Part 17

2.7K 79 0
                                    


PARANG naglalakad sa alapaap na nagtungo sa sariling kuwarto si Sam. May ngiti sa labi at nangangarap. And he's even whistling and humming a song. A love song for that matter!

Sam grinned. Nang makarating ng silid ay parang batang lumundag at ibinagsak ang sarili sa ibabaw ng kama. Ang mga palad ay iniunan at ipinailalim niya sa kanyang ulo. Nakatitig siya sa kisame. Sa isipan ay binabalikan ang mga naganap sa araw na ito.

Ang ginagawang pangangarap ay binasag ng tunog ng kanyang cell phone. Inilabas niya ang gadget sa kanyang bulsa at tiningnan kung sino ang tumatawag. It was Jerald. "Jerald!" masiglang bati niya nang tanggapin ang tawag nito.

"What's wrong with you?" nagtatakang tanong nito. "You seemed so alive and energetic and happy. I mean— Aha! I get it. Si Shayne ang dahilan ano?"

"Of course not," kunwari ay pagtanggi niya.

"Oh, come on, Sam. Hindi ka naging ganyan sa sino mang babae na dumaan sa mga palad mo. Noong lumabas tayong kasama si Shayne...? Man, you are so obvious then. Malinaw na tinamaan ka sa kababata mo. Who can blame you? Shayne Marie Sullivan is very gorgeous, elegant, and yet simple. Very stunning, sweet, lively, energetic... She's a knock out. And—"

Kumunot ang kanyang noo. "Okay, stop it, Jerald. Bago mo pa sabihing popormahan mo sana si Shayne kung 'di lang dahil sa akin." Umani iyon ng malakas na halakhak mula kay Jerald. "Bakit ka nga uli tumawag?" tanong niya, his way of dismissing him.

"Wala lang. Kukumustahin ko lang sana si Shayne," anito. Naiimagine niya ang pagkakangisi nito. Siya ang pinakamapang-asar sa grupo kaya naman kapag siya ang naaasar ay tuwang-tuwa ang mga loko.

"She's fine," pakli niya. "And she's off limits."

Jerald was laughing so hard. "Okay. Got to go, Sam. I already got my much needed dose of laughters."

"Tumawag ka just to get a good laugh? At my expense?" he drawled. Pero agad ding nawala ang pagkunot ng kanyang noo. "Any problem, Jerald?"

"Nah," sabi nito. "Ciao, buddy."

Hindi na siya nakatugon dahil naputol na ang linya. Nagkibit-balikat si Sam. Kung may problema man si Jerald ay alam nito na kahit sino sa kanila sa Bratpack ay puwede nitong lapitan. And that they wouldn't turn their back at each other. Ganoon ang samahan nila sa Bratpack. Solido, walang iwanan. Hindi lang sila basta magkakaibigan, they are almost brothers. Maybe not by blood, but by heart.




"STOP CALLING me," iiling-iling at natatawang sambit ni Shayne nang tanggapin niya ang tawag ni Sam. Limang araw na sila sa probinsiya at tunay na nag-e-enjoy si Shayne sa bawat sandali. Kahapon lamang ay nagpa-outing si Sam para sa mga tauhan at pamilya ng mga ito, kasama sila siyempre. Inarkila ni Sam ang isang beach resort para sa outing. They had so much fun. Bumaha ang pagkain, inumin, at kasiyahan. Nag-enjoy ang lahat sa paliligo. Maging sila man ni Sam ay nasiyahan. At dahil obvious na may relasyon na sila, tumigil na ang pangangantiyaw ng mga tauhan sa kanila.

Kaninang umaga ay napakaagang lumuwas si Sam. May meeting kasi ang mga stockholder ng kumpanya kaya hindi puwedeng hindi iyon sisiputin ng binata. Pero hayon ang binata at maya't-maya na siya tinawagan. Nangako naman itong babalik sa hapon.

"Paano ka makakapagtrabaho niyan kung maya't-maya ay cell phone ang hawak mo?" tudyo pa niya.

"I can't help it. Maya't-maya kita nami-miss," anito.

Damn, para siyang kiniliti ng sampung anghel. Napakalawak ng ngiti sa kanyang labi. "Oras na ng pananghalian. Kumakain ka na ba?"

"Not yet. Later, sweetheart. Ikaw?"

"Not yet. Later, sweetheart," panggagaya niya rito. Napakasarap sa pakiramdam na makausap si Sam. Hindi dahil may sense ang pinag-uusapan nila kundi dahil... wala lang. Siguro ganoon naman talaga kapag may nararamdaman ka sa isang tao. Iyong simpleng pakikipag-usap lang rito ay kakaibang saya na ang hatid sa 'yo.

"You should eat now, Shayne Marie," utos nito.

Natawa siya. 'Shayne Marie' ang tawag nito sa kanya kapag seryoso ito. "I will later, boss. Busog pa ako," balik niya. 'Boss' naman ang itinatawag niya rito kapag sa palagay niya ay nagiging demanding na ito. "At—" natigilan siya nang may maulinigan na boses ng babae sa kabilang linya. Sam, honey, natiyempuhan din kita, iyon ang narinig niya. And she knew the kind of voice that flirts. Isa ang tinig na iyon. Hindi na niya narinig kung tumugon ba si Sam o ano dahil tumahimik sa kabilang linya. Tila tinakpan ang speaker ng telepono. "Honey, huh?" sabi niya, sumasama ang mood. "Nasaan na siya? Nakaupo sa kandungan mo? Well let me give you two some time," aniya bago ibinaba ang telepono at nanggigigil na pinindot ang end call button.

Oh, my God, sabi niya nang tila mahimasmasan. What was that, Shayne? You're freaking jealous.

Nang muling tumunog ang telepono ay agad niya iyong sinagot. "Got you!" kunwari ay natatawang sabi niya. Kunwari ay pina-frank lang niya ito sa pagseselos niya. But no, she was far from being happy. Far from just doing a frank. Nagseselos talaga siya. Sinikap niyang tumawa pa. At magaling marahil siyang artista dahil nagagawa niyang pagtakpan ang tunay na damdamin. "Akala mo, magseselos ako, ano?"

"Jeez!" sabi ni Sam, animo nakahinga ng maluwag. "I thought you're really jealous at hindi mo ako kakausapin. She's part of the past, sweetheart, and I'm glad you understand. Pero, hmm, gusto ko rin yatang malaman kung paano ka magselos."

"You wish," tugon niya, pinag-igi pa ang pagpapanggap na hindi siya apektado. "Oopss, nagrereklamo na ang mga alaga ko sa tiyan. Sam, I think I'll have my lunch now."

"Good," ani Sam. "See you later. I love you, Shayne."

Hindi nakatugon si Shayne. Wala sa sariling ibinaba niya ang telepono. Hindi ba at sinabihan niya itong huwag itong magsasalita ng mga ganoong bagay? Then what was it? Ah, pinasasakit ni Sam ang kanyang ulo.

Bratpack 2: Samuel del Pablo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon