sasaktan mo ay kapareho ang tibok nang sa puso mo. Sa ganoong kaso, puso mo ang pinapatay mo.
Muli ay bumuga ng hangin ang dalaga bago itinaas ang nakakuyom na kamao. Kumatok siya. "S-Sam...?" Wala siyang nakuhang tugon. Inulit niya ang pagkatok. "Sam... A-aalis na ako ngayon. M-magpapahatid na ako sa terminal. Sam..." Nakarinig ng yabag si Shayne. Saglit lang at bumukas ang pinto. He looked like— Napasinghap na lang si Shayne nang hawakan ni Sam ang braso niya at hilahin siya papasok. Isinara nito ang pinto. Bago mabilis na isinandal siya sa dahon ng pinto. He crushed his hard length against her softness. And then he kisses her, hard. Marahas, walang pag-iingat ang halik ni Sam. He was drunk. Nasa mga labi nito ang lasa ng alak. Kaya rin marahil mariin ang hawak nito sa kanya. Hinahagkan siya nito habang pumipisil ang palad nito sa kanyang katawan.
Napaiyak si Shayne. Pero umiiyak siya hindi dahil nasasaktan siya, kundi dahil sa halik ng binata ay nararamdaman niya ang frustration nito. Higit lalo ang kabiguan. Oh, damn, kung sana ay kaya niyang sabihin kung ano ang meron sa future nila ni Sam. Pigil-pigil ni Shayne ang sarili. Pinipigilang tumugon sa halik nito. Pinipigilang palayain ang mga palad na gustong yumakap sa katawan ng binata at haplusin iyon para pakalmahin ito.
Nalasahan marahil ang alat ng luha niya, tumigil si Sam sa pag-angkin ng labi niya at sa mainit na paghaplos sa kanyang katawan. Lumayo ito sa kanya. Tila nahimasmasan. Nawala ang kalasingan at hindi makapaniwala sa nagawa sa kanya. Hinaplos ni Sam ang panga. "S-sorry," anito, halata ang pagsisisi sa guwapo ngunit miserableng mukha. Kaya naman lalong namalibis ang mga luha ni Shayne. Lumayo pa ang binata bago tumalikod sa kanya. Ang tensiyunadong mga palad ay mariing inihawak sa baywang. "Y-you go ahead. Take care."
Hindi malaman ni Shayne kung ano ang sasabihin. Pero gustong-gusto niyang tumakbo papalapit kay Sam at yakapin ito. Sabihin rito na mahal naman talaga niya ang binata kaya lang ay may sakit siya at iyon ang nagdudulot sa kanya ng grabeng takot. Oh, God, it was so hard to make a decision.
![](https://img.wattpad.com/cover/191422480-288-k360303.jpg)