Part 8

3K 104 6
                                    


"SHAYNE, magandang umaga," bati ng mayordoma na nabungaran ni Shayne pagbaba niya sa first floor ng bahay.

"Magandang umaga rin ho. Pumasok na si Sam sa opisina?" tanong niya. Kagabi ay sinabi niya sa binata na huwag na siya nitong asikasuhin at pumasok na ito sa trabaho.

"Pumasok na. Pero nagbilin sabihin ko daw sa inyo na tawagan mo siya paggising mo."

"Sige po, salamat." Tamang-tama dahil bitbit niya ang cell phone niya.

"Siya sige. Pagkatapos ay dumeretso ka na sa dining room, ha? Ipapahanda ko na ang mesa."

"Sige po," nakangiting tugon niya. Lumabas ng bahay si Shayne, nagtungo siya sa porch at naupo sa pasimano niyon. Doon niya idinayal ang numero ng binata. Isang ring pa lang ay kumonekta agad ang tawag niya. It was as if he was really waiting for her call.

"Good morning," anito. Napangiti sa Shayne sa boses nito sa telepono. Pati boses ay guwapo! Dahil doon ay naisipan niyang i-record ang usapan nila. Mabilis na kinutingting niya ang telepono at ini-on ang recorder.

"Good morning, Sam. Ibinilin mo daw na tawagan kita?"

"Yeah," maiksing tugon nito.

"At bakit?"

"Wala lang."

Tumaas ang kilay niya. Naiimagine niya si Sam na nakangisi at relax na namang nakaupo sa swivel chair nito. "Anong wala lang?" natatawang tanong niya.

Sam chuckled. "I just want to apologize."

Gumuhit ang ngiti sa kanyang labi. "Apologize for what?" Siyempre ay alam niya kung ano ang tinutukoy nito. Sam's been a kill joy last night. Para itong may sumpong, nakasimangot. Parang hindi gusto na madali siyang napalagay sa grupo nito. Oh, well. Pinagkaisahan din naman kasi ito ng mga kaibigan nito. They deliberately get her attention away from him.

"Oh, come on. Alam mo kung ano ang tinutukoy ko. Sorry about last night. Pero mukhang hindi naman nasira ang gabi mo. Enjoy na enjoy ka sa atensiyon nila."

Malakas siyang natawa. Hindi pa yata humuhupa ang sumpong nito. "Sino ang hindi mag-e-enjoy kapag napapaligiran ng ganoon kaguguwapo?" tanong niya. "Kinukurot ko pa rin ang sarili ko hanggang ngayon, sinisigurong hindi iyon panaginip lang." Pigil na pigil sa pagbungisngis si Shayne. She was guarding her emotion, her likeness towards him. Pero bakit ganoon? Bakit gustong–gusto niya at ini-enjoy niya ng husto kapag ganoong tila nagseselos si Samuel. Bakit mas ginagatungan pa niya ang pagmamarakulyo nito? Hindi ba dapat ay iniignora na lang niya iyon?

"Ha! Dapat ako na lang ang pinakurot mo sa 'yo."

"You can do that when you see me again," nangingiting tugon niya. "O siya, you go back to work na."

"I can't go back to wor— I mean, yeah, back to work na. Have a great day ahead, Shayne. Tawagan mo ako kung nabo-bore ka."

"Copy." Ibinaba niya ang telepono.




"'ETO HO ang bayad," iniabot ni Shayne sa driver ng taxing sinakyan ang isang five hundred peso bill. Nang umakto ito na susuklian siya ay inawat niya ito. "Keep the change na ho, Manong. Salamat sa kuwentuhan," aniya.

"Naku, salamat, Ineng, ha?"

"Walang ano man, ho," tugon niya bago lumabas ng taxi. Shayne took a deep breath. Nasasamyo niya ang hanging-dagat. Malamig din ang simoy ng hangin. Inilinga niya ang paningin sa paligid ng Roxas Boulevard. In fairness, malinis ang lugar. Sa pagkakatong iyon ay mangilan-ngilan lamang ang tao, karamihan ay magkasintahan. Nakaupo sa bench ang ilan. Ang iba ay sa damuhan. Ang iba ay doon sa ibabaw ng sementong pinaka-harang sa dagat. The lovers are holding each other's hand, chatting and giggling with each other. Ang ibang nagsosolo ay hindi niya masabi kung naroon dahil may mabigat na problema, o sadyang pumupunta lang ng boulevard para manood ng paglubog ng araw.

Pinili ni Shayne na lumayo sa karamihan. Naupo siya sa isang bench. Pagkaupong-pagkaupo niya ay umalingawngaw ang ringing tone ng kanyang cell phone. Mukhang alam na niya kung sino ang tumatawag. Inilibas niya ang gadget sa kanyang bag at tiningnan kung sino ang tumatawag. Hindi nga siya nagkamali, si Sam iyon. "Sam," tugon niya nang tanggapin ang tawag.

"Lumabas ka daw?"

Tumaas ang kilay ng dalaga. "Really? I mean, lahat ng kilos ko ibinilin mong i-report sa 'yo?" tanong niya, naiiling. Kaalis lamang niya ng bahay. Nagpaalam naman siya sa mayordoma na aalis bagaman di niya sinabi kung saan siya pupunta. Nagpatawag siya ng taxi sa guard at nagpahatid dito sa Roxas Boulevard.

"Yes," pag-amin naman nito. "Where are you?"

Kumunot ang noo ni Shayne. Hindi niya nagugustuhan ang pagka-demanding ng boses ni Sam. Na tila ba obligasyon niyang ipalaam ang wheareabouts niya rito. "Namamasyal," maikling tugon niya.

"Saan? Pupuntahan kita diyan."

"Sam, hindi ko ba nabanggit sa 'yo na gusto kong mag-isa lang ako kapag lumalakad ako?"

Pero hindi siya pinansin ng binata. "Tell me where you are."

"Brat!"

Narinig niyang tumawa si Sam. "Nasaan ka nga?" Sa pagkakataong iyon ay hindi na nag-uutos ang tinig nito. May bahid na iyon ng pakiusap.

"Boulevard," pagsuko na rin niya.

"Okay, got it. Wait for me."

Iiling-iling na ibinaba ng dalaga ang telepono. Ibinalik niya iyon sa bag. Pagkuwa'y ang voice recorder naman niya ang kanyang inilabas. She switched it on. Itinapat niya iyon sa bibig niya bago itinuon ang kanyang paningin sa dako roon kung saan unti-unti nang bumababa sa Kanluran ang araw. "Sunset at Manila Bay. The setting sun is breathtaking. Malaki. Bilog na bilog. Kulay kahel ang pinakabilog at paligid. Kumpol-kumpol at mapuputi ang mga ulap sa paligid. Napakaganda. Ang langit ay asul at maliwanag. From where I am sitting, the mighty sun looks like he was slowly kissing the surface of the ocean. And the ocean was patiently but eagerly waiting for that kiss to happen. Nagre-reflect din sa tubig ng dagat ang hugis at kulay ng araw at mga ulap. Beautiful. Just breathtakingly beautiful. Napakaganda. Parang painting na metikulosong pinili ng painter ang mga kulay at brush strokes. Such a masterpiece. Romantic ang dating nito para sa mga taong nagmamahalan. Malungkot at emosyonal naman para sa mga taong nag-iisa at may problema. Para sa mga taong uma-appreciate lamang ng kalikasan, it was really mesmerizing." Humina ang tinig niya. Malungkot na ngumiti si Shayne. Pero hindi natapos sa malungkot na ngiti ang emosyon niya. Nag-init ang kanyang mga mata at kumislap ang luha roon. Sumikip ang dibdib niya at nanakit ang kanyang lalamunan. Kahit gaano niya pigilin ang mga luha niya ay tuloy-tuloy iyong naglandas sa mga pisngi niya.

Shayne bit her lower lip. Nanginig ang kanyang labi. N-no, no. Stop the tears. Tapos ka na sa pag-iyak, Shayne. Suminghot siya. Mabilis na pinahid ang mga luha. Ibinalik niya sa bag ang recorder. Pagkuwa'y kinalma ang sarili. Baka madatnan pa siya ni Sam na umiiyak. Siguradong hindi ito titigil hangga't hindi nalalaman kung ano ang dahilan ng mga luha niya.  

Bratpack 2: Samuel del Pablo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon