Chapter 1 - Catch them

443 65 55
                                    

CHAPTER 1

Catch him

Czarina POV

Bata palang ako ay humahawak na ako ng laruan na baril. Napagkamalan pa akong tomboy ni inay dahil hindi ako naglalaro ng barbie. Yes,i am a woman now pero young pa din nu! At hindi ako tomboy! Kilos lalaki lang kasi ako dahil gusto kong magprotekta. May crush kaya ako nu! Si leutenant Cyrus! Secret lang natin ha? Ang gwapo nya kasi eh! At ang gentleman pa nya hehe. Sa bawat kilos nya bilang leutenant ay tindig nya talaga ang paging matalino at mataas na ranggo. Ang cute ni sir Cyrus at ang puti nya pero nung wala pa sya sa ranggo ay moreno sya lagi. But now,nasa office sya ay ang linis na ng mukha nya at ang puti. Yes! Graduated na ako sa kinuha kong Criminology at katrabaho ko sya pero wala pa ako sa matataas na ranggo,haay kailan pa kaya? Para mapansin naman din ako ni Sir Cyrus.

Pero ang naka assign sa akin ay hulihin si Zack A.K.A Orthodox. Isa sya sa grupong P.O.E.M

POEM means...

P-aradox

O-rthodox

E-quinox

M-atrix

At si Zack yung tinaguriang Orthodox.  Oo na,ang tagal tagal na sa akin yang mission na yan pero hindi ko mahuli huli dahil  ang galing nya magpalit ng mukha. Oh? Hirap kaya yun! Huhulihin mo ang isang criminal na hindi mo matukoy ang mukha? Pero yung kaibigan ko nerd na si Nolly ay nag sketch ng mukha nya. At ang gwapo nya naman bilang criminal? Eh ang napapanood ko kasi sa mga T.V ang hahaba ng mga bigote at balbas at mukhang rapist o adik na nakalulong sa droga. Pero yung itsura ni Zack ay parang pang star actor. Pero sa gwapo nya mukha at maputing balat ay pinagtatakpan nya ng mga mapanlinlang na maskara at make up. Kumbaga minsang gwapo mukha nya at minsan pinapangit nya mukha nya para hindi namin sya mahuli.

Anyway,ang daldal ko pala nu? Hindi lang naman ako nagpakilala sa inyo. Czarina Sanchez nga pala maganda din maputi pero ang liit ko kasi wala ako sa height. Nakapasok lang ako dahil sa bar exam kasi may utak din ako nu! Wala lang sa height kaya bigo ang nanay ko na ipasali sa Ms. Universe. May itsura din kasi ako sabi ni nanay,maputi at mataas ang ilong ko dahil yung papa ko ay gwapo hehe. Pero namatay lang si papa dahil pinatay siya ng isang mafia boss kaya nandito ako para hulihin ang mga kasali sa sindikato na pumatay kay papa.

"Czarina! Nakita ko si Zack!" Sigaw ni Nolly habang hindi pa sya tapos ngumuya ng tinapay sa bunganga nya.

Syempre nagulat din ako sa sigaw nya at tinignan ang tinuro nya. At si Zack nga na nakangiti sa akin mukhang inaasar ako dahil hindi ko sya mahuli huli.

"GGGGRRRRR! Mahuhuli din kita zack!" Sigaw ko kay zack habang patakbo ako lumapit sa kanya papalabas ng gate.

Suot nya ang uniform ng isang hepe at siguradong ginagaya nya ang hepe pero bakit? Wala namang mananakaw dito? gggrr! Basta hulihin nalang sya.

"Ang bagal mo Ms. Loser!" Pa insultong ngiti ni Zack habang hinubad nyang ang costume nyang uniform ng hepe.

Naka sando nalang sya na kulay black at nakapantalon. Naka gloves din sya na kulay black siguro para hindi namin ma track ang thumbprints nya.

Kinuha ko ang baril ko at ipinutok kaso nakapasok na sya ng kotse at nakita ko ang driver ng kotse.

"Nolly! Si Ezekiel ng cell no. 5 nakatakas! Sya ang driver ni Zack!" Sigaw ko kay Nolly habang hingal na hingal naman itong si Nolly.

Hinabol ko pa din ang kotse para mahuli lang talagang bwisit na Zack na yan! Binaril ko ng dalawang beses ang gulong para tumigil ang kotse pero hindi nabutas ang gulong.

"Ha? Paano nangyari yun?"

Binuksan ni Zack ang bintana ng kotse at dumungaw sa akin habang tumatakbo ako sakanila at nag belat.

"Haha! Mahal ang bili ko dyan sa gulong na yan! At hindi mo yan masisira!" Sigaw nya habang pinapahangin ang mukha nya sa bintana.

"Hindi mo yan binili! Ninakaw mo yan hayop ka!" Sigaw ko habang hingal na hingal na ako sa kakahabol sakanila.

Binilisan pa ng kotse ang pagtakbo at tuluyan na silang nakalayo. Ang tanging narinig ko nalang mula kay Zack.

"Bye bye Ms. Loser! Better Luck next time" pang aasar ni Zack sa akin habang hindi ko na sya narinig.

Napatigil nalang ako sa pagtakbo at nagpahinga. Hawak ko ang dalawang tuhod ko at hingal na hingal talaga.

"Czarina! " Papalapit na boses ni Nolly na tumakbo din sa akin.

"Hindi ko sila maabutan" sabi ko habang inabutan ako ng bote ng tubig ni Nolly at ininom ko sa sobrang uhaw ko.

"Sira ka kasi! May kotse naman kasi tayo! Bakit kailangan mo pang tumakbo!" Hingal na pasabi ni Nolly.

"Kung may kotse pala tayo eh bakit hindi mo ginamit at tumakbo ka din?" Pagalit naman sabi ko matapos kong marinig na may kotse pala kami.

"Sira! Na saiyo kaya ang susi paano ko mapapaandar ang kotse!" Pagalit din na sabi ni Nolly sa akin.

"Wala ka naman inabot na susi ah?" Pagtataka na sabi ko with pataas taas pa ng isang kilay ko at pamewang.

"Nagkapalitan tayo ng bag kaya nasaiyo bag ko at susi!" Nag cross arms naman si Nolly at ang taray ha? Hindi bagay sa lalaki ang magtaray,parang pusa bakla! pang catwoman!

"Ggggggrr! Kainis!" Gigil talaga ako dahil hindi ko mahuli huli yang lecheng Zack. Pinagtatawanan nalang nya ako lagi at kinikindatan! Akala mo kung sino.

"Eh ano plano mo ngayon?" Patanong ni Nolly sa akin.

"Hindi ko alam,hindi din natin alam paano natin sya mahuhuli dahil hindi natatablan ng bala yung ninakaw nyang kotse" pagtataray ko.

"Ano? Hindi natatablan ng bala?" Lumalaki mga mata ni Nolly at kunting batok sakanya ay pwede na mahulog mata nya.

"Kakasabi ko lang diba?" Pag iinit naman ng ulo ko kasi meron ako ngayon.

Nagbuntong hininga nalang si Nolly at parang alam nya na meron ako. Naku! Obvious ba na meron ako? Nakakahiya naman.

"O sige magpahinga muna tayo saka nalang natin pagplanuhin yan" sabi ni Nolly at kinuha nya na sa akin ang bag nya.

"Haay o sige na nga" nag roll the eyes nalang ako.

At ayon nga,naglakad lang kami ni Nolly at nagpahinga sa opisina at tinignan ang isang research paper kaya nagtaka ako.

"Ano kaya ito?"

Criminal LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon