Part 21

3.1K 132 6
                                    

"OKAY NA? Are you sure" tanong ni Shayne sa kaibigan niya. May-ari ito ng travelling agency sa Canada at dito niya ipinagkatiwala ang pag-aayos ng flights niya. Tinawagan niya ito para kumpirmahin kung nasa ayos na ang flight niya bukas patungong New Zealand.

"Yes, my dear. Balak talaga sana kitang tawagan ngayon. Naunahan mo lang ako. So, yup, ayos na lahat."

"Great. Thanks a lot, Missy," aniya bago ibinababa ang telepono.

"What was that all about, Shayne?" Muntikan pang matutop ni Shayne ang kanyang bibig dahil sa gulat sa tinig na iyon ni Sam.

"You scared me," wika niya bago nilingon ang pintuan ng silid. He was there, standing. Ni hindi niya namalayan ang pagbubukas ng pinto.

"You scared me," anito, tiim ang labi. Mukhang ang tinutukoy nito ay ang pag-alis niya sa tree house habang tulog pa ito. Hindi siya nagisnan ni Sam. Doon na sila nakatulog after the exhausting and passionate love making. Na naulit pa sa kalagitnaan ng gabi. Naunang magising si Shayne at ipinasya niyang bumalik na sa mansiyon. Patay-malisya na lang siya sa mga tauhan na nakakakita sa kanya at sa ayos niya. Naligo siya. Pagkatapos ay tinawagan na si Missy.

Si Sam ay halatang nag-alala nang 'di siya magisnan. Hindi mahirap sabihin na hinanap siya nito at doon dumeretso sa silid niya. In fact, magulo pa ang buhok ni Sam's. Ang dating puting long sleeve polo nito kahapon ay kulay putik na. Nevertheless, he's still so gorgeous. Nakakadama siya ng pag-iinit ng pisngi sa alaala ng mainit na sandali sa piling ng binata. "What was that, Shayne?" kunot ang noo na tanong nito habang pumapasok. Isinara nito ang pinto, sumandal doon at pinagsalikop sa tapat ng dibdib ang mga braso. Sa ayos nito, sa ekspresyon, mukhang handa itong makipag-argumento sa kanya.

"Alin? Ang tungkol sa pagko-confirm ko ng flight ko? Is that surprising?" kaswal na tanong niya.

"Yes! Given the development in our relationship," pakli nito. Nagsasalubong ang kilay ni Sam, halatang mainit ang ulo. Oh, well. Siguradong maganda naman ang gising nito. Pumangit nga lang sa narinig nitong pakikipag-usap niya kay Missy. "Aalis ka pa rin, Shayne?" nag-aakusa nitong tanong. "Aalis ka pa rin?" mas mariin nitong tanong.

"Sam, alam mong aalis ako," mahinahong balik niya.

Tumiim ang labi ni Sam. Saglit nitong inilayo ang paningin sa kanya. Tila kinakalma ang sarili. Mukha itong upset. And honestly, hindi iyon ikinatutuwa ni Shayne. Nadudurog din ang puso niya. Pero kailangan niyang magmatigas. Kailangan niyang patigasin ang puso niya. "Hindi pa ba ako sapat na rason para manatili ka?" tanong nito sabay balik sa kanya ng paningin. "What about us, Shayne? Don't tell me that there's no us because there is. There is!" anito. May kasama pang pagkumpas ng kamay, as if he was making a clear and unquestionable point.

Walang bukas para sa atin, Sam. She tilted her head. "Akala ko ay malinaw ang sinabi ko, Sam? 'Let's enjoy each other while I'm here' Iyon ang sinabi ko 'di ba?"

"Shayne," usal ng binata bago malalaki ang hakbang na tinungo ang kinaroroonan niya. Dahil nakaupo siya sa gilid ng kama, Si Sam ay iniluhod ang isang binti. Nag-iwas siya ng paningin pero hinuli iyon ng binata. "Sweetheart..." may pagsamong sambit nito, hinawakan ang kanyang palad. "Akala ko ay malinaw din ang sinabi ko na seryoso ako sa 'yo. That we will find ways. And that we will work it out."

Nababasag ang depensa ni Shayne. Naapektuhan siya sa sinasabi ng binata at sa emosyong nasa mukha nito. Naninikip ang dibdib niya. Tumayo si Shayne bago pa siya tuluyang bumigay. Nagtungo siya sa may bintana. Doon ay mariing kinagat niya ang dila niya para subukang kontrolin ang emosyon. But her tears were uncontrollable, it stung her eyes. Nanlabo ang mga mata niya sa luha. Katulad ng kung paanong sa tingin niya ay malabo ang bukas para sa kanila ni Sam.

Napapikit na lang si Shayne nang mula sa kanyang likuran ay yakapin siya ni Sam. "Okay," sabi nito sa mahinahon ng tinig. Humigpit ang yakap ni Sam, like he really had no intention of letting her go. Ang baba nito ay ipinatong sa kanyang balikat. "Okay... Hindi kita pipiliting hindi umalis. Pero sasama ako sa 'yo. Kung ayaw mong ikaw ang manatili dito, then ako ang sasama sa 'yo."

"W-what?" gulat na bulalas niya, mabilis na pinawi ang mga luha. Humarap siya sa binata. Maglalagay sana siya ng distansiya pero hindi siya pakawalan ni Sam. Ang mga palad nito ay nasa baiwang niya.

"Narinig mo ako," anito. Tumaas ang palad at pinawi ang iba pang bakas ng luha sa pisngi niya. Pagkuwa'y hinawakan ang baba niya at marahang itinaas iyon. "I love you so much that I wanted to be beside you always. Every minute, every hour, every day. Kung plano mong libutin ang buong mundo, fine, but I'll come with you. Hindi ko nais na mapalayo sa 'yo. Ayos lang sa akin kahit nasaan tayo, as long as we are together," anito, bago dinampian ng halik ang kanyang noo. "I love you, Shayne."

Tell him the truth, Shayne! Sabihin mo sa kanya ang takot at agam-agam na nariyan sa dibdib mo. Sabihin mong mahal mo rin siya pero mas nangingibabaw ang takot sa 'yo, udyok ng isipan ng dalaga. Isipan? No. It was her heart. Ang puso niyang sumasamo rin sa kanya. And she was actually tempted!

Oh, come on, Shayne. Mas mabuti nang masaktan ngayon kesa i-reject ka niya pagdating ng araw. Mas masakit iyon. Mas hindi mo kakayanin, tugon naman ng isang bahagi ng negatibong isipan niya. Hindi ka babagay kay Sam. You'll lose your sight, Shayne, and Sam will have a normal life. Gusto mo bang maging pabigat sa kanya? Ano ang sasabihin ng mga kaibigan ni Sam?

Oh, pero masaya ka sa piling ni Sam, Shayne, ganti ng puso niya. Bakit ka natatakot na sumugal? There are fights that are worth fighting for...

Happiness? Pakli ng isipan niya. Ang kasiyahan ay parang hangin lang, Shayne. It comes and it goes. It never stay...

"Shayne..."

Parang noon lang natauhan ang dalaga sa nagtatalong puso at isipan niya. Nalilito siya kung alin ang susundin. She looks at Sam. "I... I d-don't love you, Sam," usal niya. Nagwagi ang takot sa kanyang dibdib.

Natensiyon si Sam. He even gasped slightly. Saglit itong napatitig lang sa kanya. Tila binabasa ang katapatan sa mga binitiwan niyang salita. Umiling–iling ito. Ang sakit na gumuhit sa mga mata ng binata ay nagdulot ng dobleng sakit sa kanya. "Nagsisinungaling ka."

"Bakit ako magsisinungaling? Ano ang dahilan ko?" hamon niya rito. Nakataas ang kanyang noo, naghahamon ang kanyang mga mata. Damn, puwedeng-puwede pala talaga siyang mag-artista. Napakagaling niyang umarte. Puwedeng-puwede siyang manalo ng isa o dalawang acting award. "Plano kong libutin ang mundo dahil gusto kong magsaya. Kasama sa adventure ang ma-excite at ma-thrill sa bawat lugar na aking pupuntahan. Nagkataon na sa Pilipinas... ikaw ang naging thrill," malupit niyang pahayag. I'm sorry, Sam. I'm so sorry

Binitiwan siya ni Sam. Hindi makapaniwalang tiningnan siya nito. His jaw was tightened, his lips thinned. Naghahalo-halo ang frustration, disappointment, at galit sa mukha nito. Ang maemosyong mga mata ay malamig na ngayon. Shayne wanted to look away. Ayaw niyang makita na ganoon ang binata. But she couldn't take her eyes off her. Para bang iyon na ang parusa niya, ang makita ang paghihirap ni Sam at matatak iyon sa isipan niya. For her to remember later on. Humakbang ito paatras, isa, dalawa... pagkuwa'y tuluyang tumalikod ito at lumabas ng silid.

There goes your heart, Shayne. There goes your happiness...

Kasabay ng paglapat ng pinto sa hamba nito, Shayne broke down in tears.


--------

Update? Let me know by leaving a comment. Paki-vote na rin po. Thanks :)

Bratpack 2: Samuel del Pablo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon