Part 5

3.9K 94 1
                                    

"NAPAKAGANDA ng langit. Maraming kumikinang na bituin. Ang iba ay tila kumikislap pa," ani ni Shayne sa voice recorder. Naroon siya sa kanugnog na terrace ng guest room na siyang ginagamit niya. It was midnight. Pero dahil hindi siya makatulog ay ipinasya niyang lumabas ng terrace. Nakita niyang maraming bituin sa langit kaya agad niyang kinuha ang kanyang voice recorder at nagkuwento roon. "Para silang mga diyamante na nagniningning sa sinag ng araw. It was so beautiful. Nakikita ko ang ibang constellations. There's the Big Deeper, The Orion, the Cassiopeia and her husband Cepheus. Ang iba ay hindi ko makita. I wonder, isa kaya sa mga bituin na iyon ay hindi naman talaga bituin kundi space ship? May sakay kaya iyon na mga aliens na nagmamanman sa mga tao. Friendly kaya sila o baka naman gusto nilang sakupin ang Earth." Natawa si Shayne sa itinatakbo ng sinasabi niya. Iginala pa niya ang paningin sa kalangitan. "Wala akong makitang bulalakaw na bumabagsak. I wish I could see one. Para makahiling ako ng isang milagro..."

Pinatay na ni Shayne ang recorder bago pa siya tuluyang maging emosyonal. There's reason for everything. Naniniwala siya roon. May dahilan kung bakit nangyayari ang mga bagay na nagpapaalog sa mundo mo. May dahilan kung bakit dumadating ang mga pagsubok. Kahit napakasakit ng pagsubok na iyon.

Pumikit siya at huminga ng malalim. The night air was fresh. Malamig, maaliwalas, at may bahid ng tamis. Lalo na siguro sa probinsiya...




"SAM, hi. I mean good morning," bulalas ng dalaga nang pagbaba niya sa grand staircase ay maabutan niya si Samuel na nakaupo sa sofa sa sala. Nagbabasa ito ng dyaryo. He looks so fresh and so dashing. Kapag ganitong kaguwapo ang mamumulatan ng mga mata mo sa umaga at siyang unang babati sa 'yo ay siguradong magiging maganda at buo ang araw mo. Lalo na kung ang kaguwapuhang iyon ay nagmamahal sa 'yo. Ikaw na siguro ang pinakamasuwerteng babae sa balat ng lupa kung tinitingnan ka ng mga matang iyon ng may pagmamahal. Ah, napakaaga pa pero umaatake na naman ang pagiging romatiko mo, Shayne, nailing na wika niya sa sarili.

Binitiwan ni Sam ang dyaryo at tumayo. "Good morning," bati nito. Oh, well, Sam is looking at her with obvious likeness. Iyong tingin na may paghanga, may ngiti, may attraction. Hinintay siyang makababa ng hagdan. Nang makababa ay nilapitan siya nito at hinagkan sa pisngi.

"Hindi ka papasok sa opisina?" tanong niya. Bagaman halatang nakaligo na ang binata ay kaswal naman ang kasuutan nito. "Or, you're the boss at hawak mo ang oras mo?"

"Pareho," simpatikong tugon nito. "Hindi ako papasok. At hawak ko nga ang oras ko. And I promised mom na magiging good host ako sa 'yo. Did you sleep well? Parang malalaki ang eye bags mo. But you're gorgeous nonetheless"

"Namahay ang beauty ko," she said, laughing. Itinago niya sa pagtawa ang pag-iinit ng kanyang mga pisngi. She's gorgeous daw. Napakasarap sa pandinig ng papuri nito. Parang espesyal iyon. "Though kahit napupuyat ako, maaga pa rin talaga akong nagigising."

"Ipinahanda ko ang breakfast sa pool side," anito, iminuwestra sa kanya ang daan.

"Cool." Umagapay siya sa paglalakad nito. "At tungkol sa sinabi mo na pagiging good host, thanks but I can really manage. Kaya ko na ang sarili ko, Sam. Hindi nga lang talaga ako makatanggi kay Ninang na dito tumuloy sa inyo. Baka makaabala naman ako sa 'yo. With your work and your extra activites..." she teased him.

Sam chuckled. Muli ay napangiti siya sa tunog ng tawa ng binata. Napaka-pleasant niyon sa pandinig. "Extra activities, huh? At ano ang ibig mong sabihin riyan?"

Sinulyapan niya ito, tinaasan ng kilay. "Your women."

"Women!" pumalatak si Sam. "Bakit ba parang palagi mong sinasabi na isa akong playboy?"

Natawa siya. "Ewan ko. Siguro ganon lang talaga ang impression ko sa sa 'yo."

Tila nasaktan ito sa sinabi niya. "Ouch."

"At tulad nga ng sinabi ko, hindi naman kita masisisi kung pagkaguluhan ka ng mga babae. Guwapo ka, makisig, at mayaman. You're one of the big, fat fishes in the ocean. You're a very good catch. Don't tell me hindi mo nagugustuhan ang atensiyon?"

"Oh, all right. Sige inaamin ko, nag-eenjoy ako minsan sa atensiyon."

"Minsan?" tudyo niya rito. "Minsan lang, huh, Samuel?"

"Bakit hindi natin itigil ang paksang ito bago ko pa ibalik sa 'yo ang kaparehong paksa, huh? Because I am sure you're also—"

"Okay, let's stop that topic now," natatawang pigil niya rito.

Narating nila ang pool side. Isang pandalawahang mesa ang naroon. May mga pagkain na pero maagap na inilalagay pa lang ng isang katulong ang mga tasa ng umuusok na kape. Ipinaghila pa siya ng upuan ni Sam. "Thanks," aniya at naupo. Pinasadahan niya ng tingin ang mga pagkain. Sinangag ang kanin at katakam-takam ang aroma niyon. Mayroong nilagang okra at pritong talong na may sawsawan. Pritong danggit at pusit na may kamatis, sibuyas, at sili. Mayroon ding sinaing na tulingan at itlog na nilaga. Mayroon ding basket ng mga tinapay. Papaya ang prutas. And the steaming cup of coffee, of course. Pumalatak siya, naglalaway sa masarap na pagkaing pinoy. "Wow. And I will eat like a king."

"Dapat lang," anang binata habang nauupo rin ito. Napatda pa si Shayne nang ipagsandok siya nito ng sinangag at ilagay iyon sa plato niya. "Para naman hindi ka madala na magbakasyon dito. And speaking of bakasyon... ano ang plano mo? I mean, plano mo bang pasyalan ang mga sikat na tourist destination dito sa Pilipinas? Say Coron, CamSur, Bora, Siargao..."

Tinaasan niya ito ng kilay. "Bakit mo itinatanong? Plano mo bang sumabit sa lakad ko?" biro niya. Kinuha niya ang tasa ng kape at sumipsip roon.

"Yup," agad namang tugon nito. "I think I deserve a break, too."

"Aw," kunwa ay ngumiwi siya. Naisip na naman niyang biruin ang binata. "Paano ako lalapitan ng boys kung may kasama ako? At paano ka rin haharutin ng girls kung kasama mo ako? Mai-insecure sila sa beauty ko. Tsk. Hindi ka makaka-score. Kung gusto mong magbakasyon din, go. Pero kanya-kanyang lakad na lang tayo, Sam. No offense meant pero gusto kong lumakad ng mag-isa. I want to flirt here and there at hindi iyon mangyayari kung magkasama tayo."

Si Sam ay tila hindi nagustuhan ang sinabi niya. Kumunot ang noo nito at dumilim ang mukha. "Is that a joke or what?"

Halos mapabunghalit siya ng tawa. "Ang seryoso mo masyado. Ano'ng nangyari sa 'yo? Where's the old Samuel del Pablo?"

"The old Sam turned into a matured and gorgeous Sam," nakangising wika nito. Natawa naman siya. At hindi rin makontra ang sinabi nito.



Bratpack 2: Samuel del Pablo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon