"SEE YOU, tomorrow," paalam ni Sam kay Shayne nang ihatid siya nito sa silid na gagamitin niya sa mansiyon ng mga del Pablo. Hindi pumayag si Sam na doon siya matulog sa tree house dahil malamok umano doon at hindi rin siya magiging kumportable. Kung hindi pa nga sila inabot pareho ng gutom ay hindi sila titigil sa pangangabayo.
"Yeah, see you tomorrow," nangingiting usal niya. "Good night."
"Good night."
Bagaman nakabukas na ang pinto ay hindi pa rin pumapasok ng silid si Shayne. Hinihintay muna niyang umalis ang binata. Pero kahit nagpalitan na ng good night ay tila wala pa ring balak umalis si Sam. "Alis na," kunwari ay pagtataboy niya rito. Nagpapalitan lang sila ng makakahulugang tingin at masasayang tinginan. Maging si Shayne ay hindi mapigilan ang sarili. Nakakagat pa niya ang labi niya para pigilin ang nararamdamang kilig. Ah! Para siyang teen ager na unang beses nakaranas ng damdaming iyon.
Sam chuckled. Pagkatapos ay napakamot pa ito ng batok. Tila natotorpe na ewan. "Okay," anito. Tumalikod at humakbang, pero mabilis na bumuwelta din agad. And before she knew it, nasa mga baywang na niya at nakahawak ang mga palad nito. "Where's my good night kiss?" tanong nito, pilyo ang kislap ng mga mata. "At hindi mo pa naibibigay sa akin ang thank you kiss ko."
"Aha! Kaya pala hindi makaalis ang isang mama," tudyo niya. Itinaas din niya ang mga palad niya at ikinawit iyon sa batok ng binata. She teases him. Kunwari ay hahagkan niya ito pero iniiwas niya ang kanyang mukha. Sam drawled, frustrated. Siya naman ay napapahagikhik. She was so happy. Iyong uri ng saya na ngayon lamang niya nadama at ni hindi niya alam na posible pala.
"Sweetheart," nagrereklamong banta ni Sam.
She giggled. "Sweetheart," pag-ulit niya sa sinabi nito. Hindi lamang masarap iyon sa pandinig, pumipitlag din ang puso niya kapag naririnig iyon mula sa labi ni Sam. May magic iyon, may pagsuyo, may pang-angkin. Tulad ng kung paano siya nito tingnan at hawakan.
"Yeah, sweetheart. You're my sweetheart," Sam murmured and claims her lips in a sweet, intoxicating kiss. Agad siyang tumugon. Pinalaya ng dalaga ang kanyang nararamdaman. Hot and maind-drugging, the kiss was blissful.
Itinuon ni Shayne ang mga palad niya sa dibdib ng binata at marahang itinulak ito. Hindi naman nagpumilit pa ang binata. Bumigay ito sa ginagawa niyang marahang pagtulak rito. But he still kisses her as long as he can. Ang mga labi nila ang huling naghiwalay. "Oh, damn, puwede akong walang ibang gawin kundi ang hagkan ka lang," anito. He was looking at her intensely, full of love.
And Shayne became naughty. Tiningnan niya ito ng buong pang-aakit. Kinagat pa niya ang labi niya at pinapungay ang mga mata. Umungol si Sam. "Shayne Marie..." saway nito sa ginagawa niya. Ang boses nito ay mababa na at puno ng pagnanasa. Halatang naapektuhan sa naganap na halik at ginatungan pa ng mapang-akit niyang tingin.
Napabunghalit siya ng tawa. Subali't ng maisip na baka makabulahaw siya ay pinigil din niya ang kanyang halakhak. "Go to sleep, Sam," nakangiting pagtataboy niya rito. Kailangan niyang maglagay na ng distansiya sa pagitan nila dahil lumalalim na naman ang halik. And hell, the thought of sleeping in his arms and spending the rest of the night with him passionately is very tempting. Hinawakan na niya ang pinto para isara iyon. "Dream of me," tudyo pa niya rito.
"That will happen. Most definitely."
Nakangiting isinara ni Shayne ang pinto. Sumandal pa muna siya sa likod ng pinto at ngumiti ng malawak. This is one memorable day. Napakaraming nangyari sa araw na ito. Mga magagandang pangyayari na siguradong hindi kailanman mabubura sa kanyang isipan.
Ah, nakapagdesisiyon na siya, i-e-enjoy niya ang bawat sandaling meron siya sa piling ni Sam. She will pretend that everything is perfect. Na wala siyang dinadalang alalahanin. Hayayaan niya ang sarili niya na mangarap. Pero sa tamang oras ay gigisingin niya ang sarili at babalik siya sa reyalidad ng buhay. For now, she had a few days with Sam. Just a few days.
Napansin niyang naroon na sa silid ang kanyang bagahe. Mabilis na pinuntahan iyon ni Shayne. Kinuha niya sa bag niya ang recorder at nagsimulang magkuwento roon ng karanasan niya sa araw na ito.