Part 25 (Ending)

5.8K 212 27
                                    

Pero malakas na napasinghap si Shayne kasabay ng panlalaki ng mga mata niya nang mula sa kanyang likuran ay may yumakap sa kanya at— lalong nanlaki ang mga mata ni Shayne. Ang pamilyar na pakiramdam ng yakap, ang init ng katawan, ang amoy... Napalunok si Shayne. Nananaginip lang ba siya? "Ngayon ay alam mo na kung ano ang mangyayari kung sakaling itulak mo pa rin ako palayo. I'll hunt you. My love will hunt you," anang binata habang ipinapatong ang baba sa kanyang balikat, katulad ng kung paano siya nito yakapin mula sa likuran.

"S-Sam..." may bikig sa lalamunan na banggit niya sa pangalan nito. Humarap siya rito. He's really here, looking so dashing. Oh, God, nagkukumawala ang pagmamahal sa puso niya para sa lalaking ito. Gustong-gusto niyang yakapin ito ng mahigpit pero pinigilan niya ang sarili. "A-ano ang ginagawa mo rito?"

"Claiming my heart," anito. Sa isang mabilis na kilos ay sinapo nito ng mga palad nito ang luhaang mga pisngi niya bago inangkin ang kanyang labi.

Nanlaki sa gulat ang mga mata ng dalaga. Pero agad siyang nakabawi. Nangibabaw ang pagmamahal niya kay Sam. She accepted his kisses. And she kisses him back. Sa gilid ng mga mata niya ay nag-reflect ang tila pagkakaroon na ng ilaw ang Eiffel tower. Pero wala na siyang pakialam doon. Uhaw na sumagot siya sa mainit na halik ng binata. Puno ng pananabik ang bawat hagod ng kanilang mga labi. Tsaka na niya i-e-entertain ang ibinubulong ng negatibong isip, sa ngayon ay mas gusto niyang sundin ang puso niya at ang itinitibok niyon.

"SHAYNE..." habol ang hininga na usal ni Sam nang maghiwalay ang mga labi nila ni Shayne. Saglit na sumagap lang siya ng hangin bago muling hinagkan ito. He missed her so much. Sobrang pinananabikan niya ang dalaga na ngayong nasa mga bisig na muli niya ito ay parang puputok ang puso niya sa saya. No, wala siyang planong pakawalan pa ito. Shayne was his, to love and to hold. In sickness and in health.

Kinabig niya ang dalaga, ipinaloob sa mga bisig niya. Ipinikit niya ang mga mata. "I love you so much, Shayne, sweetheart." Sa tulong ng mommy ni Shayne ay nakontak niya si Missy, ang travel agent ni Shayne. Kaya nalaman niya ang whereabouts ng dalaga. Nag-check in siya sa hotel na tinutuluyan nito. Inabangan niya ang dalaga at sinundan sa pagpunta nito sa Eiffel tower. Ah, halos nagtatalon ang puso niya sa narinig na sinabi nito sa recorder.

"Oh, Sam..." daing nito. Ramdam niya ang maiinit na luha nito sa kanyang leeg. Pagkuwa'y humiwalay ito. "Alam mo ba kung ano ang sinasabi mo?" umiiyak nitong tanong.

Pinawi ni Sam ang mga luha nito. Mga luhang parang karayom na tumutusok sa puso niya. Nang magsaliksik siya tungkol sa sakit ng dalaga, tsaka niya nalaman at naintindihan kung bakit ayaw nitong makipag-commit. Nauunawaan na niya kung bakit ito natatakot. But, hell, his love is true. Malalim iyon at totoo. Iyong klase ng pagmamahal na hindi susuko kahit subukin man ng panahon o ng kahit na anong pagsubok. Magkasama at magkahawak-kamay na haharapin nila ang mga hamon ng buhay. He will always be there for her. Always. "Alam na alam. At hindi lamang ang labi ko ang nagsasalita ng pagmamahal, Shayne. All of me. My heart, my mind, my body. My whole being. I love you, Shayne Marie Sullivan."

HINDI makapagsalita si Shayne, hindi maapuhap ang tinig para tumugon. Here he is again, confessing his love. Pero sa pagkakataong iyon ay alam na nito kung ano ang sakit niya.

"Shayne," masuyong usal ng binata. "Pinag-aralan ko ang Retinitis Pigmentosa. Kumausap ako ng mga dalubhasa, ng mga doctor and— bottomline is I know now what is pero hindi niyon napabura ang pagmamahal ko sa 'yo. Alam ko kung ano ang pinapasok ko, Shayne. So what if you go blind when you're in your forties or sixties. I don't care, okay? Ikaw ang mahalaga at ang pagmamahalan natin. I can be your eyes. Please, huwag kang matakot. Fight for us. For our love."

Ang kailangan lang gawin ni Shayne ay tumingin sa mga mata ng binata at parang bula na naglaho sa kawalan ang lahat ng takot at agam-agam niya. Bakit nga ba niya iisipin ang bukas at gagawin iyong pamantayan kung paano siya mabubuhay sa kasalukuyan? She would live for the moment. "I... I d-don't know what to say. Y-you know I love you. Wala ng rason para ipagkaila pa iyon."

"How about you say 'yes' for this?" May dinukot ang binata sa inside pocket ng suot nitong jacket at sa tulong ng liwanag ng Eiffel tower ay nakita iyon ni Shayne. It was a ring, with a diamond shining elegantly. Lumuhod si Sam.

"Oh, my God..." bulalas niya.

"Shayne Marie Sullivan, will you marry me and be my wife? Will you spend the rest of your life with me? Will you let me hold your hand, see your smile, kiss you, love you... Will you—"

"Yes! Yes, yes!" aniya bago naupo, hindi nakapagpigil at padambang niyakap ito. Noon sumabog ang palakpakan. Noon niya napagtanto may mga audience na pala sila. "I love you, Sam," usal niya habang mahigpit na yakap ito. "Hindi na ako matatakot. As long as you're with me..." Advance na ang teknolohiya sa mundo at lalong uma-advance iyon sa bawat pagdaan ng taon. She would pray for miracles. Mananalangin na sana sa susunod na taon ay makadiskubre na ng lunas sa ganoong uri ng karamdaman. Isa pa, sabi nila, love moves in mysterious ways. Mahiwaga ang pagmamahal, makapangyarihan. But for now, all that matter was their love. And they will seize each moment.

Isinuot ng binata sa daliri niya ang singsing. "I'll be with you until my last breath. Until the last beat of my heart. Mahal kita. And I am so eager and couldn't wait to spend the rest of my life with you," anito. Dinampian ng halik ang kanyang kamay, pati na ang kanyang noo. Ah. She felt cherished. Sa oras na iyon ay siya ang pinakamasuwerte at pinakamaligayang babae sa balat ng lupa. "Magpakasal tayo as soon as possible."

"At mag-honeymoon sa bawat bansang pupuntahan natin," pilyang dagdag niya. Hindi na siya makapaghintay na libutin ang mundo kasama ang lalaking pinakamamahal niya. Ka-holding hands, kayakap, kasubuan, kangitian...

"Iyan talaga ang mangyayari, I promise you," puno ng pangako na wika nito. Sabay nilang inapuhap ang labi ng bawat isa. Hot and consuming, they made sure that their love transpired to their kisses.

Wakas



Thank you so much for reading. Leave a comment and don't forget to like! Hanggang sa muli. :)

Bratpack 2: Samuel del Pablo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon