CHAPTER 3
The Research paper
Czarina POVNandito ako ngayon sa office at nagpapahinga ng biglang may nakita akong research paper sa mesa. Nilapitan ko yun at hinawakan.
"Ano kaya to?" Sabi ko na may halong pagtataka.Binuksan ko at binasa ang laman ng research paper at ito pala ang mga research sa grupong P.O.E.M . Apat silang miyembro kabilang na si Zack na pinanggigilan ko ng galit.
First page si Ezekiel A.K.A Matrix,ang hacker ng grupo. Sya ang nag ha hack ng mga account ng mga mayayaman at nakukuha ang mga pera nito. Magaling sya magbukas ng mga vault at iba pang pangtaguan nito. Mahirap din dati pero isa na din sa mga mayayaman na sindikato. Magaling din sya mag research ng mga location at tao.
Tinignan ko ang picture ng sinasabing Matrix ng grupo at may itsura din pala itong lalaki na ito. Mataas ang ilong at maputi sa picture na ito. Pero baka sa picture lang maputi? Hehe di bale na nga sa next page na nga lang.
Second page naman si Charlie A.K.A Equinox,ang Sniper ng grupo at asintado nya ang mababaril nya. Isa syang dating criminology kaya natuto syang mamaril. Taga probinsya pala dati ito at pangangaso ang kinagisnan nito. Hm? Kaya pala marunong humawak ng baril ito. At tulad ni Ezekiel ay may itsura din si Charlie at maputi. Hm? Baka photogenic lang ito sa picture? Haay next page na nga lang.
At syempre,ang mapang asar sa akin ay si Zack Lopez A.K.A Orthodox, magaling magbalat-kayo na ginagamitan ng mapanlinlang na maskara. Magaling sya magnggaya ng mukha ng tao at sya ang pinaka malakas sa grupo. Oo! At pinaka nakakainis din sa lahat ng grupo nila! At dahil nakita ko na din sya sa sketch ni Nolly ay di na ako mabibigla pa sa mukha nya pero mas gwapo pa sya dito picture na ito ah? Hm? Baka Na Photoshop lang ang picture na ito? Ewan! Turn the next page na nga lang ng biglang.
"Hoy! Ano ginagawa mo sa research paper ko! " pasigaw ni Bong,ang pinakamataba na pulis na nakita ko.Ang taba kasi nya at ang laki ng tyan. Favorite nya kainin ay pizza habang nag reresearch. Hindi nawawala ang pagkain sa tabi ng computer nya.
"Oh? Bong! Kaw pala yan,sa iyo ba ito? Ang galing ng research mo ah?" Sabi ko kay Bong habang binalik ko na ang research paper sa mesa nya.
"Oo kasi nagmumukha kang tigre dyan at problemado mukha mo kung papaano mo mahuhuli ang P.O.E.M group" sambit ni bong habang kinakagat ang pizza na hawak nya.Napataas nalang ako ng kilay at nag cross arms. At? Ganoon na ba ako ka problemado at naglulusyang na ako?
Tumayo nalang ako sa pagkakaupo ko sa mesa at naghanap ng salamin. Tinignan ko ang sarili ko kung lusyang na ba ako pero maganda pa naman din ako hehe. Bakit? Angal ka? Totoo naman na bata pa ako pero may kunting eye bugs lang ako nakikita kaya doon akong mukhang tigre. Dahil daw sa mata ko ay nagmukha akong tigre dahil sa maala tiger look na mata ko.
Lumabas nalang ako ng office at nagpahangin hangin. Umupo ako doon banda sa may puno na may bato sa ilalim at doon ako umupo.
Malamig ang hangin doon at may anino ng puno kaya hindi mainit ng sikat ng araw. Pagka upo ko palang sa bato ay agad kong kinuha ang sketch ni Nolly na mukha ni Zack.
"Sayang naman ang itsura mo kung naging kriminal ka lang" pagbubuntong hininga ko .Oo nga naman,pwede sya mag modelo sa mga magazine o kaya naman mag artista pero bakit Kriminal pa talaga ang pinili nito? Sayang naman kagwapuhan nya kung mapupunta lang sya sa kulungan.
Haay,miss ko na si inay na nasa bahay sya. Miss ko na din si Kuya dahil lagi sya sa hearhgng Law at oo isa syang abogado. Bale parehas kaming alagad ng batas.Miss ko na din si itay kung saan man sya ngayon . At ang nanawawalang kapatid ko. Oo may kapatid pa ako at parang may kumuha sa kanya. Ang sabi ni inay,sanggol palang sya ay may nagnakaw sakanya.Hindi ko alam kung bakit at hindi ko din alam kung nasaan na sya.
Doctor na kaya sya? Engineer? Abogado? pero teka? Wala pala sya sa poder ni inay kaya bakit yun ang nasa isip ko? Napabayaan tuloy ata sya at baka sino sino kumupkop sa kanya at nagpalaki o baka naman....wala na sya.
Hindi! wag ganyan ang isipin ko! Isipin ko dapat na buhay pa sya at sana lumaki syang mabuting tao. Nasaan na kaya sya?
"Haay" yumuko nalang ako at napagbuntong hininga ng may dumadating na anino sa harapan ko.
"Kamusta?"
BINABASA MO ANG
Criminal Lover
Teen FictionCRIMINAL LOVER Oo criminal ang tawag sa mga masasamang tao. Yung mga nagnanakaw, mga sindikato Walang awang pumatay ng tao at iba pang gawain. Sa tingin mo? Bakit may criminal? dahil Sa droga? Dahil ba sa masamang impluwensya sya napunta? Dahil ba s...